Heart Evangelista considers sexy calendar pictorial "liberating"

Heart Evangelista on boyfriend Senator Chiz Escudero: “I appreciate him kasi when it comes to my dressing up, when it comes to my past relationship, the stupid things that I’ve done in my past… I was very open to him about my mga escapades or whatever—he’s very open-minded. You know, it made me who I am, so okay siya dun.”


Sa unang pagkakaton ay pumayag si Heart Evangelista na maging calendar girl ng isang liquor brand.

Paano napapayag si Heart upang maging calendar girl for 2014 ng Tanduay?

Sagot ng 28-year-old actress, “First, I think it’s very timely na nagkaroon ako ng something na coming-out endorsement.

“And then, Tanduay came in. Actually, it was a really nice day.

"Kasi, that day, ang daming nagsabay-sabay na pumasok noong day na yun—and Tanduay is really one of them.

“And, at first, I was really hesitant because I’ve never been na parang, yun nga, nagpo-pose nang ganyan.

“But then, they were very open to what I was comfortable doing.

“And then, they are very open din for me to bring yung mga kaibigan ko, na yung team ko, para kumportable ako.

“Noong ginawa namin yung shoot, noong una, kinakabahan ako, nanginginig ako.

“But then, they are also nice. Okay naman, naitawid namin ang pictorial.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Heart sa launching ng calendar niya kagabi, December 5, sa Sequoia Hotel, Mother Ignacia, Quezon City.



LIBERATING EXPERIENCE. Ayon pa sa Kapuso actress, “liberating” ang ginawa niyang sexy pictorial.

“It is liberating because you step out of your comfort zone.

“It’s liberating to decide on your own, and panindigan mo yun, and actually be happy with what you decide...

“There are a lot of praises and good words in Instagram, so nakakatuwa.

“Nakakataba ng puso, and worth it siya.”

Kailan niya naramdamang handa na siya sa ganitong klaseng pictorial?

“Ah, it was a gut feel,” sambit ni Heart.

“Of course, with Viva pa, they were there... that, ’It’s the time for you to do it.’

"So, ginawa ko.”

Ang Viva Artists Agency ang namamahala sa career ni Heart. Ang ilang pang top clients ng agency ay sina Sarah Geronimo, KC Concepcion, at Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Timing din siya sa mga gusto kong gawin.

“Different path, different direction—timing lang talaga siya.”

Na-imagine ba niya ang sarili noon bilang calendar girl?

Sagot ni Heart, “It was something that I always thought of, parang nice to be like Victoria Secret-type.

“But I never really have the courage to do it. I was always scared, ganyan.

“But, you know, there will come a time in your life that you just have to do it and feel good about yourself.”



PARENTAL CONSENT. Naniniwala si Heart na kung nasa poder pa siya ng kanyang mga magulang ay posibleng hindi niya nagawa ito.

Hindi pa rin naaayos ang hidwaan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang, partikular na sa kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

“No, I don’t think so,” nakangiting sabi ng Magkano Ba Ang Pag-ibig actress.

Pero alam daw ng ama ni Heart na si Rey Ongpauco ang ginawa niyang pictorial para sa kalendaryo.

“My dad knew what I was doing.

“Pero parang, at this point, they don’t wanna ano anymore.”

May natanggap na ba siyang komento mula sa mga magulang tungkol sa calendar niya?

“No, no… actually I don’t really get to speak with my mom at all.

“My dad, I get to say hi to him.

“But, you know, we’re still not there yet.”



SEXY IMAGE. Bukas na ba ngayon si Heart sa lahat ng oportunidad pagdating sa pagpapa-seksi niya?

Tugon niya, “May mga nag-offer but, again, like I’ve said kanina, it’s like once-in-a blue-moon thing.

“It’s not something that I want to do.

“I have so many other things that I’d like to do.

“This is like a bonus from time to time.

“Given the right project, right people, and right offer—so go, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa pelikula raw ay hindi pa niya kayang mag-two-piece.

“No, I don’t know… I really don’t know. I’m not so open.

“Okay lang yung hindi gumagalaw. Pero yung gumagalaw, medyo ibang usapan na yun.”



KISSING SCENE WITH DEREK. Ang pinaka-daring daw na ginawa ni Heart, so far, ay ang kissing scene nila ni Derek Ramsay sa hindi pa rin natatapos na pelikula nila para sa Viva Films.

“Sobra, for me!” natatawang sabi ni Heart.

“Siguro sa kanila, sanay sila.

“But it was… ganun siya,” pagmumuwestra ng aktres kung anong klaseng kissing scene ang ginawa nila ni Derek.

Dagdag pa niya, “It was very real-life.”

Naikuwento ba ni Heart ang eksenang ito sa boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero?

“Yes, ikinuwento ko sa kanya.

“Actually, medyo naiyak ako nang konti kasi medyo parang nabigla ako.

“But, you know, he was very game.

“Sabi niya, ‘Ikaw, trabaho mo ‘yan. Ikaw ang gagawa kung ano ang gusto mong gawin. Kung hindi ka kumportable…’

“Sobrang cool!” pagmamalaki ni Heart sa kasintahan.

Tinodo ba ni Derek ang halikan nila?

“I think palagi naman siyang todo. He always gives his 100 percent,” sagot ng aktres.



SUPPORTIVE BOYFRIEND. Sabi pa ni Heart, ang maganda sa relasyon nila ni Senator Chiz ay suportado siya nito sa bawat career move niya.

Natuwa pa nga raw ang senador nang makita ang calendar pictorial niya.

“Natuwa siya, nasa phone na niya, sinave niya.

“Tapos, sabi niya, gusto raw niyang ilagay sa office niya.

“Pero hindi raw niya alam kung ilalagay raw ba niya o sa loob na lang ng kuwarto niya.”

Kinonsulta ba niya si Senator Chiz bago tinanggap ang offer ng Tanduay?

“Well, I told him. I told him na meron akong offer ng Tanduay, and I said, ‘What do you think?’

“Sabi niya, ‘Go.’”

May mga naging advice ba ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He just said that as long as I’m comfortable doing it… baka naman daw umiyak ako bigla.

“Sabi ko, hindi naman.

“Tapos, sabi niya, ‘Ikaw, tingnan mo ang mga peg. Tingnan mo kung kaya mo. Kung hindi mo kaya, sabihin mo.’"

Sabi pa ni Heart, “It’s also a good way or an outlet for me on exercising saying no or saying yes, or panindigan mo.

“Ako kasi yung tipo ng taong hindi marunong humindi. So, yun.”

Naa-appreciate ba niya na “liberated” din ang boyfriend sa mga ganitong bagay?

Sabi ni Heart, “I appreciate him kasi when it comes to my dressing up, when it comes to my past relationship, the stupid things that I’ve done in my past…

“I was very open to him about my mga escapades or whatever—he’s very open-minded.

“You know, it made me who I am, so okay siya dun.”

May nilatag bang limitasyon sa kanya ang boyfriend?

“None, none talaga. That’s why it feels so good.”



ANNE CURTIS. Bilang isa ring contract artist ng Viva Entertainment, tinanong ng press si Heart kung ano ang masasabi o reaksiyon niya sa kinasasangkutang isyu ngayon ng "kapatid" niyang si Anne Curtis.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Sagot ng Kapuso star, “Ay, I really feel bad for Anne.

“Nobody would want to be in that position and so...

"You know, no one’s perfect.

“I had my share of moments, but iba-iba lang tayo ng moments.

“But I’m sure, she’ll get over it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN