Maricar de Mesa and husband Don Allado go with in vitro fertilization procedure in hopes of finally having a baby

Maricar de Mesa recounts her initial experience with in vitro fertilization: “Stressful ang procedure. Masakit kasi may mga pinasok ng mga kung anu-ano, e. And then ini-inject siya, bina-vacuum isa-isa. Tumagal lang siya ng fifteen minutes, yung procedure, pero sobrang stressful.

"Pawis na pawis ako after. Gising naman ako habang ginagawa yung procedure, pero talagang stressful. Yung preparation lang before that, ang daming iniinom na gamot—


Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal sa Kapuso actress na si Maricar de Mesa noong Linggo, December 1, kinumusta namin siya at ang asawang si Don Allado, isang professional basketball player.

Ang panayam ng PEP ay ginawa sa media launch ng MAC AID Fund, na ginanap sa boutique ng MAC Cosmetics, sa Glorietta 3, Makati City.

Sagot ni Maricar, noong araw nga ring iyon sila nagsi-celebrate ng kanilang wedding anniversary.

Pitong taon na raw silang kasal ng basketball player.

Pero dahil apat na taon daw ang itinagal ng kanilang pagiging magkasintahan, masasabing 11 years na silang magkasama.

Inuna muna ni Maricar ang pagpunta sa fund-raising event ng MAC, at mula roon ay magsisimba raw silang mag-asawa, at saka magdi-dinner para i-celebrate ang kanilang anniversary.

Masaya pa rin daw ang pagsasama nila ni Don, kahit pareho silang abala.

Si Don ay player ng Barako Bull Energy Cola basketball team, kunsaan siya ay naglalaro bilang center. Ang Barako Bull, na kasali sa Philippine Basketball Association, ay pagmamay-ari ng Energy Food and Drinks Incorporated, isang subsidiary ng Linaheim Corporate Services.

Si Maricar naman ay abala sa pagti-taping niya para sa Villa Quintana ng GMA Network, kunsaan mahirap daw ang mga eksena niya pero nagi-enjoy naman siya.

IN VITRO PROCEDURE. Sa sitwasyon nina Maricar at Don, kahit na parehong abala sa kanya-kanyang career, hindi raw nawawala ang pagnanais nilang magka-baby.

Matatandaang sa isang interview namin kay Maricar, sinabi nitong bukas siya sa clinical assistance para magka-baby sila.

Nagpa-work up na ba siya para rito?

Mabilis nitong tugon, “Oo, di ba?," na ang tinutukoy ay ang in vitro fertilization procedure na pinasok nilang mag-asawa.

Ang in vitro fertilization ay isang paraan ng “assisted-reproductive technology” na tumutulong sa mga babaeng nahihirapang mabuntis nang normal.

Sa naturang proseso, ipinagsasama ang egg cell ng babae at ang sperm cell ng lalaki sa isang laboratory dish, at doon nagsisimula ang fertilization process. Pag handa na ang babae, inililipat ang fertilized egg sa kanyang sinapupunan upang doon ay mabuo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinimulan itong gawin noong 1978, at mula noon ay naging mabisang alternatibo para sa mga mag-asawang nahihirapang makabuo ng anak.

Paliwanag ni Maricar, "Yung in vitro kasi namin, hilaw yung procedure. Hindi pa nabalik sa akin. Nandun pa, frozen pa sila ngayon. So, ibabalik na yun sa akin, i-inject sa akin.

“Nagharvest sa akin, nag-collect na sa akin, nag-collect na rin sa kanya. May two months na since then."

Pero hindi pa raw nila itinutuloy ang kabuuan ng procedure dahil nagkaroon siya ng malaking commitment.

“Kaya lang kasi, tinatantiya ko, kasi may Villa Quintana," pagpapatuloy ng aktres. "Sobrang kontrabida ng character ko, sobrang stressful siya.

"Sabi ko kay Don, nag-commit ako sa GMA-7, I signed a contract with them for the project.

“Baka pag natapos or halfway na or bago matapos, balikan ko ulit [ang procedure]. Huwag lang ngayon dahil iyakan, galit siya palagi. Masyadong stressful ang character.”

Okey lang ba na frozen yung hinarvest sa kanya?

“Yes, yung iba ginagawa talaga yun. Yung iba, nagpapa-collect, then after a year pag gusto na nilang magka-anak, saka sila magpapa-ano... Galing ’no?

“Nag-mate na sila. Talagang i-inject na lang sa akin. Sana mabuo siya sa loob ko.”

Tinanong din namin si Maricar kung ikinonsulta niya sa kanyang doktor kung maaaring maging kambal o isa lang ang magiging baby nila kung sakali.

“Puwede naman, e. Pero ayaw ng doktor [ng kambal] kasi first baby, e.

"So, malaki yung genes nila [Don], baka masyadong malaki yung pagbubuntis ko.

"Try ko muna yung first, and then we’ll see kung okey ako sa susunod na kambal, para tatlo.”

Sa in vitro, separate iyong pag-harvest sa kanilang mag-asawa?

“Oo, separate yun. Sa kanila [Don], madali lang. Typical ng mga lalake. Ang babae mahirap. Kasi pinasukan ako, e.

“Ininject from the inside. Stressful ang procedure. Masakit, kasi may mga pinasok ng mga kung anu-ano, e. And then ini-inject siya, bina-vacuum isa-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumagal lang siya ng fifteen minutes, yung procedure, pero sobrang stressful. Pawis na pawis ako after.

“Gising naman ako habang ginagawa yung procedure, pero talagang stressful.

“Yung preparation lang before that, ang daming iniinom na gamot—may ini-inject pa ako sa tiyan, may oral medication.

“Hindi ako nagti-taping noong mga panahong yun. Kaka-start pa lang naman ng taping namin, e.

“E, kaya lang, nakapag-start na ako [sa Villa Quintana], e. A month and a half na, e.

"Naka-design raw yung show hanggang end of March or April. So, maybe, tatakbo ng twenty-six weeks yung show.

“So, maybe February, balik ako sa doctor. Baka puwede na. Kung ano, baka few taping days na lang ako, patapos na. Hindi ko naman iiwan sa ere ang show.”

LOOKING FORWARD TO COMPLETING PROCEDURE. Excited na si Maricar sa pagpapatanim ng fertilized egg sa sinapupunan niya.

Yung mga kasabayan niya at mga kaibigan ay may sari-sarili na raw anak.

Si Maricar ay nakasama sa tinatawag na "Tuesday Group" ng dating TV show na That’s Entertainment ni German Moreno. Kasama niya sa "Tuesday Group" sina Donna Cruz, Jessa Zaragoza, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Jean Garcia, at Judy Ann Santos.

“Sabi ko, darating ’yan," paniniyak ni Maricar. "’Saka, kung successful yung first, baka kambal na yung second, para tatlo. Gusto niya [Don], tatlo.

“Puwede pa naman ang natural method na ginagawa ng mag-asawa, pero talagang low yung chances—better na may help ng clinical procedure.”

Ngayong Pasko, tinatantiya pa raw nina Maricar at Don kung makakapag-celebrate sila ng Pasko sa ibang bansa. Ngunit dahil daw sa on-going basketball season ay mukhang malabong makaalis sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN