Vice Ganda reveals his wish: "Gusto kong masampal ni Maricel Soriano!"

Vice Ganda on breaking another MMFF record: “Kapag na-achieve ko ‘yan, sina Direk Wenn [Deramas], sina Deo [Endrinal], sina Inay Marya [Maricel Soriano], lahat sila, mas una pang tatalon para sa akin. At nakakatuwa, kasi hindi ko ‘to trinabahong mag-isa, ang dami nilang nagtulong-tulong.”


First time nakasama ni Vice Ganda ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa isang proyekto.

Tulad ng iba niyang co-stars sa Girl Boy Bakla Tomboy—entry sa 2013 Metro Manila Film Festival 2013—nag-iwan din ng hindi makakalimutang karanasan si Maricel kay Vice.

Kuwento ni Vice, lumapit sa kanya si Maricel isang beses at kinausap muna siya.

“Kahit si Inay Marya [Maricel], isang beses, noong nag-pictorial kami, nag-iyakan pa kami sa likod bago kami mag-pictorial.

“Sabi niya sa akin, ‘Mamaya ka na magpakuha, mag-usap muna tayo nang masinsinan.’

“Sabi niya, ‘Ano ang kailangan mo para mas maging mahusay ka sa pelikulang ito?

"’Pinanonood kita, e, ngayon lang tayo nagkasama. Nakakatawa ka, sobra kang nakakatawa.

""Ang galing mong magbitaw ng punchline, ang galing mong magpatawa.’

“’Pero ano ang kailangan mong matutunan para maging magaling kang actor, ibibigay ko sa ‘yo.’

“Kasi, naramdaman ko ang sincerity.

"Hindi lang sa merong ino-offer, pero yung sincerity.

“Kaya sabi ko, ang generous ng mga taong ito, kasi hindi lang para sa kanila ang iniisip nila kung hindi para sa akin.

“Kaya kailangan kong gawin ‘to. Kailangan kong galingan para hindi lang masayang ang lahat ng nagpagod.

“Kasi, hindi lang ako, napakarami talagang nagpagod, nagtulung-tulong sila.

“Noong sinabi nga ni Inay Marya yun, hindi na ko nakapagsalita, umiyak na lang ako nang umiyak.”

Nasabi ba niya kay Maricel kung ano ang kailangan niya?

Tugon ni Vice, “Hindi ko nasabi sa kanya nang direkta kung ano yun, kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang kailangan ko.

“Pero sabi niya sa akin, ‘Sige, kung ano ang nakikita kong kailangan mo, ibibigay ko na lang, nababasa ko naman ang mata mo.’

“Siyempre, hindi ko naman maisip kung ano ang kailangan ko, hindi ko rin naman alam kung ano ang kakulangan ko.

“Ang makakaramdam noon, yung mga taong nakakakita sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vice sa press conference ng Girl Boy Bakla Tomboy kagabi, December 4.


DREAM COME TRUE. Natupad din daw ang pangarap ni Vice na "masampal" ng Diamond Star.

“True!” bulalas niya.

“Kaya nga noong tinanong sa akin kung ano pa ang kulang sa pagiging artista ko, sabi ko, ‘Gusto kong masampal ni Maricel Soriano.’

“Hindi pa kami magkakilala ni Inay, kaya sabi ko, gusto kong makasama siya.

“Kaya noong malaman ko, sabi ko kay Direk [Wenn Deramas], ‘Sigurado bang may sampalan ‘to?

“Sabi niya, ‘Hindi naman kailangang may sampalan. Titingnan natin kung ano ang itatakbo ng istorya.’

“At sabi niya, ‘O, eto na, makakatanggap ka.’

“Hindi pa po nakukunan, pero sabi niya, ‘Makakatanggap ka nang bongga! Tingnan ko lang kung hindi mo pagsisihan, mabigat ang kamay niyan!’

“Ay naku, gusto ko!

"‘Yan ang trophy ko kapag nasampal ako ni Maricel sa pelikula.”


RECORD-HOLDER. Subok na ang hatak ni Vice sa takilya.

Ang entry niya last year sa MMFF na Sisterakas, kasama sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, ang may hawak ngayon ng record bilang highest-grossing Filipino film of all-time.

Kaya ngayon, ang hamon naman daw ni Vice kay Direk Wenn Deramas ay bigyan siya nito ng Best Actor award.

Ayon kay Vice, “Hinamon niya ako, e.

“Kaya tsinallenge ko rin ang sarili ko na, ‘Sige, ibibigay ko sa ‘yo.’

“Siyempre, di ba, pinapatapang ako ng mga taong nakapaligid sa akin?

“Kaya gusto ko rin maging matapang, hindi lang para sa sarili ko kung hindi para sa kanila rin.

“Kasi ang achievement ko, achievement din ng mga taong sumusuporta sa akin.

“Kapag na-achieve ko ‘yan, sina Direk Wenn, sina Deo [Endrinal], sina Inay Marya [Maricel Soriano], lahat sila, mas una pang tatalon para sa akin.

“At nakakatuwa, kasi hindi ko ‘to trinabahong mag-isa, ang dami nilang nagtulong-tulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OBJECT OF FANTASY? Nilinaw naman ni Vice ang napabalitang isa sa "pantasya" niya ang Star Magic talent na si Ejay Falcon, na kasama rin niya sa Girl Boy Bakla Tomboy.

Sabi ni Vice, “Pinakabagong pantasya ko si Ejay noong panahon po na yun.

"Pero ngayon po, hindi na.

“Kaya ni-request ko po talaga na kasama si Ejay sa movie na ito... ayan, ha!

“Tapos, kung kumusta siyang katrabaho? May kabigatan po!” natatawang biro niya.

“Hindi, joke lang… Magaan, kasi close po kami ni Ejay.

“Noong nakaraan nga, nag-aaway kami noong birthday niya, kasi dinedma ko siya noong birthday party niya.

“Tapos sabi ko sa kanya, ’May girlfriend ka na pala. Nabalitaan ko may girlfriend ka na.’

“Tapos sabi niya, ‘Wala akong girlfriend, ‘no?’

"’E, sabi nila, girlfriend mo yun.’

“’Hindi, ganoon lang talaga ako, maalaga ako sa leading lady.’

“Sabi ko, ‘Ang kapal ng mukha mo! Leading lady mo ako rito, hindi ko naman naramdaman yung alagang yun. Apat pa ako rito, ha?’

“Pero mabait, love ko ‘yang si Ejay,” pahabol ni Vice.

Sa pelikula ay apat na karakter ang ginagampanan ni Vice—girl, boy, bakla, at tomboy.

EIGHT HOURS. Kahit nahirapan si Vice sa kanyang mga eksena, hindi raw niya makakalimutan ang eksena nila ni Ejay.

“Meron kaming eksena, isang sequence lang, eight hours naming natapos.

“Yun ang eksena na nag-away-away ang magkakapatid na apat na beses ko siyang uulitin—palit mukha, palit prosthetic.

“At eight hours na nakahubad si Ejay Falcon, kasi eight hours mong tatapusin ang isang sequence.

“Ang hirap! Pero masaya kasi nakahubad si Ejay Falcon!” tawa pa niya.

“At nakakatawa, si Ejay, hindi talaga nagdamit.

“Kasi sabi ko, ’Huwag ka nang magbihis kasi mabilis lang naman akong magpapalit ng damit.’

"Babad... babad siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN