Lauren Young reveals sister Megan Young’s "lonely life" as Miss World

Sa isang linggong pananatili sa Pilipinas ni Miss World Megan Young (left) ay tumira siya sa isang five-star hotel sa Manila, kasama ang kanyang ina at dalawang kapatid. Kuwento ng kapatid niyang si Lauren Young (right), isang linggo rin silang nag-check-in sa hotel na tinuluyan ng kapatid na beauty queen.


Sa farewell presscon ng GMA weekly series na Dormitoryo kahapon, December 5, nagkuwento si Lauren Young tungkol sa isang linggong pamamalagi sa Pilipinas ng kanyang kapatid na si Megan Young, ang reigning Miss World.

Bumalik sa Pilipinas si Megan dahil nagbigay ng tulong ang Miss World Organization sa mga biktima ng typhoon Yolanda/Haiyan sa Tacloban City.

Marami ang nakapansin sa pagpayat ng katawan ni Megan.

Ayon kay Lauren, resulta ito ng sunud-sunod na biyahe ng kapatid sa iba’t ibang lugar.

“Oo nga. Siguro dahil sa kakalipad, hindi nakakatulog... She basically lives in her suitcase.

"Kapag hindi siya kumakain, baka natutulog na lang siya.

"Si Megan kasi, the reason why she maintains that body is because it’s her choice to be healthy, and she enjoys working out.

"She likes yung mga cleanses, kung anu-anong mga yoga."

Kuwento pa ni Lauren tungkol sa kanyang ate, “I always Skype her.

"Kawawa siya, she’s always alone.

"At least ako, I’m here with my friends. I’m here with my family, our family.

"E, siya, ang kasama lang niya, mga taga-Miss World din.

"E, they’re in London. They have their own family and their own friends.

"Gusto ko siyang dalawin, pero mahal. Sabi ko nga, ilibre niya ako!”

POSITIVE EFFECT. Inamin ni Lauren na may mga positibong epekto sa kanya ang pagiging Miss World ni Megan—kahit kapatid lamang siya nito.

"Siguro, ano lang, yung mga society level!" tawa ng Kapuso young actress.

"Halimbawa, like, one time, may kailangan siya na ipa-book.

"Parang magsasara na sila, they close at 8 [p.m.], and she got there at 8, so hindi na sila tatanggap [ng customer].

"May kailangan siya na ipatanggal sa nails niya.

"Sabi ko, ’Sige na po. It’s for Megan Young. So please extend kahit thirty minutes lang.’

"It’s not me being a user. Favor lang naman. Nagne-namedrop din!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, that’s the truth naman, e, I am Miss World’s sister, so it helps."

Dagdag pa ni Lauren, "What inspired me with what she did was she made something of herself, on her own.

"And she achieved something on her own.

"And I want something like that, para makilala rin ako.

"Not because I’m her sister, but because of something that I did.”

ONE WEEK WITH MEGAN. Isang linggong nanirahan si Megan sa isang five-star hotel habang naririto siya sa Pilipinas, kaya isang linggo ring naka-check-in sa naturang hotel si Lauren.

Kuwento ni Lauren, "Ang nangyari, tumira ako sa hotel ng isang linggo.

"As in, may sarili akong luggage, may sarili rin ako na keycard.

"As in tulog siya, ako yung kumakain ng breakfast buffet!

"Ganoon ang nangyari.

"I leave for work and come back at 4 a.m., ginugulo ko yung tulog niya, kasi matutulog din ako.

"Pero, kaya naman, kasi malaki yung kuwarto niya.

"I stayed there with my brother, my mom.

"Sabi ko talaga sa kanya [Megan], ’Where are you staying?’

"’I’m staying in the hotel.’

"Sabi ko, ’Me too... I’ll stay there, ha?’

"I stayed there the whole time.

"Nagpunta siya sa Tacloban, she’s gone for two days.

"So, my mom and my brother, we decided to stay there.

"I like hotels kasi, ang sarap ng bed...

"Masarap maligo, hot water, may bathtub.

"Sabi ko, dito lang ako—hindi ako umalis talaga.

"Saka sabi ng Miss World organizer, sayang, they paid for the room.”

MEGAN’S CROWN. Dala-dala at suot ni Megan ang blue crown ng Miss World sa lahat ng bansa, guestings, at charity events na kanyang pinupuntahan.

Pero ni minsan, hindi raw nahawakan o nasubukan ni Lauren na isuot ang korona, dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng Miss World officials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi puwede. No one’s allowed to wear it. Si Miss World lang.

"She does not keep the crown. May keeper siya.

"I asked the keeper about the crown.

"The crown is the first and only crown for ilang years na.

"Ang gumawa ng crown is the jeweler of the Queen [of Great Britain].

"Maulanan lang ang crown, lilinisin agad. Mga two thousand pounds ang bayad.

"Hindi siya masakit isuot kasi may velvet lining. Ang ganda talaga!

"You’re not allowed to touch it

"Kung sino lang ang keeper, saka yung Miss World lang.

"It’s real jewels, e. Ang ganda kapag nakita mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN