Iwa Moto buries the hatchet with Jodi Sta. Maria: "Yung buhay namin, parang magkadugtong na."

Iwa Moto (right) on settling her issue with Jodi Sta. Maria (left): “Kasi, iniisip namin na parte na kami ng buhay ng isa’t isa. Kasi si Pampi, ex niya, may anak siya doon. Tapos ako, may anak din kay Pampi. Ang iniisip namin, yung kabutihan ng mga bata. Gusto namin maayos yung mga bata."


Noong 2012 ay naging laman ng mga balita sina Iwa Moto at Jodi Sta. Maria.

Umusok ang bibig ni Iwa at direktang tinukoy si Jodi na nagkaroon diumano ng kaugnayan sa dating asawa ni Iwa na si Mickey Ablan.

Pagkalipas ng ilang buwan, pumutok naman ang balitang nagkakamabutihan na si Iwa at ang nakahiwalayang asawa ni Jodi na si Pampi Lacson.

Hindi pumatol o tumugon si Jodi sa mga hamon ni Iwa na magharap silang dalawa.

Read: Iwa Moto speaks up on marriage breakup of Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson

Ngunit nang mabuntis at manganak si Iwa sa anak nila ni Pampi, nanahimik ang StarStruck alumna sa isyu.

Ngunit sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa noong November 26, napag-alaman namin na nag-iba na ang sitwasyon sa pagitan ng dalawa.

Nakapag-usap na sina Iwa at Jodi. Bagu-bago pa lang, pero nagkausap na sila.

“Actually, we did.”

“Recently lang, pero not personally. Basta, okey kami. Okey na kami,” diin ni Iwa.

Nagkakausap na sila sa telepono?

“Through text lang.”

Ano ang pinag-usapan nila sa text?

“Basta ano… nag-amend kami pareho.

“Kasi, iniisip namin na parte na kami ng buhay ng isa’t isa.

“Kasi si Pampi, ex niya, may anak siya doon.

“Tapos ako, may anak din kay Pampi.

“Ang iniisip namin, yung kabutihan ng mga bata. Gusto namin maayos yung mga bata.

“So ngayon, we’re okay… basta, okay kami.”

Ang anak nina Pampi at Jodi—si Thirdy—ay magwa-walong taong gulang na sa December 23.

Ang anak naman nina Pampi at Iwa—si Hiromi Aiko Eve—ay tatlong buwan pa lamang.

THE FIRST MOVE. Sino ang unang gumawa ng hakbang sa kanila ni Jodi para abutin ang isa’t isa?

Sabi ni Iwa, “She gave a book about breast-feeding.

“Kasi, di ba, first time ko pa lang naman [manganak]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I texted her. Nag-thank ako sa kanya.

“Basically, doon nagsimula, and it ended up well, na okey kami ngayon… Basta, tapos na.

“Kung ano yung nangyari dati, ayoko na ring ibalik.

“Kasi siguro, may mga nasasabi akong hindi okey, kasi I was hurt before, na parang…

“Siguro that time, hurting pa rin ako nung mga panahon ngayon.

“Pero ngayon, binago nga ako ng anak ko, binago ako ng pamilyang binubuo ko ngayon.”

Pinagsisihan niya ba ang mga masasakit na salitang ibinato niya kay Jodi noon?

Sagot ni Iwa, “Not really kasi, before, I was just telling truth.

“Pero, yeah, siguro sana hindi na lang ako nagsalita.

“Siguro dati pa kami naging okey kung nanahimik na lang ako.”

Ano ang nararamdaman niya ngayong maayos na sila ni Jodi at wala nang isyu sa kanilang dalawa?

“Feels good na nabawasan ako ng mga taong iniiwasan ko.

“So, ngayon, okey.

“Basta, sa akin, ang iniisip ko na lang si Thirdy at si Mimi [palayaw ni Eve].”

Inaasahan niya bang magkikita at magkakausap sila nang personal ni Jodi ngayong okey na sila?

Ayon kay Iwa, “Feeling ko, hindi na namin pag-uusapan.

“Feeling ko, kami yung taong nangyari na ang nangyari, just forget about it. Tapos na, e.

“Alam ko, sooner or later, alam kong magkikita at magkikita kami, whether we like or not.

"Kasi yung buhay namin, parang magkadugtong na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN