Model-turned-actor Lemuel Pelayo unfazed by indecent proposals: “...deadma na lang ako”

Lemuel Pelayo on getting swamped with indecent proposals: “Noon pa ako nakakatanggap ng mga ganyan, even before I did Tinik. Modelling days ko pa lang. Pero mas dumami noong pinalabas ang Tinik! Dumoble! Hindi ko na lang sinasagot. Noong una nakikipaglaro pa ako. Pinapataas ko ang offer, pero siyempre pinapasakay ko lang. Nagugulat na lang ako kung paano nila nalalaman ang number ko. Kaya dedma na lang ako. Wala naman akong pinapaasa,


Malaki ang pasasalamat ng model-turned-actor na si Lemuel Pelayo dahil napasama siya sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na Annaliza.

Noong ma-extend ang Annaliza hanggang 2014, nabigyan siya ng role bilang kanang-kamay ni Makoy, na ginagampanan ni Carlo Aquino.

Okay lang kay Lemuel na gumanap na kontrabida dahil markadong character roles naman daw ang ginampanan niya sa mga nakaraang teleserye ng Kapamilya network, tulad ng Pintada; Angelito: Batang Ama; Hiyas; at Kahit Puso’y Masugutan.

Para sa aktor, mas gugustuhin nga niyang gumanap ng iba’t ibang character roles, lalo na kapag bad boy ang naitoka sa kanya.

“Mas gusto ko talagang gawin ang mga bad boy roles.

“Wala kasing limitations. Kahit na anong iarte mo, puwede, basta kailangan ay effective ang pag-arte mo at may reaction agad ang mga manonood sa iyo.

“Halos lahat naman ng roles ko sa mga teleserye ay paiba-iba, kaya ang maging kontrabida ay walang problema sa akin.

“Mas gusto kong makilala as a character actor. Yung kahit na anong role ibigay sa ‘yo ay kaya mong gawin.

“Hindi naman tayo mapili sa mga roles na ’binibigay sa atin. Nagkakataon na magaganda ang mga roles na naibibigay sa akin, kaya pinagbubuti natin parati ang pag-arte natin,” ngiti pa ni Lemuel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SM Megamall kamakailan.

IDOLIZES JOHN LLOYD. Inamin ni Lemuel na bago niya pinasok ang pag-arte, idol niya si John Lloyd Cruz at inasam niya na makaganap sa mga papel na ginawa na ng kanyang idolo.

“Iba kasi ang dating ni John Lloyd Cruz, e. Pang-leading man talaga.

“Siyempre, yun ang gusto kong gayahin noong hindi pa ako nag-aartista.

“Parang ang sarap gumawa ng mga romantic-comedies, di ba? E, forte yun ni John Lloyd.

“Pero siguro nga, hindi ako para sa mga roles na ginagawa niya. Binabagayan kasi at mukhang hindi bagay sa akin!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVING HIS WORK. Hindi man natupad ni Lemuel ang maging katulad ni John Lloyd Cruz sa pelikula at telebisyon, naging inspirasyon naman niya ito sa pagkasipag at pagpapahalaga sa trabaho.

“Yun naman ang importante, e. Yung mahalin mo ang trabaho mo.

“Kaya nga may mga artista na tumatagal sa trabahong ito, dahil iyon sa pagbigay nila ng halaga sa trabaho nila.

“At siyempre, yung pagiging masipag. Ako naman, kahit na sunud-sunod na trabaho ay kaya natin. Basta sunud-sunod lang din ang dating ng work.

“Kaya nga thankful ako sa Star Magic kasi co-manage na sila ng manager kong si Jonas Gaffud. Maganda ang mga projects na naibibigay nila sa akin.

“Pangako ko naman na parati akong magsisipag at hindi ako magiging pasaway.

“Maging pasaway ka pa ba ngayon? E, di nawalan ka ng trabaho.

“Maraming naghihintay na mabigyan ng trabaho sa showbiz. Kaya kapag nagpasaway ka, may puwedeng pumalit agad.

“Kaya kailangan behaved tayo parati,” diin pa ni Lemuel.

OFFERS FOR GAY-THEMED INDIES. Sa larangan ng independent films, o indies, ay maraming offers daw na dumarating kay Lemuel, pero karamihan daw ay may temang gay.

Alam naman niyang ito ay dahil sa pagbida niya sa indie film na Tinik, kunsaan may ilang gay love scenes siya kasama si Ricardo Cepeda.

Nasabi na noon ni Lemuel na una at huling beses na niyang gagawa ng ganoong klaseng pelikula. Nagawa na raw niya iyon at tama na raw ang isang beses.

“Yung mga offers kasi, sobra pa ang hinihingi nilang gawin ko. Siyempre, ayoko nang gawin pa iyon.

“Na-experience ko nang gumawa ng gay love scene, tama na iyon.

“Wala naman akong pinagsisisihan na ginawa ko ang Tinik. Nagpapasalamat nga ako na I was able to work with Direk Romy Suzara.

“Retired na siya sa pagdidirek, pero ginawa niya ang Tinik, at suwerte ko namang ako ang naging isa sa mga artista niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung gagawa ako ng indie, gusto ko yung malalalim ang istorya, tulad nang mga nagawa ko noon na Chassis with Jodi Sta. Maria at Romeo at Juliet with Alessandra de Rossi.

“Mas gusto kong ipakita ang mga nalalaman ko sa pag-arte kesa sa ipakita ko parati ang katawan ko, di ba?”



INDECENT PROPOSALS. Pero dahil sa Tinik ay dumami ang mga indecent proposals sa kanya.

Hindi naman itinatanggi ni Lemuel na parati siyang nakakatanggap ng mga indecent proposals mula sa mga taong hindi niya kilala.

“Nakasanayan ko na. Noon pa ako nakakatanggap ng mga ganyan, even before I did Tinik. Modelling days ko pa lang.

“Pero mas dumami noong pinalabas ang Tinik! Dumoble!” tawa pa niya ulit.

“Hindi ko na lang sinasagot. Noong una, nakikipaglaro pa ako. Pinapataas ko ang offer, pero siyempre pinapasakay ko lang.

“Nagugulat na lang ako kung paano nila nalalaman ang number ko.

“Kaya dedma na lang ako. Wala naman akong pinapaasa, e. Basta ako may trabaho naman, okey lang ako.”

Hindi naman yata nawawala sa eksena si Lemuel. Kelan lang ay nagkaroon siya ng photo shoot bilang isa sa mga bagong celebrity endorsers ng BlueWater Day Spa.

Kabilang sa mga dating male endorsers ng kumpanya sina Piolo Pascual, Akihiro Sato, Sam Milby, Ian Batherson, at Aljur Abrenica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN