Dingdong Dantes backs appointment of former Senator Ping Lacson as Yolanda rehab czar

Ngayong Kapaskuhan ay pinili ni Dingdong Dantes na magtipid muna sa regalong ibibigay niya sa kanyang mga mahal sa buhay. Paliwanag ng aktor, hindi naman sa walang ibibigay. “Pero siguro sa mga panahon ngayon, kailangang mas may kahulugan... isang bagay na makabuluhan na ibibigay mo, na alam mong hindi makakalimutan sa Paskong ito..."


Abala man sa kanyang acting career, tinitiyak ng aktor na si Dingdong Dantes na lagi siyang may sapat na panahon para sa relief operations na isinasagawa ngayon ng Yes Pinoy Foundation.

Sabi ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tuluy-tuloy lang yung ginagawa naming pagtulong.

“Lahat naman ng tao, may ginagawa, e. Kahit maliit man o malaki, everyone is involved.

“Hindi lamang naman po ako.

“I’m sure, lahat po tayo rito e may malasakit at, kumbaga, gustong tumulong sa ating kapwa.”

Nakausap ng PEP ang Kapuso Primetime King sa isang simpleng Christmas party na handog ng PPL Entertainment Inc. para sa entertainment press, na ginanap sa Primera Casa Filipino, noong Lunes ng gabi, December 2.

Hindi rin biro ang ginagawang efforts ngayon ni Dingdong upang matulungan ang mga biktima ng kalamidad sa Visayas region.

Bukod sa stress at pagod nito, kailangang lagi rin siyang may available na pondo para rito.

Paano niya ito kinakaya?

Sabi niya, “Actually, lahat po ito, e, tulong-tulong ng mga kaibigan.

“Kung may inilabas ako mula sa sarili kong bulsa, siguro isang halaga na mapaandar lang siya.

“Pero yung mga donasyon e talagang dumadagsa ho talaga.

“Sa dami ho ng mga gustong tumulong, minsan nga yung iba, e, hindi nila alam kung saan sila magbibigay.

“And mapalad kami na napili kahit papa’no yung organization [Yes Pinoy Foundation] para ipagkatiwala nila yung kanilang mga donation.

“So, ako, bilang responsibilidad ko naman, sabi ko… sisiguraduhin ko naman na makakarating ‘yan.

“At iyon ang ginawa ko naman talaga.”



MARIAN RIVERA. Ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera ay todo rin ang suporta sa pagtulong na ginagawa ng Yes Pinoy Foundation sa mga biktima ng kalamidad.

Sabi ng Kapuso actor tungkol dito, “Marami pa pong iba na tumutulong din sa amin.

“And siya [Marian] ay isang malaking supporter. At isa sa malaki ang paniniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nagpapasalamat din ako sa kanya—sa kanyang oras, effort, at… marami-rami na rin ang nai-donate niya.”

Pagkatapos ng ukay-ukay nila ni Marian sa Celebrity Bazaar, ano pa ang mga susunod na fundraising activities o projects nila?

Sabi ni Dingdong, “Kakausap ko lang sa telepono, may isang grupo ng mga doctor na gusto kaming gawing beneficiary.

“So, imi-meet ko sila this week para malaman ang mga detalye.

“And… marami. Marami talagang mga iba-ibang grupo rin na tumutulong.

“Hangga’t kailangan ng mga kababayan natin sa Visayas, patuloy lang ang aming pagtulong.”



PING LACSON. Nabanggit din ni Dingdong ang pagkakatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino kay dating Senator Ping Lacson upang pangunahan ang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Malaking tulong daw ito para makabangon ang mga biktima ng kalamidad.

“Oo naman… kasi especially now na si Senator Ping Lacson came into the picture, siyempre, saka natin malalaman kung ano yung malinaw na mangyayari.

“But until there is such direction, siyempre hindi titigil ang pagdagsa ng mga tulong.

“Sabi nga niya [Lacson], he encourages the private sector’s help.

“And tayo, that’s where we stand.

“And I’m happy that there’s a clear direction on who is on top of it.

“E, alam naman natin na hindi siya madali.

“But the fact that he took responsibility, and talagang inako niya at talagang willing siyang gawin, it means that, you know, we have someone to be accountable for.

“We have someone to approach if we’re willing to contribute something.

“Ngayon, alam na natin.”



TIGHT BUDGET THIS CHRISTMAS. Dahil sa hirap na dinaranas ngayon ng mga biktima ng bagyong Yolanda, marami ang piniling umiwas sa paggastos ngayong nalalapit na Kapaskuhan upang makapag-donate.

Si Dingdong, handa rin daw magtipid sa pamimigay ng regalo o Pamasko sa kanyang mga mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Parang dapat, e.

“Kasi, hindi naman sa ano, ha… hindi naman sa walang ibibigay.

“Pero siguro sa mga panahon ngayon, kailangang mas may kahulugan na.

“Hindi lang yung tipong ibibigay mo dahil may extra kang pera.

“Or, hindi yung ibibigay mo dahil alam mong gusto niya.

“Pero kung isang bagay na makabuluhan na ibibigay mo, na alam mong hindi makakalimutan sa Paskong ito...

“Dahil after so many years, after decades, actually centuries, isang malaking catastrophe ang nangyari sa atin, which we hope will never happen again.

“So, in a way, maging simbulo siya na… itong Paskong ito, nagkaisa tayo. Nagtulung-tulungan tayo, di ba?

“Isinasantabi natin yung marahil ay konting kaligayahan natin para mapagbigyan ang kaligayahan ng ibang tao.”

BEST GIFT FOR MARIAN. Sa mga espesyal na okasyon nitong mga nakalipas na panahon, silang dalawa ni Marian ay nasanay na kapag nagbibigay ng regalo para sa isa’t isa, laging espesyal at may kamahalan talaga.

Ngayon, hindi na raw ganun.

“Yes,” sambit ni Dingdong.

“Actually, matagal na kaming tumigil sa pagbibigay ng bonggang gifts, e.

“Sabi namin, ‘Itigil na natin ito. Hindi nararapat.”

At this point, ano sa tingin niya ang best gift na maaari niyang maibigay kay Marian na hindi kakailanganing pagkagastusan niya nang husto?

“Ano nga ba ang regalong puwede ko ngayon na ibigay sa kanya?” tanong ni Dingdong na sandaling napaisip din.

“A… yung aking one-hundred support sa kanyang paparating na teleserye!” sabay ngiti niya.

Dagdag ni Dingdong, “Iyon ang isang bagay na talagang kapag ako’y nagsuporta sa kanya, all-out ako sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN