LJ Reyes refuses to reveal reason of breakup with Paulo Avelino: “Para na rin sa anak ko... I don’t want to speak ill of his father.”

LJ Reyes on Paulo Avelino-KC Concepcion romance: “Kahit naman babae, magkakagusto kay KC. Ang ganda-ganda niya, alam mong may pinag-aralan. Talagang kahit sino, we can’t deny na magugustuhan talaga siya. Ako, kung magkagustuhan sila, magkatuluyan sila, I’ll be happy for Pau.”


Bagamat hiwalay na sila, hindi raw isyu kina LJ Reyes at Paulo Avelino ang kustodiya o visitation rights para sa kanilang anak na si Ethan Akio.

Pahayag ni LJ, “Actually, hindi namin inayos ang visitation rights, kasi I’m very willing na ipahiram sa kanya.

“‘O, gusto mong dalawin, sabihin mo lang.’ Sa akin, anytime.

“Hinihiram niya minsan, kung minsan dinadalaw niya sa bahay.

“Overnight… oo, pag-usapan lang namin.

“Puwede siguro, kunwari tatlo kami, pero hindi pa ngayon.”

Tungkol naman sa sustento, ayon kay LJ, “Nagbibigay talaga siya, hindi naman siya nagkukulang.

“About Aki lang… yun na lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa pre-Christmas party ng PPL Entertainment Inc. kagabi, December 2, sa Primera Casa Filipino, sa Sct. Torillo, Quezon City.



REASON FOR BREAKUP. Hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi ni LJ kung ano nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Paulo.

Paliwanag niya, “Ayoko kasing sabihin diretso, specifically, kung ano ang dahilan kasi, siyempre, baka madagdagan or mabawasan.

“Mahirap kasing i-explain yung isang bagay na pinagdaanan, kasi experience siya, hindi kasi siya black and whie na bagay, very gray.

“Para na rin sa anak ko, ayokong magsalita.

“I don’t want to speak ill of his father.”

Dagdag niya, “Siguro ngayon lang ako na naging comfortable to talk about it.

“Alangan naman na tuwing kakausapin ninyo ako, humahagulgol ako, di ba?

“O pag nagsalita ako, hindi na siya one-sided.

“Di ba, mas maganda naman kung ganun para maayos kong nasasagot ang tanong ninyo?"

Napatawad na raw ni LJ ang dating kasintahan sa lahat ng sakit na napagdaanan niya, pero hindi raw niya nakikitang magkakabalikan sila.

“Hindi naman kasi ganun kadali talaga.

“Yung forgiveness, madali yun.

“Pero yung kalimutan yung mga nangyari, hindi.

“Kaya nga tayo natututo sa mga problema na pinagdadaanan natin, kasi hindi natin sila nakakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na akong sama ng loob or galit.

“Once we forgive someone, pati yung mga yun, nale-let go na yun.”

Ayon kay LJ, kahit sa murang edad na anak nilang si Aki, 3, ay naging bukas na siya rito kung ano ang totoong kinahantungan ng relasyon nila ni Paulo.

“Before pa naman, sinasabi ko sa kanya.

“Siyempre hindi niya naiintindihan, hindi niya naga-grasp yun kung ano talaga, kung gaano kalawak ang magiging effect nung nangyari.

“Pero siyempre, ako kasi, gusto ko to be honest sa anak ko as much as possible.

“Siyempre, sasabihin ko sa kanya literal kung ano ang nangyayari.

“Nakakatuwa nga po nung sinabi ko sa kanya, hinug [hugged] niya lang ako.

“Kapag minsan umiiyak ako, sasabihin nun, ‘Mommy, don’t cry na.’”



KC CONCEPCION, JC DE VERA. Hindi naman na raw ikinagulat ni LJ Reyes ang tungkol sa pagkakamabutihan ni Paulo at ng actress-TV host na si KC Concepcion.

Sabi ni LJ sa PEP, “Kahit naman babae, magkakagusto kay KC.

“Ang ganda-ganda niya, alam mong may pinag-aralan.

“Talagang kahit sino, we can’t deny na magugustuhan talaga siya.

“Ako, kung magkagustuhan sila, magkatuluyan sila, I’ll be happy for Pau.”

Nilinaw naman ni LJ ang pagkakaugnay niya kay JC de Vera.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi, hindi ko masasabing nanliligaw, kasi kaibigan ko talaga siya.

“Talaga namang nakakasama ko siyang lumabas.

“Siguro nanibago lang ang mga tao dahil ngayon lang uli.

“Nung nasa GMA [pa siya], nagkakatrabaho kami, ilang soaps kami nagkatrabaho.

“Lumipat siya ng TV5, nawalan kami ng communication… recently, nagkaroon ng communication.

“Kaibigan ko talaga siya at, ngayon naman, naka-concentrate talaga ako sa work ko.”

Ayon kay LJ, hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon.

“At the right time. Hindi pa ngayon, may trauma pa talaga.

“Well, hindi naman trauma, hindi ko kasi alam yung milder word than trauma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro based on my experience, siguro mas careful ka, may fear ka na baka maulit.

“Siyempre, may anak ka na, ayaw mo naman na maulit yun, ayaw mo na.

“Kung magpapasok ka ng tao sa buhay mo uli, you want to be sure na yung tao na yun mag-i-stay sa life mo for a long time, kasi kawawa naman yung bata.

“Baka mamaya ma-attach or di siya ma-attach, we never know.”

Ano ang payo na maibibigay niya sa mga katulad niyang dumaan at dumaraan sa sitwasyon niya sa ngayon?

“Prayers lang po talaga ang talagang tutulong sa kanila para madaanan, malagpasan yung ganung klaseng problema.

“Siguro, be focused sa joy na ibinibigay ng anak nila. Iba talaga ang joy, iba ang bawi pag anak mo ang naglalambing sa iyo, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN