Richard Yap on planned movie version of Please Be Careful With My Heart: “Official na wala nang movie.”

Richard Yap explains why the producers shelved the idea of a movie version of Please Be Careful With My Heart: “In a way we were really [saddened] kasi hindi namin kaya pagsabayin sa sobrang ano ng taping namin. Kahit tapusin muna yung teleserye, hindi natin masabi. Basta hindi talaga pwedeng pagsabayin, mahirap on the part of the ano, siguro, the writers.”


Hindi maipinta ang saya ni Richard Yap dahil sa pagkapanalo niya bilang Best Drama Actor para sa Be Careful With My Heart sa nakaraang 27th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.

Natanggap ni Richard ang award para sa pagganap ng lead male character na Ser Chief (Sir Chief), sa awards night na ginanap noong November 24, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.

“Uhm, well, unexpected talaga yun—kaya, well, hindi ko ma-describe yung feeling na nanalo ako doon,” umpisa ni Richard nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nangyari ang panayam sa press launch ng bagong campaign ng Krem-Top na “Change For The Better Pilipinas.”

Ka-tie ni Richard sa naturang award si Coco Martin, na personal na tinangap ang kanyang trophy sa mismong awards night. Nagkataong nagbabakasyon noon si Richard sa ibang bansa, kasama ang kanyang pamilya, kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang tropeo.

Hindi ba siya nanghihinayang na wala siya noong awards night?

“Okey lang naman sa akin. Okey lang. Hindi naman ako ganoon ka-ano, hindi ako after ng publicity. So, okey na ako na nanalo ako doon.

“Even if I wasn’t there, ang gusto ko lang makarating sa PMPC and to all the people who supported me is nagpapasalamat ako sa kanila,” paliwanag niya.

Sa tingin niya, anong meron sa performance niya na napansin ng mga hurado at sabay siyang pinarangalan ng Best Drama Actor award kasama si Coco?

Ayon kay Richard, “I think sa judges mo itatanong dapat yun kasi sila ang nagbigay sa akin.

“Hindi, I think the mere fact that people believe that the show is real, na napapaniwala nila na the people that are acting out is totoong tao, na hindi fan nina Richard and Jodi [Sta. Maria].”

Feeling ba niya ay mas gagalingan pa niya ang pag-arte sa harap ng kamera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon niya, “Of course, every actor strives to get that award.

“Pero, like sinasabi ko nga before, I went into acting without any expectations, without any background. So, hindi ko talaga ine-expect yun.

“Na meron ako nitong trabaho na ‘to. Ah, this opportunity to do other things than I’ve been able to do, okey na sa akin.

“Hindi ako humahanap na magkaroon ng award. So, this is a big bonus for me.

“Talagang unexpected nga. Well, of course, I’m very happy na nakatanggap ako ng ganoon. Because, siyempre, it adds to the prestige of being an actor.”



UNFAZED BY DETRACTORS. Sa kabila nito, meron ding kumekwestyon sa pagkakapanalo ni Richard ng award.

“Oo, yun na nga. May nagsabi na, ah, yun, hindi naman daw ako gumanap ng gay role.

“Meron namang sumagot sa kanya na hindi lang naman ang pagganap ng gay role ang magkaroon ng acting award, di ba?

"Yung iba naman sinabi hindi ako umiyak. Bakit, ang iyakan ba ang basis, di ba?”

Pati ang suot niyang mga polo sa show ay pinuna rin ng ilan. Hindi raw ito lukot at laging plantsado.

“Hahaha! Baka dahil d’yan nanalo ako?!” kasunod ang malakas na tawa ulit ni Richard.

Sa kanyang mga sagot at dahil nadadaan pa niya sa tawa, tila hindi gaanong apektado si Richard sa mga kumekuwestiyon sa pagkakapanalo niya ng acting award.

Sabi niya, “Oo, yun na nga kasi, you cannot please everybody kasi kanya-kanya ‘yan, e. May gusto siya na iba ang manalo, so, ikaw ang sisirain niya.”

May plano ba siyang hasain pa ang kanyang pag-arte at patunayan na hindi siya nakakahon lang sa papel ng isang mayaman at disenteng lalaki?

Sagot ng kilalang prangkang si Richard, “Hindi kasi ganoon yung role ko, e. I cannot act out of the character. Paano naman ako, gusto niya maging action star ako bigla? O, paano, biglang dramatic actor, iiyak ako nang iiyak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman gano’n ang character ko, e. I’m just being in character. So, if they cannot accept it, they can watch another show.”


CHOICE FOR FUTURE ROLES. Pagkatapos ng Be Careful With My Heart, tatanggap ba siya ng role na medyo kakaiba sa kanyang goody-goody roles sa TV?

“Of course, kung ano ang ibibigay sa akin ng ABS [CBN].

"Kung if it’s a good project, gagawin naman natin. And if it needs something else that I need to learn, I’m always willing. I’m always open.

“Like noong nag-workshop ako with Direk Laurice [Guillen] before, she told me that, yun nga, she was telling me that ah, ‘Your underacting is fine.’

“Ayaw niya nung mga nag-o-overact. So, she told me, just keep on doing what you’re doing, you should be fine,” saad niya.

May dream role ba siya?

Sagot ng aktor, “Yung mga parang James Bond na may konting action. So, puwede yun. Or yung mga mala-Pretty Woman na roles.”

Ang tinutukoy ni Richard ay ang papel na ginampanan ni Richard Gere bilang mayamang negosyante sa blockbuster romantic comedy na Pretty Woman. Ipinalabas ito noong 1990, at katambal niya rito si Julia Roberts, na siya naman gumanap bilang escort girl.



NO MORE MOVIE VERSION. Itutuloy pa ba ang movie version ng Be Careful With My Heart?

“Uhm, baka hindi na kami gagawa ng Be Careful The Movie. Kung next year baka, pero ibang theme na siguro. Ibang story na siguro,” saad ni Richard.

Hanggang kailan ang Be Careful on TV?

“Naka-hanggang next year pa ang show, kasi it depends, e. Depende kung what the audience wants or what the viewers wants.

"E, medyo ayaw din naman matapos muna ng management.”

Muling itinanong ng PEP kay Richard kung official na wala na talagang movie version ang Be Careful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Official na wala nang movie,” diin niya.

Nalungkot ba siya noong nalamang wala nang gagawing movie version ang Be Careful With My Heart?

“In a way we were really [saddened], kasi hindi namin kaya pagsabayin sa sobrang ano ng taping namin. Kahit tapusin muna yung teleserye, hindi natin masabi.

"Basta hindi talaga puwedeng pagsabayin, mahirap on the part of the ano, siguro, the writers,” pag-amin ni Richard.

Pero gusto na ba niyang umakting sa pelikula?

“I’m not in a hurry. Kung iba, gustung-gusto nilang magka-movie para masubok kung gaano sila kagaling, ako hindi.

"It’s not something na gustung-gusto ko. Parang okey na ako where I am now,” paglilinaw pa niya.

Kung sakali, sino ang gusto niyang maging leading lady sa pelikula?

“Maraming magagaling, e. Ah, syempre si Jodi. Si Dawn Zulueta or si Anne Curtis.”



CHANGE FOR THE BETTER. Samantala, napapanahon ang bagong advertising campaign na nilabasan ni Richard, ang “Change For The Better Pilipinas” ng Krem-Top.

Bukod sa ika-20 na ito sa mga product endorsements ni Richard, ano pa yung “change for the better” na nangyari sa kanya?

Pag-aanalisa niya, “Well, siguro it has allowed me to be a better person by being more patient. Dati kasi hindi, e, lalo na nung bata. Nagmamadali ako parati, parang on-the-go parati.

“I don’t like waiting, parang ganoon. Impatient ako palagi, so I think this has helped me to have the virtue of patience. And hindi lang patience for myself but for other people also.”



DEALING WITH INTRIGUES. Speaking of patience, mahaba kaya ang pasensiya niya sa sunud-sunod na intriga sa kanya?

Una na riyan ang diumano’y pagtu-tweet niya ng mga bagay na gusto niya, na inaakala ng ibang tao ay isang pahiwatig o pag-udyok sa kanyang fans para regaluhan siya ng kung anu-ano.

“I’ve heard that, and if you can go through all my tweets, wala akong hinihingi sa kahit na kanino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As much as possible kapag may nagsabing ’What do you want?,’ sinasabi ko, ’You don’t need to bring anything. You don’t need ano... Kung gusto mo, magkita doon sa show, okey lang. Walang problema.’”

Gaanong katotoo ang bali-balitang hindi raw siya nag-o-autograph para sa fans kapag walang regalong ibinibigay sa kanya?

“I think, ah, well, the fans who had pictures with me will know that that’s not true.”

Sa tingin niya may naninira lang sa kanya?

“I’m sure,” paniniyak niya. “Hindi naman natin alam kung ano ang mga motives nila, e. Yung iba nagtu-tweet ng ganoon para pansinin mo sila.”

Lumabas kasi ang ganoong kuwento bilang blind item sa isang blog site, at malinaw na si Richard ang tinutukoy.

Seryosong sagot ni Richard, “That guy has no credibility, and I’m saying this to his face. I won’t waste my time on him, di ba?

“He is supposed to be an educated person. He is from La Salle and he is Chinese.

"But with what he’s doing, he’s bringing down the name of the institution that he is working for, his being a Chinese.

“I’ve never met him and I don’t intend to. He is not worth meeting.”

Paano kung humingi ng paumanhin sa kanya yung sumulat?

“Well, who am I not to accept an apology? But with the way he ano... Because, people who bash other people are just reflecting what they themselves are.”



“NOT WORTH MY TIME.” Nasasaktan ba siya ng ganyang mga negative issues?

Himutok ni Richard, “You know, ah, siguro pikon. Pero ang sinasabi ko lang nga, it’s not worth my time, di ba?

“At saka kung ano meron ako ngayon, meron ako noong hindi pa ako pumasok ng showbiz. Yung bahay ko, yung mga kotse ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nagbra-brag.

"When I was in Kindergarten, may Rolex na ako. So, I don’t have to ask from anyone. Kaya kong trabahuin lahat ’to.

"Sa tingin ba niya, yung binibigay ng fans, yun ang ano ko? Parang gustung-gusto kong manghingi sa fans?”

Napag-usapan ba nila ng misis niyang si Melody ang mga isyung ganyan?

Pakli ni Richard, “Yeah, pero sinasabi naman ng asawa ko, huwag ko nang pansinin.”

Sa ngayon ba, iyan ang pinakamalalang intrigang ipinukol sa kanya sa showbiz?

Buntung-hininga niya, “Ah, I think so.

“Ang problema kasi, okey lang sana kung tama yung ginagawa mong intriga. Pero kung gagawa ka ng intriga, mali pa, huwag na lang sana.

"Kung gustong manira ng tao, di ba, what for? Yun ang sinasabi ko, the culture of negativity in the Philippines.

"Parang gusto lang ng tao manira lang ng ibang tao para lang to draw attention to themselves, para sumikat sila.

"And the people who follow them, ganoon din sila.”

May mga isyu rin sa kanya tungkol naman sa pagtrato niya sa mga fans kapag nakikita siya nang personal. May mga pagkakataon daw na nag-iinarte siya sa kanila. Totoo ba ito?

Dagdag paliwanag ni Richard, “Hindi naman. Minsan, kapag pagod lang ako, siyempre, yung smile ko hindi ganoon ka-ano. Kasi, siyempre, pagod ka.

"Especially kapag kumakain ka, minsan lalapitan ka ng [fans]. Siyempre sasabihin ko, ’Puwede, mamaya na lang?’ Yung ganoon.

“Yung iba siguro, ayaw nila ng ganoon, gusto nila agad-agad.

“Ah, I think they have to respect your space also, lalung-lalo na kapag kumakain ka or ano.

“E, siyempre, ang pangit naman noon, may pagkain ka pa sa bibig mo magpapa-picture ka.

"Sasabihin mo, ’Tingnan mo ang pangit niya tingnan.’ So, I think, I’m just protecting myself also.”

May na-encounter na ba siyang nagalit na fan nang harapan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw niya, “Merong ganoon, pero actually, hindi nga ako ang nagsabi. Like, ahh, nagti-taping kami. Naglalakad ako, pagkatapos may nagsabi, ’Ay, pa-picture muna, pa-picture muna!’

“’Tapos, sinabihan siya noong mga taga-crowd [control] na mamaya na lang kasi nagti-taping kami. Sinabi niya, ’Ay, hindi na ako manonood!’ Hahaha!”



NOT RUFFLED BY STARDOM. Ramdam ba niya na superstar siya?

Aniya, “Hmm... wala naman sa akin ’yan. I’m still the same person I was. Kung gaano ako ka-transparent noon, ganoon pa rin ako.

"Kaya nga siguro I get into trouble with being so frank. Pero this is who I am, e.”

Hindi raw tipikal na showbiz person si Richard dahil sinasabi niya kaagad ang kanyang naiisip at ipinapakita rin niya ang kung ano mang nararamdaman kada sitwasyon.

“Yeah, bakit ko naman isu-sugarcoat kung hindi ko naman mini-mean ang sinasabi ko?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN