Ogie Alcasid and family to spend Christmas in Manila; New Year in Sydney

For the coming New Year, Ogie Alcasid wants to take his family to Sydney, Australia, where they will watch the fireworks display aboard a yacht at Sydney Harbor: “Kasi, alam niyo, sa Sydney pinakamaganda yung fireworks nila sa harbor. E, dream ko na makita yun. E, kasi sa TV lang namin nakikita yun. Well, nakita ko na rin from afar, pero yung nandun ka sa harbor, pang mga Tom Cruise lang yun, e. Oo, kasi naaalala ko noong year 2000 ba yun, noong si Tom Cruise at si Nicole (Kid


Dito daw sa Pilipinas magpa-Pasko ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, kasama ang anak nilang si Nate.

Pero sa Australia raw sila magba-Bagong Taon, kasama ang dating misis ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at ang mga anak nilang sina Leila at Sarah.

Ayon kay Ogie, “Dito kami sa Philippines. Sa [December] 24, I think Velasquez [family] kami, sa 25, Alcasid kami. Sa 28 kami aalis for Sydney, New Year kami doon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa taping at campus tour ng kinabibilangan niyang gag show, ang Tropa Mo Ko Unli, sa STI-Ortigas, Cainta kahapon, Disyembre 6.



À LA TOM CRUISE. Magre-renta daw sila ng yate sa bisperas ng Bagong Taon para manood ng fireworks display sa Sydney harbor.

“Nag-enjoy kasi kami noong birthday ng anak ko. Nag-rent ako ng boat noong birthday niya. Siyempre hindi ko naman kayang bumili ng boat, ng yate, so rent na lang,” natatawang sabi ni Ogie.

“So, tinanong ko kung meron pa bang yate for New Year? Kasi, alam niyo, sa Sydney, pinakamaganda yung fireworks nila sa harbor.

“E, dream ko na makita yun. E, kasi sa TV lang namin nakikita yun. Well, nakita ko na rin from afar, pero yung nandun ka sa harbor, pang mga Tom Cruise lang yun, e.”

Ibig sabihin à la Tom Cruise siya sa New Year?

“Oo, kasi naaalala ko, noong year 2000 ba yun, noong si Tom Cruise at si Nicole [Kidman] mag-asawa pa sila, meron silang yate, tapos nandoon sila.

“Sabi ko, ‘Wow, ang yaman naman nila.’ Tapos sabi [nung taong nagpaparenta ng yate] sa akin, ‘Ah, there’s one more boat you can rent.’ So, yun.”

Per hour ba ang renta?

“For seven hours, package na siya. May food na doon. Tapos summer pa, so it’s perfect. So, siguro hanggang 2:00 a.m. kami doon. Doon kami lahat magnu-New Year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa January 2 daw ang balik nila sa Pilipinas.

CHRISTMAS AFTER YOLANDA. Samantala, kinumusta rin ng PEP ang isinasagawang auction nina Ogie at Regine ng mga gamit nila.

Ang kita rito ay mapupunta bilang donasyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Kumusta na ang kita nito?

“Parang makaka-one point something million si misis doon e, so malaki. Alam mo yung mga fans ni Regine, ang yayaman.

“Pinag-aagawan nila [yung mga gamit ni Regine]. Alam mo, nabenta ko rin yung mga sapatos ko. Yung mga bag [ni Regine], may bumili.”

Sa kabila ba ng mga nagdaang kalamidad, lalo na ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas, tingin ba niya’y dapat pang magselebra ng Pasko ang Pinoy?

“Oo naman. Pero siguro huwag—tulad ng ibang kumpanya, di ba?—huwag naman tayong maging insensitive, di ba? Yung magpakalasing tayo, magtapon ng pera?

“Siguro, let’s be more sensitive to others.

"Definitely, we should celebrate the birth of Christ, pero siguro yung dati nating ginagawa na splurge—yun, huwag na yun.

“Let’s be mindful of that kasi mali, e. Ang daming nagsa-suffer and then you’re splurging, you’re using money not in a right way.

"Sa akin lang yun, ha. But, definitely, we still have to celebrate the birth of Christ.

“Maybe, yun din ang gustong sabihin sa atin ng Panginoon, di ba?

"Parang, ‘O Pasko na naman ngayon, mag-aano na naman kayo, magpa-promise na naman kayo sa sarili niyo, tapos hindi niyo na naman matutupad.’ Ganito, ganyan.

"Baka naman tama yung a simple thanksgiving na lang, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN