LeBron James tries acting in the comedy film Ballers

Sasabak na rin sa pag-arte ang NBA superstar na si LeBron James sa pamamagitan ng pelikulang Ballers, kung saan makakasama niya si Kevin Hart.


Pinasok na rin ng four-time Most Valuable Player ng National Basketball Association (NBA) na si LeBron James ang pag-arte.

Bibida sa isang pelikula ang NBA superstar kasama ang Hollywood actor-comedian na si Kevin Hart.

Ang pelikula ay pinamagatang Ballers, isang comedy film tungkol sa basketball.

Tungkol ito sa isang lalaki (Kevin) na nabubuhay sa anino ng kanyang kapatid na NBA superstar (Lebron).

Magkakaroon siya ng pagkakataong patunayan ang sarili nang makapunta siya, kasama ang mga kaibigan, sa pinapangarap nilang basketball camp sa Miami.

Ayon sa ulat ng Deadline.com, unang pinlano ang pelikula noong 2009, at ipoprodyus ito ng Universal Pictures at Imagine Entertainment.

Noong 2010 naman dapat sisimulan ang shooting ng pelikula, kung kailan off-season ni LeBron sa NBA.

Ngunit noong taong iyon ay pumirma ng kontrata si LeBron sa Miami Heat pagkatapos ng pitong taon niya sa Cleveland Cavaliers, dahilan para maantala ang pelikula.

Bukod sa pagiging bida ng pelikula, sina LeBron at Kevin din ang executive producers ng Ballers.

Hindi ito ang unang pagkakataong sumabak sa pag-arte si LeBron, dahil nagkaroon na rin siya ng cameo appearance sa HBO series na Entourage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN