Rita de Guzman names Celia Rodriguez, Cherie Gil, and Princess Punzalan as her favorite kontrabidas

Rita de Guzman likes Bea Binene for her “natural” acting: “Talagang nakikipag-communicate siya sa kaeksena niya nang mabuti, at sinasabi niya na mas gusto niya yung totoo. Mas maganda para sa kanya, which is mas okay po ako doon, kasi mas maganda talaga tingnan ang totoo.”


Isa sa mga hinahangaang kontrabida ni Rita de Guzman ay si Princess Punzalan.

Ayon kay Rita, na napapanood ngayon sa afternoon soap na Villa Quintana, hinihingan niya minsan ng tips o payo ang seasoned actress.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sinabi niya po sa akin, iyon nga, ‘Importante pa rin na kailangan mong magbasa ng script.

“’Hindi lang yung part mo kailangan mong intindihin. Kung ano yung pinanggalingan, hindi lang ng character mo, kundi pinanggalingan ng tao kung bakit mo sinabi yun.’

“Iyon nga, sabi niya, ‘Magbasa ka ng script, aralin mong mabuti, intindihin mo yung binabasa mo.’

“And sa pagiging kontrabida, iyon nga, parang naalala ko na it’s more on... kailangang nanggagaling pa rin sa puso.

“Natural pa rin, hindi yung dahil kailangan mo lang siyang sampalin, sasampalin mo lang siya nang ganoon lang.”


ROLE MODELS. Idolo rin ni Rita sa pagiging kontrabida sina Cherie Gil at si Miss Celia Rodriguez.

“Sila yung mga talagang peg ko talaga.

"Kasi sila po, like si Miss Cherie, kahit saan, kaya niya, e.

“Kaya niyang maging mabait, kaya niyang maging sosyal, kaya niyang maging mahirap—lahat kaya niya.

COMEDIANS & COMEDIENNES. Pagdating naman daw sa comedy, hinahangaan niya si Eugene Domingo.

“Tsaka si Miss Eugene Domingo, siyempre po hindi na po maaano sa akin yung pagiging ano sa comedy, dahil po sa lolo ko.”

Lolo ni Rita ang yumaong comedian na si Teroy de Guzman.

“At dahil kami po sa family namin naman, mas maraming comedian sa amin, lalo na sa teatro.

“Tsaka po sila Tito Epi [Quizon], ‘yan, nakakasama ko sila.

“Kasi po, close po yung family ng De Guzman sa mga Quizon.

“So, para po sa akin, kaya natuwa rin po ako noong ginawa ko yung One True Love, dahil naipakita ko po yung ibang side ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FAVORITE. Looking back, sino ang pinaka na-enjoy niyang "apihin"?

Natatawang sabi ng 18-year-old Kapuso actress, “Apihin... siguro si Bea [Binene].

"Kasi si Bea po, siya pa yung nagsasabi sa iyo na, ‘Uy gawin mo, todo, totoo, ha?’

“Ayaw niya ng daya.

"Kasi kahit ako rin po, kahit sa iba, sinasabi ko rin bago ko gawin, ‘Uy gagawin ko talaga.’

“So, sinasabi ko po, na baka magulat sila na, ‘Ay, bakit noong rehearsal, hindi niya ginawa, pero noong take, ginawa niya?’

“So, siya, si Bea.

"Kasi talagang nakikipag-communicate siya sa kaeksena niya nang mabuti.

"At sinasabi niya na mas gusto niya yung totoo. Mas maganda para sa kanya.

"Which is mas okay po ako doon, kasi mas maganda talaga tingnan ang totoo.”


ALDEN RICHARDS. Kung mabibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng launching project, sino ang gustong maging leading man ni Rita?

“Alden Richards po!” ang walang kagatul-gatol niyang sagot.

Bakit?

“Dahil napakahusay niya pong aktor.

"At masaya at masarap siyang katrabaho—very professional po at mabait, tsaka humble siya.

“Noong nakatrabaho ko siya sa One True Love, tapos matagal na panahon...

"Tapos nakatrabaho ko rin siya sa Mundo Mo’y Akin...

“And kahit sa iba pa, sa Sunday All Stars, hindi siya nagbago.

“Kung ano yung Alden Richards na nakilala ko noon, ganoon pa rin yung Alden Richards na nakatrabaho ko sa Mundo Mo’y Akin.

“At mas lalo siyang... kasi bilang nagkatrabaho kami ulit, kaya mas lalong naging close, mas lalo ko siyang nakilala bilang tao.

“Mabuti siya talagang tao, napakabuti.

"Napaka-humble talaga... napaka-humble niya.

“At iyon, mahusay talaga siya, e, mahusay po siya talagang katrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN