Kris Bernal’s estranged dad surprises her at an event

Naging emosyunal ang muling pagkikita ni Kris Bernal at ng kanyang ama pagkatapos ng sampung taon. Kuwento ni Kris, “Aaminin ko, may sama ako ng loob o tampo noon, kasi wala akong support na nakuha sa kanya, e. Pero noong nakita ko siya, parang nawala yung galit, parang biglang bumalik na tatay ko siya.”


Ikinuwento ni Kris Bernal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang muling pagkikita nila ng kanyang ama.

“Nagpakita siya sa akin sa isang event ko, sinurprise ako, last week lang,” simula ng 24-year old Kapuso actress.

Hindi raw alam ni Kris na darating ang kanyang ama kaya napaiyak siya.

“Oo, nagulat ako!” bulalas niya.

Fourteen years old daw si Kris noong maghiwalay ang mga magulang niya.

Sa loob ng sampung taon mula nang maghiwalay ang mga ito, madalang nang makita ni Kris ang ama.

“Nakikita ko siya minsan, pero siguro bilang lang.

“Minsan kasi, nagkakataon, nagyayaya yung family niya sa isang party.

“So minsan, nakikita ko siya, pero hindi ko siya nakakausap.”

Wala bang rason na ibinigay sa kanya ang ama kung bakit matagal itong hindi nagpakita sa kanila?

Sagot ni Kris, “Ayoko... kasi kung masyadong personal sa kanila ng mommy ko, kung problema nilang dalawa, ayoko na pakialaman, e.

“Kasi hindi naman ako mature enough din, para kung magbibigay ako ng advice or whatever.”

Bakit bigla itong nagpakita ngayon?

“Kasi noong time din na yun, fineature [featured] ako ng Tunay Na Buhay [GMA show].

“Tapos, nakuwento ko sa kanila na wala akong daddy, matagal ko na siyang hindi nakikita.

“Hanggang sa sinorpresa nila ako.”



EMOTIONAL. Ano ang naramdaman ni Kris sa pagkakita nilang muli ng kanyang ama?

Saad niya, “Aaminin ko, may sama ako ng loob o tampo noon, kasi wala akong support na nakuha sa kanya, e.

“Pero noong nakita ko siya, parang nawala yung galit, parang biglang bumalik na tatay ko siya...

“Na mahal na mahal ko yung tatay ko, na malaki ang respeto ko sa tatay ko, ganoon.

“So, hindi ko na lang pinairal yung galit.

“Kumbaga, parang siguro yung nag-long na lang ako sa love ng isang father at attention ng isang father noong time na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SURPRISE. Ang una raw balak ng ama ni Kris ay sa taping ng soap opera na Prinsesa Ng Buhay Ko ito pupunta para sorpresahin ang anak.

Pero ayon kay Kris, “Nagkataon, yung time na yun, wala kaming taping.”

Nang nalaman daw nitong may Tunay Na Buhay feature kay Kris ay doon ito nagpakita.

Bale ang Tunay Na Buhay ang gumawa ng paraan para magkita silang mag-ama?

“Oo, so pinag-meet nila kami—wala akong idea!”

Hindi ba siya nasaktan na kung hindi pa sa Tunay Na Buhay ay hindi sila magkikitang mag-ama?

Sabi ni Kris, “Kasi wala ring contact, e.”

Pero nandito lang ba sa Pilipinas ang ama niya?

“Hindi ko rin po alam noon... Noong time na yun, hindi ko alam kung nasa ibang bansa siya o nasa Pilipinas.”

May iba na bang pamilya ang ama niya?

“Hindi ko alam,” sagot ni Kris.



LAST SEEN. Bago ang pagkikita nilang ito sa Tunay Na Buhay, kailan sila huling nagkita ng kanyang ama?

“Nakikita ko siya, nagkikita lang kami, pero hindi kami nag-uusap.”

Hindi ba siya nagtaka na sa Tunay Na Buhay pa lumapit ang kanyang ama upang makita at makausap siya?

Sagot ni Kris, “Hindi naman, hindi ko naman inisipan ng masama yung pagpunta niya sa akin.

“Kumbaga, naramdaman ko rin kasi sa kanya na na-miss niya ako, na gusto niya ring bumalik, ganoon.

“Sana, pero sa ngayon kasi, parang malabong bumalik sa normal.”



COMING HOME? Hindi ba niya tinanong ang ama kung maaari itong magbalik na sa kanila?

Tugon ni Kris, “Kasi noong time na nag-usap kami, parang sinabi ko lang sa kanya na gusto kong bumalik siya sa family namin...

“Sana nakakasama ko siya ulit sa bahay, sana makumpleto kami.

“Iyon lang yung mga sinabi ko sa kanya, hindi na ako masyadong nagtanong.

“Dahil siguro sa sobrang bigat ng emosyon ko, parang puro wishes ko na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang isinagot ng ama sa wishes niya?

“Sabi niya, susubukan daw niyang mag-usap sila ni Mommy.

“Pero ayoko naman din kasing mangialam sa problema nila kasi, yun nga, kung masyadong personal.”

Hindi rin daw nagkukuwento sa kanya ang mommy niya.

“Wala, hindi nagkukuwento kasi yung mommy ko tungkol diyan, e.”


CHRISTMAS WISH. Ngayong nalalapit ang Pasko, wish ba ni Kris na mabuo muli ang pamilya nila?

“Oo! Sana magkakasama kami ngayong Pasko.

“Kasi gusto ko talaga, every Christmas kumpleto kami.

“Siya lang talaga yung wala sa family namin every time lumalabas kami, ganoon.”

Sampung Pasko na niyang hindi nakakapiling ang ama. Ano ang maaari niyang gawin para magkasama-sama sila?

Sabi ni Kris, "Gusto kong gawan ng paraan, pero sa huli naman, desisyon pa rin yun ng mga magulang ko, e.

“Ayoko rin namang makitang nasa iisang bahay kami, pero nagkakasakitan sila o hindi sila nagpapansinan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN