Court of Tax Appeals issues gag order on Manny Pacquiao and BIR Commissioner Henares

Pinagbawalan nang masalita ng Court of Tax Appeals si Manny Pacquiao at si BIR Commissioner Kim Henares kaugnay ng isyu sa pagbabayad ng buwis ng Pambansang Kamao.


Naglabas ng gag order ang Court of Tax Appeals (CTA) para kay Sarangani Representative Manny Pacquiao, Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, at sa kanilang mga abugado.

Inilabas ni Judge Roman del Rosario ng First Division ng CTA ang naturang kautusan ngayong araw, Disyembre 5.

Pinagbabawalan na ang magkabilang kampo na magsalita pa sa media upang maiwasan ang pagtatalo ng opinyon ng publiko.

Saklaw rin sa gag order ang ina ng Pambansang Kamao na si Dionisia Pacquiao.

Ibig sabihin, hindi na rin siya maaaring magbigay ng anumang pahayag sa media tungkol sa kinasasangkutang gusot ng anak sa kagawaran ng pagbubuwis.

Tinanggap naman ng magkabilang panig ang kautusang ito mula sa CTA.

Ayon sa abugado ni Manny na si Atty. Jason Fernandez, na nakapanayam ng 24 Oras ng GMA ngayong gabi, Disyembre 5, “This is a reminder also coming from the court.”

Sabi naman ng abugado ng BIR na si Atty. Felix Paul Velasco III, sa Aksyon ng TV5, “I guess prudence dictates naman na i-observe natin…

"Kasi yung objective noong gag order is to prevent further hostilities and, you know, it doesn’t do any good.”

Nagbigay rin ng pahayag si Commissioner Henares sa 24 Oras.

Aniya, “If you want to make any settlement, you want to say something to me, say it officially, not in the press, ‘no.”

Nagsimula ang palitan ng mga pahayag ng kampo ni Manny at ni Commissioner Henares noong November 26, dalawang araw matapos ang matagumpay na laban ng Pinoy boxing champ kay Brandon Rios sa Macau noong November 24.

Nag-ugat ang patutsadahan ng magkabilang kampo nang naglabas ng garnishment order ang BIR sa bank accounts ni Manny at sa asawa nitong si Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao.

Ito ay dahil daw sa unpaid taxes ng boksingero na umabot sa P2.2 billion.

Ang hindi diumano nabayarang buwis ay sumasaklaw sa mga laban ni Manny sa Amerika noong 2008 at 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpatawag ng press conference si Manny upang ireklamo ang tinawag niyang pamumulitika sa gitna ng trahedya ng Yolanda.

Sa ulat pa rin ng 24 Oras, sinabi ni BIR Commissioner Henares na nakatanggap siya ng letter of request mula kay Pacquiao kagabi, Disyembre 4.

Ngunit dahil sa gag order ay hindi na nito sinabi ang nilalaman ng sulat, bukod pa sa confidential din daw ito.



COURT HEARING RE-SCHEDULED. Samantala, hindi sumipot si Manny sa hearing kanina ng urgent petition na isinampa niya at ng asawang si Jinkee sa Court of Tax Appeals.

Ayon sa petition, gusto ng mag-asawang bawiin ng korte ang writ of garnishment na ipinataw ng BIR sa kanilang bank accounts at iba pang mga ari-arian.

Sa naturang pagdinig, magbibigay sana ng panig ang BIR tungkol sa hinaing ng People’s Champ.

Ayon sa ulat ng Aksyon TV, napagkasunduan ng magkabilang kampo na i-reschedule ang pagdinig sa January 16, 2014.

Layunin din daw ng postponement ang posibilidad na maaaring makapag-usap ang dalawang kampo sa labas ng korte.

Sabi ni Atty. Velasco, abugado ng BIR, “Both parties have agreed to defer it to allow parties to enter into talks.”

Ayon naman sa CTA, lahat ng ari-arian ni Manny na hawak ng BIR ay hindi maaaring galawin.

Ngunit kung sakaling may mapagkasunduan ang dalawang kampo sa labas ng korte ay magpa-file na lamang sila ng manifestations sa CTA.

Dagdag ni Atty. Fernandez, na abugado ni Manny, lahat ay ginagawa nila upang malutas ang problema ng Pambansang Kamao sa lalong madaling panahon, kaya huwag na raw mag-alala pa ang mga tagahanga at tagasuporta ni Manny.

LIFETIME TAX EXEMPTION FOR PACQUIAO? Sa ulat ng 24 Oras, may ilang kasamahan daw si Manny sa Kongreso na nagsusulong ng "lifetime tax exemption" para sa mambabatas.

Ito ay bunsod daw ng mga karangalang inani ni Manny sa mga laban nito sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Valenzuela Representative Magtanggol Gunigundo ang naghain ng House Bill No. 3521, na naglalayong mabigyan ng habambuhay na tax exemption si Manny.

Ayon naman sa ulat ng InterAksyon, nakasaad sa panukala ni Congressman Gunigundo na nararapat mabigyan ng tax exemption si Pacquiao habang buhay, dahil sa maraming karangalang naibigay nito sa Pilipinas sa larangan ng boxing.

“This measure, granting a lifetime income tax exemption to a Filipino who has gained outstanding international recognition in his field of endeavor will not only be a fitting expression of the nation’s gratitude to countrymen, like Manny Pacquiao, for his achievements and in appreciation of the honor and inspiration he has been bringing to the Filipino people.”

Ang kanyang isinusulong na panukala ay kauna-unahang "pambihirang pribilihiyo" na maigagawad sa isang nagbabayad ng buwis kung sakali.

Dagdag pa ni Congressman Gunigundo, ang nasabing pribilehiyo ay naibigay ng gobyerno ng Colombia kay Luz Marina Zuluaga, na nanalong Miss Universe noong 1958.

Ayon pa sa mambabatas, “The Colombian government even built her a mansion, printed postal stamps in her honor, declared a national holiday in her name, and proclaimed her as Tax Exempt for Life.”

Si Luz Marina Zuluaga ay 1st runner-up lamang sa Miss Colombia noong 1957.

Ngunit nag-resign ang nanalong Miss Colombia na si Doris Gil Santamaria, kaya si Zuluaga ang pumalit sa puwesto nito.

Siya ang kumatawan sa Colombia sa Miss Universe noong 1958, at siya ang nakakuha ng korona.

Simula raw noon ay naging inspirasyon na si Luz ng mga kandidata mula Colombia, lamang ay, hanggang ngayon, hindi pa nila napagwagiang muli ang titulo.

Ang pinakamataas nilang nasungkit na puwesto pagkatapos nito ay ang first runner-up sa tatlong magkakasunod na taon—mula 1992 hanggang 1994.

ANOTHER TAX EXEMPTION PROPOSAL. Si ABAKADA Party List Representative Jonathan dela Cruz ay nagsulong din ng panukala na naglalayong bigyan naman ng tax exemptions ang lahat ng Pilipinong atleta na nag-compete abroad at nagtagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging inspirasyon daw ng kanyang panukala ang tax evasion case na kinahaharap ngayon ni Pacquiao.

Dapat daw mabigyan ng tax exemptions ang mga atleta, at pati na rin ang mga nanalo sa international beauty pageants, dahil sa karangalang dinadala nila para sa bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN