Ogie Alcasid explains delay in airing of The Gift, his first teleserye with TV5: "I think gusto nila masaya lang since Happy Network nga ang TV5.”

Ogie Alcasid on the decision of TV5 management to postpone airing of The Gift, his first teleserye in his new home studio: “Meron din akong hunch na dahil siguro nagustuhan nila yung si Sharon [Cuneta] na medyo comedy [sa Madam Chairman]. Baka gusto nila ganun. Kasi very dramatic yung first two weeks [ng The Gift] na ginawa namin, as in, ang bigat. I’m just… hinuhulaan ko lang kung ano yung effec


Hindi raw nadismaya si Ogie Alcasid sa TV5 management sa hindi muna pag-ere ng kauna-unahan sana niyang teleserye sa Kapatid network, ang The Gift.

Naiintindihan daw niya ang desisyong ito at positibo pa rin ang naging pananaw niya tungkol dito.

Sabi ni Ogie, “Alam mo may mga bagay na wala tayong control e, di ba? So, kung hindi pa, okay lang. Huwag nating pilitin.

"Noong una ang namayani sa akin e, ‘Wow, makakapahinga ako.’ Pero siyempre, iniisip ko yung staff… siyempre, Pasko.

“But I’m sure aalagaan naman sila ng TV5. Ako, okay lang ako.

"Siyempre sila ang boss, sila ang nakakaalam kung ano ang nararapat at bagay sa gusto nilang image ng TV5, well and good. Ako ay sundalo lang, susunod lang ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa taping at campus tour ng kinabibilangan niyang gag show, ang Tropa Mo Ko Unli, sa STI-Ortigas, Cainta, kahapon, Disyembre 6.

Sa tingin ni Ogie ay hindi pa siguro napapanahon para umere ang The Gift.

Parang mas gusto raw ng mga manonood at maging ng TV5 management ang comedy.

“Meron din akong hunch na dahil siguro nagustuhan nila yung si Sharon [Cuneta] na medyo comedy [sa Madam Chairman]. Baka gusto nila ganun.

"Kasi very dramatic yung first two weeks [ng The Gift] na ginawa namin, as in, ang bigat.

“I’m just… hinuhulaan ko lang kung ano yung effect. I think gusto nila masaya lang since Happy Network nga ang TV5.”

HAPPY WITH PRESENT SHOWS. Hindi naman lubos na nalungkot si Ogie dahil may dalawa pa siyang programang ginagawa—ang gag show na Tropa Mo Ko Unli, na napapanood tuwing Sabado, 8:00 ng gabi; at ang musical show nila ni Sharon na The Mega and The Songwriter, na ipinapalabas tuwing Linggo, 9:00 ng gabi.

Nasaksihan ng PEP at iba pang press kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga estudyante at guro ng STI-Ortigas, Cainta, sa buong cast ng Tropa Mo Ko Unli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Ogie, kabilang din sa cast sina Gelli de Belen, Wendell Ramos, Tuesday Vargas, Empoy, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman...

Valeen Montenegro, Ritz Azul, Eula Caballero, Long Mejia, Vin Abrenica, Sophie Albert, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Mark Neumann, Shaira Mae, at iba pang Artista Academy graduates.

Natanong ng PEP si Ogie kung ano ang advantage ng pagpunta nila sa mga eskuwelahan para mag-taping.

“Well, gaya nga ng sinabi ko noon, eto yung period na nagpapakilala pa kami, e. So, start muna kami sa campuses.

"So, kampanya ito, it’s part of our campaign to get people to watch us.

“Hindi ako magugulat kung next year, mag-mall tour kami. At so far naman, nasisiyahan naman yung pinupuntahan naming schools.

"Nagtitilian sila sa mga pogi at naggagandahan naming mga kasama,” biro ni Ogie.

Isa sa kinatutuwaan ng mga tao ay ang pag-spoof ni Ogie sa popular child star na si Ryzza Mae Dizon, bilang si Laysa Mae, sa segment na “Laysa Mae Toyo Show.”

Masayang kuwento ni Ogie, “Well, sikat siya sa mga bagets. Kahit papaano nagkakaroon na kami ng audience, ng supporters unti-unti.

"Lahat naman nagsisimula sa maliit, sa konti, and we’re hoping for the best na soon lalaki rin kami.”

GETTING CLOSER TO SHARON. Maski raw ang The Mega and The Songwriter ay kinakikitaan na niya ng improvement.

Pati raw ang samahan nila ni Sharon ay mas gumaganda.

“Yung Mega and Songwriter needs a little working pa. Pero, as I watch it, nakikita ko na masaya na. Masaya na kami ni Sharon, nagbibiruan na kami.

“Very light na yung spiels namin—hindi na yung masyadong pormal, halos hindi na kami nagbabasa ng prompter.

“Noong una kasi, nagtitimplahan pa kami. Although magkaibigan kami, I think yung una naming episodes, nagtitimplahan kami.

"But after a few episodes, nakuha na namin yung specific roles namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung papanoorin mo si Sharon tawa na lang nang tawa at ako yung nagpapatawa.

“Tapos yung kantahan namin, tuluy-tuloy lang. Wala na yung spiels na mahahaba tapos kanta, kantahan na lang.

“Maganda yung on a quiet Sunday evening, masarap yung kantahan. Wala na po kasi yung ganung show na magre-relax ka lang sa Linggo, makikinig ka lang ng simpleng kantahan,” sabi pa ng mahusay na songwriter, singer, host, at comedian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN