Juancho Triviño gets inspiration from his rebel years when playing kontrabida

Inaasam ni Juancho Triviño na makaganap din ng gay role tulad nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover. Sabi niya, “Sa totoo lang, looking forward din ako sa mga ganoong role, kasi siyempre, nakakaagaw-atensiyon yun. Medyo hindi kasi ordinary. So, kapag nakakita tayo ng mga ganoong role, di ba, pinag-uusapan?”


Kontrabida ang role ni Juancho Triviño sa GMA afternoon soap na Villa Quintana.

May pinaghuhugutan daw siya sa kanyang pag-arte bilang salbahe sa kuwento ng kanilang soap.

Inamin ng 20-year-old GMA Artist Center talent sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naging suwail siyang anak dati.

Saad niya, “Minsan, tinitingnan ko doon sa... naglu-look back ako sa buhay ko tuwing nagiging suwail ako sa parents ko, kung anong iniisip ko noon.

“Minsan po, e, hindi naman po maiiwasan yun, di ba?

“So, ayun, kung anong tumatakbo sa isip ko noong mga panahon na yun.”

Karangalan daw para sa Kapuso newcomer na kasama siya sa drama series ng GMA Network at nabigyan siya ng ganitong break.

“At sana ma-fulfill ko yung gusto nila, kasi siyempre, galing ako sa very light na acting na project, so ayun sana.

“And I’m doing my best, everything that I can,” sabi ni Juancho.


YOUNG HUNK. May tipong hunk si Juancho. Hindi pa ba siya inaalok rumampa sa Cosmo Bachelor Bash?

Tugon niya, “Hindi pa po, kasi nasa Candy Cutie pa lang po ako ngayon.

"So, hindi pa po ako handa for Cosmo... pero baka next year.”

Ang Cosmo Bachelor Bash ay creation ng Cosmopolitan Philippines, habang ang Candy Cutie ay creation ng Candy Magazine. Ang Cosmopolitan ay franchise magazine ng Summit Media, habang ang Candy ay homegrown ng Summit Media pa rin.

Papayag ba siyang magpaka-daring sa pagrampa? Ganoon kasi ang inaasahan sa Cosmo Bachelor Bash event.

“Why not, why not? Papaganun din naman yung path na pupuntahan ko siguro, e,” sagot niya.

Papayag din ba siya kung may offer na underwear endorsement?

“I’ll have to ask my manager kung gusto nila. Kung papayag sila, why not?

“Alam nila kung ano ang makakabuti sa akin.”

Pagsisiguro pa niya, “Kayang-kaya ko po, sure, sure!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


GAY ROLE. Kung gay role na tulad ng sa My Husband’s Lover?

Sabi ni Juancho, “Actually, sa totoo lang po, looking forward din ako sa mga ganoong role.

"Kasi po siyempre, nakakaagaw-atensiyon po yun.

“Medyo hindi po kasi ordinary, di ba?

"So, kapag nakakita tayo ng mga ganoong role, di ba, pinag-uusapan, di ba? So, iyon.”

Alin ang mas pipiliin niya, ang naging role ni Dennis Trillo bilang Eric o ang dating role ni Tom Rodriguez bilang Vincent?

“Ni Tom po sana!” at tumawa si Juancho.

“Kasi, well... kahit sino sa kanilang dalawa.

“Pero kay Tom kasi, parang yung role niya doon, parang medyo manly pa—may asawa pa. Iyon siguro.”



DINGDONG DANTES. Kaninong career path ang gusto niyang sundan?

“A, Dingdong [Dantes]... mga ganoon,” sagot ni Juancho.

Bakit gusto niyang gayahin si Dingdong?

“Kasi, sa galing niyang umarte at sa tagal na rin niya sa industriya.

“Talagang bata pa lang ako, ina-idolize ko na siya.”

BELA PADILLA, JESSY MENDIOLA, JANELLA SALVADOR. Sa mga babae naman, hiningan ng PEP si Juancho ng tatlo niyang crushes sa showbiz.

“Dito sa GMA, siguro si Bela Padilla.

"Hindi ko alam, siguro ganoon yung mga babaeng type ko—matatangkad, mapuputi.

“Si Jessy Mendiola, grabe, she’s very striking to me kapag nakikita ko. Yun nga, maputi siya, matangkad, sexy.

“Siguro sa mga teens naman, si Janella Salvador, kasi ang cute-cute niya. Iba yung dating niya rin, e.”

Kung siya ang papiliin ng launching project, ano ang gusto ni Juancho—drama, action, sexy o comedy?

“Of course, sasabihin ko I would like anything, pero siguro, drama.

“Kasi iyon, e, yun ang nalalagay sa primetime, e.

"And I think that’s very challenging to me, e.

“Gusto kong i-explore kung hanggang saan yung kaya ko.”


TEEN GEN ALUMNI. Inilunsad si Juancho sa defunct youth-oriented series ng GMA na Teen Gen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa grupo nila, silang tatlo na lang nina Thea Tolentino at Jeric Gonzales ang visible ngayon.

Kumusta na ang mga nasakama nila sa show noon, na sina Seth Isay, Abel Estanislao, Gab de Leon, Gianna Revilla, Dianne Hernandez, at Sunyee Maluche?

Ayon kay Juancho, “Lahat po sila nag-aral po muna, e.

"Kasi lahat kami, college pa, so halos karamihan sa kanila, nagtapos muna.”

Nagha-hang out naman daw sila kapag may pagkakataon.

“Actually, yung si Sunyee Maluche is with Star Magic now, nagwo-workshop siya doon.

“Si Abel, kakatapos lang niya sa Maghihintay Pa Rin, so medyo active pa rin siya.

“Si Gianna, nagtatapos ng college muna.

“Si Dianne, kakatapos lang niyang mag-board exam sa pagigigng teacher niya, so nagpapahinga muna siya.

“Pero alam ko, magso-showbiz pa rin siya, magtutuloy pa rin siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN