Alessandra de Rossi almost quit showbiz after playing so many kontrabida roles

Aminado si Alessandra de Rossi na nag-request siya na bigyan siya ng ibang roles maliban sa pagiging kontrabida. Sabi niya, “Kaya humingi ako ng breather, kaya naging ganito. Kasi hiningi ko naman talaga siya, dahil nga nahihirapan ako minsan.”


For a change, mabait ang ginagampanang role ni Alessandra de Rossi sa GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig.

Ayon sa aktres, mas gusto niya ang ganitong klaseng role kaysa sa kontrabida roles na madalas niyang ginagawa.

“Oo, sobra! Kasi nga, feeling ko nga, since palaging kontrabida yung role ko, parang wala akong nako-contribute na maganda sa viewers.”

Pero pinupuri naman ang kahusayan niya bilang kontrabida?

Kontra dito ni Alex, palayaw ni Alessandra, “It doesn’t matter, negative energy pa rin siya, e. Pinapasa mo pa rin siya, e.

“So, parang minsan, iniisip mo lang, yung parang...

"Sa tingin ko, kung nakakausap ko si God nang diresto, sasabihin Niya: ‘Are you using your talents well? Or you’ll always give people bad ideas.’”

Totoo bang inisip niyang mag-retire na lang kapag hindi nabago ang roles na naitotoka sa kanya?

Sabi ni Alex, “Yes, dumating ako sa ganoong punto.

"Kaya sabi ko, ‘Kung ganyan na lang din, I will retire and just join Gabriela.’ Chos!"

Ang Gabriela ay isang women’s group na tumutulong sa mga kababaihang inabuso, inapi, o pinagsamatalahan.

“Yung may magawa ka lang na something lang, pero since naayos na naman siya...

“Honestly ngayon, hindi ko siya nararamdaman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig, noong December 4, sa Sta. Cruz, Laguna.



BLACK AND WHITE. May pagka-gray raw ang role ni Alex bilang Gigi sa Magkano Ba Ang Pag-ibig.

Paliwanag niya, “Kasi nga, may konsepto tayo sa mga soap operas natin na black and white, e, walang gray.

“Yung masama, talagang paggising pa lang niya, talagang masama na siyang tao.

“Walang bad day sa kanya, talagang araw-araw is a bad day.

“Yung bida naman, kahit anong gawin mo sa kanya, napakabait pa rin niya sa iyo.

“Inginungudngod mo na sa putik, tomorrow, friend ka niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘What?! Wow, may tao bang ganito?’

“Parang wala naman!” tawa ng aktres.

Kapag may mga ganito siyang concerns, sino ang kinakausap niya?

“Noong una, parang sarili ko lang, tapos mga kaibigan ko.

“Tapos, noong feeling ko, yun na, nandoon na ako sa verge ng pagre-retire, umakyat na ako.”

Umakyat sa opisina ng mga boss sa GMA Network?

Sabi ni Alex, “Kasi sabi ko, ayoko siyang maramdaman, e, sinabi ko yung struggle ko as a person.

“Kasi sabi ko, as an actress, wala naman talaga akong isyu, dahil I’m thankful na lagi akong may trabaho.

“But as a person, sabi ko na gusto kong maka-inspire, nag-struggle ako.

“Kasi feeling ko, tuwing nakikita ako sa TV, nakakainit lang ako ng ulo—and that is a negative emotion.”

Pero nai-imagine ba ni Alex na siya naman ang inginungudngod sa putikan, inaapi, at umiiyak?

“Panoorin ninyo kasi yung Woman of the Ruins!” natatawang pagbanggit ni Alex sa kanyang latest indie film.

Pinaalala ng PEP kay Alex na karamihan ng mga ginampanan niyang papel ay masasabing may redeeming value.

Sagot niya, “Yes, pero wala siyang backstory.

“Iyon yung hinihingi ko kasi, na parang bakit ba siya nagiging masama, pangit ba yung choices niya sa buhay?”

Napa-frustrate din daw siya sa mga klase ng papel na dumarating sa kanya noon.

“Kaya humingi ako ng breather, kaya naging ganito.

“Kasi hiningi ko naman talaga siya, dahil nga nahihirapan ako minsan.”


GOOD MOVIES. Maituturing na isang magaling na aktres si Alessandra.

Mabait o salbahe, bida o kontrabida, kayang-kaya niyang itawid o mag-shift nang walang kahirap-hirap.

Kailan ulit siya gagawa ng magagandang pelikula?

“Palagi namang nandiyan, every year naman may magaganda akong pelikula.”

Bilang isang aktres, ano ang gusto niyang maitawag o maibansag sa kanya?

Sabi ni Alex, “E, di ‘shift’ actress... charot!

“Wala, artista... hindi ko alam, hindi ko alam,” sagot ni Alex, na kilala sa pagiging prangka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN