Maricar de Mesa files theft case against rookie basketball player

Maricar de Mesa recounts the theft of her cellphone by a teen cager inside the Privé Luxury Club, which is equipped with CCTV cameras.

Maricar: “We normally naman have our table sa Privé, sa The Fort [Strip]. Sa CCTV camera, siya lang talaga ang lumapit sa table namin. And nung pina-detain namin siya, yung cellphone ko nakuha sa loob ng backpack niya. Ang sinasabi niya priname-up [frame up] siya ng security ng Privé para mag


Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pa ring nababago sa desisyon ni Maricar de Mesa-Allado na ituloy ang demandang pagnanakaw sa isang rookie varsity basketball player.

Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress noong Linggo, December 1, sa media launch ng MAC AID Fund na ginanap sa boutique ng MAC Cosmetics sa Makati.

Dito naibahagi ni Maricar ang balitang nakakulong ang inireklamo niyang basketball player.

Matatandaang umalma si Maricar nang mawala ang kanyang mamahaling purse sa Privé Luxury Club sa The Fort Strip, magtatatlong linggo na ang nakakaraan.

Sa panayam namin kay Maricar, sinabi niyang hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa piitan sa Taguig City ang suspect, na isang rookie player ng Far Eastern University (FEU) sa University Belt, Manila.

Kuwento ng dating That’s Entertainment member, “We normally naman have our table sa Privé, sa the Fort. Sa CCTV camera, siya lang talaga ang lumapit sa table namin.

“And nung pina-detain namin siya, yung cellphone ko nakuha sa loob ng backpack niya.

“Ang sinasabi niya priname-up [frame up] siya ng security ng Privé para maging fall guy.

"Ang sa akin naman, yung sa CCTV, ikaw lang ang nakitang lumapit sa table namin at nakuha yung phone ko sa bag mo. Nakakakabit pa sa battery pack niya yung phone ko.

“Yung coincidence na yun, yung chances na yun, paano mo i-explain? E, hindi niya ma-explain.

“Pero ang nilulusot niya, na-frame up siya.”

Magtatatlong linggo na raw mula nang maganap ang insidente, ayon kay Maricar.

Nag-file na ba siya ng kaso?

“Oo, nasa Taguig na siya. Naghihintay lang ako ng letter from the fiscal. Pero alam kong naka-detain siya, e.

“Pero puwede naman siyang mag-bail. Minor, e. Hindi ko lang alam kung bakit hindi siya nagbi-bail.

“Kausap ko yung pulis the other day, nandoon pa nga raw,” na ang tinutukoy niya ay ang kulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakulong pa rin siya, hindi siya pumapasok sa school.”

Wala bang mediation na nangyari sa pagitan niya at ng suspek?

“Wala. Kasi, parang hopeless case siya. Parang lubog na ako dito, pareho sila ng mommy niya.

“Ang weird din kasi yung parang manager-manager niya, hindi ako kinausap o nakipag-settle or anything.

“Ang feeling ko, hindi naman sa pagmamaliit, parang hindi rin siya makakapag-settle with me doon sa nawala sa akin.

“Ang nakakainis pa, feeling ko kasi, meron siyang kakuntsaba pero sinu-solo lang niya, e.

"Sabi niya, wala raw, out raw ang mga friends niya. Hindi kasali ang mga friends niya.

“Dini-deny niya lahat. Wala siyang ina-admit,” kuwento pa ni Maricar.

Tingin niya, hanggang saan aabot ang kasong ito?

“Well, kasi the way we see it, since minor siya, mapupunta siya sa DSWD, supposedly pag minor.

“Reduced sentence siya. But then, I want to file a formal complaint letter to FEU.

“Siyempre, kung mapatunayan… I’m just waiting for Privé sa complete CCTV footages doon, and then isa-submit na siya sa court.

“And pag napatunayan na guilty siya, we will file na formal complaint na sa FEU.

“Siyempre, do you think na FEU will tolerate that? Di ba?”

Bakit sila nasa Privé noong gabing nanakawan siya?

“I was with my friends. Hindi kasama si Don [Allado, husband niya]. May out-of-town siya e, may game siya sa Cebu.

“I was just with my friends. The usual na hanging out. Nag-start pa lang nga kami, e. Konting drinks.”

Nabalik ba yung mga nakuha sa kanya?

“Just the cellphone na nakuha sa backpack niya. But the clutch [bag] and the make-up, ’tapos yung cash, hindi na.

“The cash is only two thousand pesos, and then yung MAC make-up. But the clutch is crocodile [skin] e, worth mga sixty thousand pesos. Nawala na siya. I don’t know where.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nahuli ang suspect?

“Kasi sa CCTV nagpa-check, ni-request ko sa management.

"Very assisting naman yung management ng Privé, pinaakyat nila yung dalawang friends ko sa itaas, nag-view sila ng footages.

“Siya lang talaga ang lumapit sa amin, nakipag-usap siya sa isang friend ko.

“Kaya denitain siya. Etong bag niya iniwan niya sa security guard. Binayaran niya yung security guard sa likod sa parking lot ng Privé. Hindi sa likod. Kasi you can leave your bag sa front.

“Nag-radyo yung guard doon sa front na may black guy... black guy siya, e [the rookie]. ’May black guy dito na nag-iwan ng bag.’

“Pero since magku-closing na sila, walang nagki-claim, sinurender sa front, sa management.

“So, tinanong siya kung sa kanya ba yung backpack. Um-oo naman siya. Pagbukas, nandun yung phone ko.

“Pero wala na yung bag ko, yung cash, and make-up. Saka nagsabi pa nga siya na ’Puntahan natin yung kaibigan ko.’

“Sinamahan pa nga siya ng mga pulis sa UP [University of the Philippines]. Import naman ng UP [iyong kaibigan ng suspect]. Tanong natin kung nandun sa kanya yung bag, ganyan-ganyan.

"Pero sabi ng suspect, ’Pero hindi ko po maipapangako na mababalik sa iyo yung bag.’

“I mean, ang gulo niya. Ang tagal namin, from morning hanggang hapon kami.

“Tapos kinakausap namin siya. ’We’re giving you the chance.’ Si Don dumating siya the following day, nagkita kami sa prosecutor’s office.

“Sabi ni Don, ’Ibalik mo yung bag or, at least, ituro mo kung saan yung bag, uwi na tayo, ida-drop na namin yung case against you.’

“Sabi ni Don, ’Isipin mo yung future mo. Basketball player rin ako, may future ka, puwede kang magkaroon ng professional career, huwag mong sayangin.’

“Kinausap ko siya in the nicest possible way. Hindi ko siya tinaasan ng boses. Baka madaan ko siya sa magandang pakiusapan. Pero talagang dini-deny niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Verified na nag-aaral ang lalaki sa FEU at isa siyang rookie ng unibersidad?

“Oo. Kasi, fortunately, nung nasa Cebu si Don, ang kalaban nila Talk ’N Text. Yung assistant doon is the assistant head of FEU. So, magkausap sina Don at yung tao, kinausap na niya.

“Positive naman na rookie siya doon. First year, 17 years old, matangkad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN