Bob Arum on Manny Pacquiao’s tax issue: “What they’re doing to Manny is absolutely outrageous and it’s politics at its worst.”

Iginiit ni Top Rank CEO Bob Arum na naibigay na nila ang lahat ng mga kailangang dokumento, pati na ang mga resibong nagpapatunay na nagbabayad ng buwis si Manny Pacquiao sa Amerika.


Naipadala na raw ng Top Rank Inc., ang boxing promotion company na humahawak sa mga laban ni Manny Pacquiao, ang certified true copies ng tax returns sa America ng boksingero.

Ipinadala raw ang mga ito sa mga abugado ng Pinoy boxer sa Pilipinas.

Sa eksklusibong ulat ni Bev Llorente ng ABS-CBN North America News Bureau kahapon, December 3, ipinakita sa kanya mismo ni Top Rank chief financial officer Dave Lopez ang tax returns na kanilang ipinadala diumano sa lawyers ni Manny sa Pilipinas.

Matatandaang nang dumating sa bansa si Manny noong November 26—mula sa kanyang laban kay Brandon Rios sa Macau—lumabas ang utos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipa-freeze ang bank deposits ng boksingero.

Ito ay kaugnay ng hindi diumano pagdedeklara ni Manny ng income tax returns (ITR) niya mula sa nakolekta ng US Internal Revenue Service (IRS) para sa mga napanalunan niyang laban noong 2008 at 2009.

Read: Manny Pacquiao’s bank deposits ordered frozen

Sa ulat ng ABS-CBN News, kinuwestiyon ni Top Rank CEO Bob Arum ang paghahabol ng BIR kay Manny.

Iginiit pa nitong isyung politikal ang ginagawa ng kagawaran ng gobyerno.

Sabi ni Arum, na dating tax lawyer at empleyado ng Department of Justice tax division sa New York, “I wanna ask the BIR, how many times have they asked for certification from the Internal Revenue Service? Probably slim and far between.

“So, what they’re doing to Manny is absolutely outrageous and it’s politics at its worst.”

Ipinaliwanag din ni Arum na sa ilalim ng batas ng Amerika, required ang Top Rank na bayaran ang IRS funds na na-withhold mula sa kinita ni Manny mula sa kanyang mga laban at endorsements.

Ang copy-furnish ng mga nasabing withholdings ay ipapadala raw electronically sa BIR.

Subalit sinabi na noon ng BIR na hindi sila tumatanggap ng kopya lamang ng tax returns.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang gusto ng kagawaran ay ang certified true copy ng tax returns mula sa IRS.

Read: Manny Pacquiao rues sudden move of gov’t to freeze his bank deposits: "Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno."

Sa kabilang banda, iginiit ni Arum na naibigay na nila ang lahat ng mga kailangang dokumento, pati ang mga resibong nagpapatunay na nagbabayad ng buwis si Manny sa Amerika.

Hinimok pa ni Arum si BIR Commissioner Kim Henares na magpadala ng kanyang mga kawani sa kanilang opisina upang i-audit ang mga kinita ni Pacquiao sa Top Rank.

Sabi ni Arum, “Let them come to our office, let them sit down, and we will take them through every single wire transfer.

"Because I can represent here today that for all the time we promoted Manny, 30 percent was taken out of any moneys paid to Manny, and that includes not only his fights but also endorsements in the United States.”

Sa huli, umaasa si Arum na matapos agad ang problemang ito ni Manny sa buwis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN