Justin Bieber launches fund drive for Yolanda victims; raises half of his $1M target in just two days

Umabot na sa kalahati ng target amount na $1M ang nalikom ni Justin Bieber para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Inilunsad ng Canadian pop singer ang fundraising campaign niyang "Win a Studio Hang Out with Justin Bieber for Typhoon Haiyan relief!" noong December 4 (U.S. time).


"Please, please, help me help them."

Bahagi ito ng mensahe ng international pop artist na si Justin Bieber sa ginawa niyang video para sa inilunsad na kampanyang pinamagatang "Win a Studio Hang Out with Justin Bieber for Typhoon Haiyan relief!"

Layunin nitong makalikom ng pondo at matulungan ang mga biktima ng super-typhoon Haiyan (na may local name na Yolanda), na nanalasa sa bahagi ng eastern Visayas noong November 8.

Partner niya sa nasabing project ang Prizeo.com, na ayon sa website nito ay isang "platform for influencers to raise money and awareness for their chosen causes with prize-based fan campaigns."

Ang ilan sa mga international celebrities na nagawan na ng socio-civic campaign ng Prizeo ay sina Samuel L. Jackson, Kristen Bell, at One Direction members na sina Harry Styles at Liam Payne.

Ang mechanics sa website: mas malaki ang pagkakataong manalo ng "biggest sharers" o may pinakamaraming nahikayat na mag-donate.



HANG OUT WITH BIEBER. Noong December 4 (U.S. time) inilunsad ang fundraising drive ni Justin.

Lilipad ang lucky winner sa Los Angeles, para makita at makasama si Justin habang nagre-record para sa kanyang susunod na album.

Bukod sa grand prize, ang mga magdo-donate ng $10 (P430) ay magkakaroon din ng pagkakataong manalo ng iba pang rewards—T-shirts, lyric sheets na may autograph, VIP tickets sa upcoming movie ni Justin, at marami pang iba.

Narito ang buong pahayag ni Justin sa video na ipinost niya sa YouTube noong December 4.

"What’s up, guys! This is Justin...


"The typhoon has affected the lives of millions.

"Everyone knows that I’ve got the best fans in the world, so the moment I heard about the tragedy a few weeks back, I know I can count on you guys to make a difference.

"So I’m looking for you guys to help me help them. Check prizeo.com/Justin...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everytime you’re giving back, I’m doing someting I’ve never done before.

"I’m [gonna] bring a winner to come show him the studio with me next year. I want you guys come help me in the studio. Just give me some ideas.

"But first you guys gotta give... so please, please, help me, help them."

Sa dulo ng maiksing video ay lumitaw ang #GiveBackPhilippines.

Samantala, sa panayam ni Justin sa hollywoodreporter.com, hinikayat rin niya ang mga fans na suportahan ang kanyang campaign.

"When I heard about the massive scale of the Typhoon Haiyan disaster, I wanted to help in any way I could.

"One of the best ways I can do that is to bring a major fundraising effort to my fans all around the world—especially via social media.

"Prizeo will make it easy for them to donate and to share the information with all their friends, hopefully, maximizing the funds we can raise for the relief efforts."

Nag-anunsiyo rin ito sa kanyang Twitter, kung saan meron siyang 47.5 million followers.



TARGET AMOUNT. As of 2:11 a.m., December 8, 2013, ang nalikom nang donasyon ay $501, 958 (approximately P21.5 million), na kalahati na ng target na $1,000,000 (approximately P43 million).

Ang datos ay galing sa Prizeo.com, na nagpo-post ng dumarating na donations by the minute.

May walong araw pa bago matapos ang fundraising drive.

Nakalagay rin doon, na sa tatlong charities—ang United Nations Childrens Emergency Fund, (UNICEF), Action Against Hunger, at Philam Foundation—idadaan ang mga donasyon.

Ang pangunahing misyon ng nasabing mga organisasyon ay ang magsagawa ng relief at rescue efforts, gaya ng pagbibigay ng pagkain, masisilungan, atensiyong medikal, malinis na inumin, at pagtatayo ng mga gusali at paaralan.

Ayon pa sa Prizeo.com, may donors ang Action Against Hunger na nag-pledge na tatapatan nila ang unang $250,000 na donasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nakasaad rin dito na tatapatan ng Canadian government ang halaga ng donasyon mula sa kanilang legal residents.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN