Lauren Young very proud to be "Miss World’s little sister"

Lauren Young on sister and Miss World Megan Young: “Hindi ko ma-imagine na parang, you know, na she’s gonna be Miss World, and she’s going to be helping out the world. Samantalang dati, ayaw niya ako pahiramin ng T-shirt!”


Nandito ulit ngayon sa Pilipinas si Miss World 2013 Megan Young para magdiwang ng Pasko hanggang Bagong Taon.

Pagkatapos mag-ikot ni Megan sa Tacloban at ilang bahagi ng Visayas, para magdala ng mga nalikom niyang donasyon, ay pumunta siya ng China.

Pero bumalik din siya ng bansa kagabi, December 5, para makasama ang kanyang buong pamilya ngayong holidays.

Excited ang kapatid ni Megan na si Lauren Young na magkakaroon sila ng sapat na panahong makasama si Megan.

“Finally we could be normal,” sabi ni Lauren nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa farewell presscon ng Dormitoryo kahapon.

Patuloy ng Kapuso young actress, “Actually, I’m planning a beach trip for our family, kasi, di ba, we’re from Subic?

“Maybe can go back to our hometown, and just relax lang sa beach for a little while.”



MAJOR, MAJOR CHANGES. Ayon kay Lauren, totoong malaki ang nabago sa kanyang ate pagkatapos itong koronahan bilang Miss World 2013.

Pero magandang pagbabago raw ito na ikinatuwa ng kanilang buong pamilya.

Ani Lauren, “For her to change so drastically, and she’s a good person, a good citizen, makes me feel so proud of her kasi...

“Ako, hindi ko ma-imagine na kaya kong gawin yun—yung give a whole year of my life and to just like travel and do this thing.

“And, you know, interact with people who you don’t even know and try to make them feel that everything’s gonna be okay.

“You know, that’s a hard job.

"And for her to able to do that, sobrang proud ako sa kanya.”

Pero hindi naman daw napalayo sa kanila si Megan.

Hindi rin daw totoong nahihirapan maging silang pamilya na makasama o makalapit kay Megan kapag kasama ito ng mga taga-Miss World Organization.

Sabi ni Lauren,“Actually, yung mga taga-Miss World naman, they’re very… parang… because we’re her family, hindi kami kinu-close up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we’re always there for her.

“Pag may mga event siya, we’re allowed to go, we’re allowed to be beside her.

“Siyempre, pag other people, hindi naman puwedeng kung sinu-sino lang didikit sa kanya kasi, you know, they might do something to her.

“Pagka family naman po, very considerate naman sila—and they’re very nice.”

Hindi nga lang daw kagaya ng dati na madali nilang makasama si Megan.

Pero naiintindihan naman nila ito dahil sa malaking responsibilidad na nakaatang kay Megan bilang Miss World.

Sabi ni Lauren, “Si Ms. Julia [Morley, Miss World Organization chairman], sinabi naman sa mom ko na…

“Kasi my mom was scared nga na mami-miss niya si Megan, kasi hindi niya makikita.

“She assured naman na, ‘You know, it’s not going to be like that. You’re going to see her more than you expected.’

“Yun nga yung nangyayari.

“Siguro, the longest time na hindi ko siya nakikita, siguro a month or two months lang.”



PROUD SISTER. Kahit matagal-tagal pang magiging abala si Megan sa katungkulan nito bilang Miss World, proud naman si Lauren dahil nakikita niyang nagagampanan ito nang maayos ng kanyang ate.

“I’m very proud of her!” bulalas ni Lauren.

“Hindi ko ma-imagine na parang, you know, na she’s gonna be Miss World, and she’s going to be helping out the world.

“Samantalang dati, ayaw niya ako pahiramin ng T-shirt!” natatawa pa niyang sabi.

Dito raw niya nakikita na talagang mabait at makatao ang kanyang ate, bilang isa ito sa nakikiisa sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda.

Pahayag ni Lauren, “Ano naman talaga, e… she has a big heart and she really wants to help.

“She really made an effort na makapag-organize sa Miss World, for them to be able to come here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And in London, they raised a million dollars.

“And she was able to come here, she went to Tacloban and in Cebu mismo to help out.”

Natawa naman si Lauren sa pahayag niyang nasa anino pa rin daw siya ng kanyang ate.

“Before, I used to be Megan’s little sister. Now, I’m Miss World’s little sister!

“Nung una, actually, parang medyo naiinis ako.

“Kasi, for a while, nawala na yung brand na Megan’s little sister, naging Lauren Young na ako, e.

“Ngayon, biglang balik na naman!” tawa niya.

Pero dagdag ni Lauren, “Siguro that was me being immature, that was me being selfish.

“But if you think about it, you know what, it’s okay.

“I’m very proud, ‘cause not everyone can be Miss World’s little sister!

“It was such a great achievement.

“I’m happy that I’m her sister and got to share that with her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN