Kim Atienza says It’s Showtime co-host Anne Curtis is "napakabait" and "taong-tao"; says he is now on his third life

Itinuturing ni Kim Atienza na pangatlong buhay na niya ang paggaling niya mula sa rare disease na Guillain-Barre Syndrome. Sabi niya, "Now that I am fully recovered, ang nasa isip ko is only fun thoughts of the hospital. Fun thoughts of the case and the stage, the process that I went through, dahil maganda.”


Hindi nakaligtas si Kim Atienza sa mga tanong tungkol kay Anne Curtis, ang co-host niya sa It’s Showtime, na nasangkot sa isang eskandalo sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Kahapon, December 5, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kuya Kim, sa launching niya bilang endorser ng Atienza Naturale, ang herbal dietary supplement na gawa sa malunggay.

Dito ay hindi siya nakaiwas sa mga tanong ng press tungkol kay Anne.

"Sabi ko nga ba tatanungin, e," nakangiting sabi ni Kuya Kim.

Si Kuya Kim ang isa sa mga kasamahan ni Anne sa industriya na nagpaabot ng suporta sa aktres, pagkatapos pumutok ang balita ng pananampal at paninigaw ni Anne sa isang high-end club sa The Fort Strip, Bonifacio Global City complex, Taguig City.

Read: Vice Ganda, Luis Manzano stand by Anne Curtis amidst controversy: "We are all here behind you."

Kahapon ay muling ipinahayag ni Kuya Kim ang kanyang pagsuporta kay Anne, sa pamamagitan ng pagsasabi kung gaano raw ito kabait.

Saad niya, "Si Anne, napakabait na tao. Si Anne talaga ay taong-tao.

"Alam ko na kapag may free time, pumupunta siya sa mga ospital at bumibisita sa mga bata na may sakit. Walang may alam.

"Nalaman ko lang dahil yung isang binibisita niya, ni-request si Kuya Kim. Pumunta ako.

"I found out that Anne was in that hospital four times a week, hanggang mamatay yung bata.

"Ganoon siya kabait."

KUYA KIM’S OWN BATTLE. Kumpara sa kontrobersiya na nararanasan ngayon ni Anne, mas matindi ang pagsubok na pinagdaanan ni Kuya Kim, nang ma-confine siya sa Makati Medical Center noong Oktubre dahil sa Guillain-Barre Syndrome.

Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, ang Guillain-Barre Syndrome ay "rare disorder that causes your immune system to attack your peripheral nervous system (PNS)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa rito: "The PNS nerves connect your brain and spinal cord with the rest of your body. Damage to these nerves makes it hard for them to transmit signals. As a result, your muscles have trouble responding to your brain. No one knows what causes the syndrome. Sometimes it is triggered by an infection, surgery, or a vaccination.

"The first symptom is usually weakness or a tingling feeling in your legs. The feeling can spread to your upper body. In severe cases, you become almost paralyzed. This is life-threatening. You might need a respirator to breathe. Symptoms usually worsen over a period of weeks and then stabilize.

"Guillain-Barre can be hard to diagnose. Possible tests include nerve tests and a spinal tap. Most people recover. Recovery can take a few weeks to a few years. Treatment can help symptoms, and may include medicines or a procedure called plasma exchange."

Ikinagulat at ikinatuwa ni Kim, na kahit nasa ICU siya ng ospital, may mga product endorsement pa ring dumating sa kanya.

Saad ng 46-year-old TV personality, "Siguro dahil nakita naman nila that I recovered right away.

"Kasi iba yung tinamaan ka ng sakit, tapos nabalda ka—iba ‘yon.

"Ibig sabihin, walang epekto lahat ng health supplements na ini-endorse mo.

"But that fact you’re able to recover right away, na parang sinipon ka lang, bagamat Guillain-Barre ang tumama sa ’yo, I guess the trust of the client is still there.”

Itinuturing ni Kim na pangatlong buhay na niya ito, pagkatapos gumaling mula sa Guillain-Barre Syndrome.

Hindi niya inililihim ang matinding takot nang magkaroon siya ng mabigat na karamdaman.

Sabi niya, "Natakot ako dito sa pangalawang health scare ko, alam niyo kung bakit?

"When I had a stroke, wala ako sa sarili ko. Umiikot ang ulo ko nun.

"It only dawned on me a few days after na, stable na ang pag-iisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito, iba. I was... hindi naman central ito, peripheral.

"My brain was intact, gising ako, alerto ako, alam ko ang nangyayari sa akin.

"Pinapakiramdaman ko ang kamay ko at yung paa ako.

"Sabi ko, ’Naku, baka lumala ito.’ Talagang napa-’Lord, Lord’ ako.

"Umiyak ako.

"On the second day, it dawned on me, ito ang suot ko, nakapang-Showtime ako. Check-up lang ‘yon.

"Biglang on that afternoon, nasa ICU ako, mga tubo nakalagay, hindi ako magalaw.

"Imagine the feeling?

"And then, on the second day [sa hospital], iyak ako. Paggising ko, ’Ano nangyari sa akin?’

"Very lucid ako, fully conscious.

"Ang Guillain-Barre Syndrome is peripheral active.

"Ang stroke affects the brain, the spinal cord.

"Ito hindi, lucid ka. Hindi alam ng mga doktor ang cause.

"Nagtanong ako kay Lord ng ’Why me?’

"Sabi ko, ’Lord, ano naman ito? Noon, binigyan Mo ako ng stroke, gumaling ako.

"Pinalakas Mo ako, ginawa mo akong triathlete. Ngayon, malapit na akong mag-Iron Man.

"I’m at the peak of my health, you make me paralyzed. What is this about?’

"And then, may dumating akong kaibigan. Sinabi niya, ‘You know, Kim, si St. Paul...’

"Evangelist siya [St. Paul]. Siya ang mass media during his time. Siya yung parang TV, radyo noon, pero walang TV, radyo noon.

"He had a thorn in his flesh that was hurting him all the time. Then he asked, ’Lord why don’t you remove this thorn?’

"That’s God’s way of saying na, ’Magkasama tayo, Paul.’

"It is when you’re powerless when you realize how powerful and loving He is.

"That’s what I realized.

"I’m not the physical Iron Man that I was supposed to be, but I become spiritualized."

Sabi pa ni Kuya Kim tungkol sa kanyang naging sakit, "Guillain-Barre Syndrome can be fatal.

"It starts with the hands and the feet and then it goes up to the legs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong nagpunta ako sa ospital, nasa legs ko na.

"Kung nag-delay pa ako ng isang araw, it could have gone to the diaphragm.

"The diaphragm is the muscle we use for breathing, hindi ka makakahinga.

"Bigla ka na lang mamamatay kung hindi ka makahinga. Kailangan i-ICU ka.

"Now that I am fully recovered, ang nasa isip ko is only fun thoughts of the hospital.

"Fun thoughts of the case and the stage, the process that I went through, dahil maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN