Senator Juan Ponce Enrile denies martial law and smuggling allegations; jokes about his appeal to women

Instead of taking offense, Senator Juan Ponce Enrile quips about Senator Miriam Defensor-Santiago’s accusation that he is a serial womanizer: "Siya ang nagsabi na ako ay maasim. Kung mayroon akong napilantikan ng aking asim, siguro dahil ako naman ay may maganda pang tindig."


Humarap si Senator Juan Ponce Enrile sa mga kasamahan niya sa Senado ilang minuto matapos ang counter-privilege speech ni Senator Miriam Defensor-Santiago kahapon, December 4.

Read: Senator Miriam Defensor-Santiago calls Senator Juan Ponce Enrile "king of smuggling empire" and "serial womanizer."

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni Senator Enrile na wala siyang planong sagutin ang kung anumang ibabatong alegasyon laban sa kanya ng senadora.

“Our colleague only confirmed everything I said about her mental health and her propensity to make unfounded accusations,” bungad na pahayag ng 89-year-old senator sa kanyang maiksing manifestation.

MARTIAL LAW AND SMUGGLING ALLEGATIONS. Kung natinag si Senator Enrile sa akusasyon ni Senator Santiago na mayroon siyang pananagutan sa mga human rights violation noong panahon ng martial law ay hindi siya nagpahalata.

Ang martial law o Proclamation No. 1081 ay idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos noong September 1972.

Ibig sabihin, ang buong bansa ay nasa ilalim ng military power.

Noong panahong iyon ay maraming nakulong na aktibista at mamamahayag na tumuligsa sa rehimeng Marcos.

Naging epektibo ang martial law mula September 21, 1972, hanggang January 17, 1981.

Si Enrile ang nakaupo noon bilang Defense secretary.

Ngunit giit ni Senator Enrile sa kanyang manifestation kahapon, “My record about martial law is open to the scrutiny of anybody. Even historians can check them.

"As I said in my speech, I walked throughout this country in the daytime and nighttime, and I feel safe because I have never oppressed anybody.”

Pagdating sa alegasyon ni Senator Santiago na hari siya ng isang smuggling empire, hinikayat ni Senator Enrile ang Senado na siyasatin ang operasyon sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Dagdag pa niya, ang isinulat niyang batas kaugnay ng pagtatag ng free port zone sa Cagayan ay bagay na inaprubahan ng Kongreso.

Kaya’t wala raw siyang dapat ipag-alala tungkol dito.

NOT A WOMANIZER. Pinabulaanan din ni Senator Enrile ang akusasyon ni Senator Santiago na may ugnayan sila ng kanyang chief of staff na si Gigi Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Gigi ay isa sa 38 taong sinampahan ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ng kasong plunder sa Office of The Ombudsman.

Sabi ni Senator Enrile, “She [Miriam] attacked some people who are not here, especially my chief of staff, who I still believe is innocent of all the charges made against her.”

Patuloy na pagtanggi ni Senator Enrile tungkol sa pagiging “serial womanizer” umano niya, “You know, Mr. President [Senator Franklin Drilon], even my maids, even my security, I treat them like my buddies.

"I eat with them. I do not consider them as my maids or my security.

"This is the way I treat even my people here in the Senate, and maybe they mistook that for something else.”

Sa puntong ito ay nakuha pang magbiro ni Senator Enrile tungkol sa patutsada ni Senator Santiago noong nakaraang Senate Blue Ribbon Committee hearing na “may asim pa si Tanda.”

“Siya ang nagsabi na ako ay maasim.

"Kung mayroon akong napilantikan ng aking asim, siguro dahil ako naman ay may maganda pang tindig!” nag-astang nagbibiro ang senador sa gitna ng kanyang manifestation.

CAUSE OF DEEP-SEATED ANIMOSITY. Sa huli, pinanindigan ni Senator Enrile ang tungkol sa pinaniniwalaan niyang pinag-ugatan ng hidwaan sa pagitan nila ni Senator Santiago.

Isa na raw rito ay nang hindi aprubahan ni Senator Enrile ang application ni Senator Santiago na maging Secretary of Agrarian Reform noong panahon ng panunungkulan ng namayapang Presidente Corazon Aquino (1986-1992).

Paliwanag niya tungkol dito, “Gusto ko lang sabihin na yung mga lahat ng sinabi ko tungkol sa kanyang mentalidad, sa kanyang ugali, sa kanyang character.

“E, pati na si Ombudsman Conrado Vasquez, sinabi sa kanyang isang desisyon, dahil pinarusahan ang ating kasamang senador noong siya ay nasa Commisison of Immigration and Deportation.

“Sinuspindi niya ng 30 days ang kanyang mga empleyado. Matapos ng 60 days, dinagdagan pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging firm ang Ombudsman at sinabi dun na labag sa due process yun at oppression daw yung ginagawa niya at kung anu-ano pa.

"Nandiyan po sa record nung confirmation hearing [ng Commission on Appointments].

“Kaya lang, kung sinagot niya sana ang aking speech, tatanungin ko sana yung mga point by point na nangyari sa confirmation na iyon.

“Marami pa ang hindi naisawalat. Hindi ko na sasabihin dito sapagkat I respect her absence.”

Nauna nang nagpasabi si Senator Santiago na agad siyang aalis pagkatapos ng kanyang counter-privilege speech dahil sa sakit niyang chronic fatigue syndrome.

Kaya’t hindi na personal na napakinggan ng senadora ang buwelta sa kanya ni Senator Enrile.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN