Gwendoline Ruais and David Semerad are engaged

Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais on David Semerad: “We do wanna get married, and we do see each other spending the rest of our lives together. But, like he said, we’re just waiting for the right time.”

Model-athlete David Semerad on Gwen: “Oh, yes, technically, we are engaged. It’s just that, I haven’t done a formal proposal yet and got the big rock.”


Engaged na si Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais sa model-athlete na si David John Semerad.

Sa exclusive interview ng GMA news program na 24 Oras Weekend kina Gwen at David kagabi, December 7, inamin ng dalawa na, kahit sampung buwan pa lang ang itinatagal ng kanilang relasyon, nakikita na nilang sila ang magkakasama habang buhay.

Naging magkasintahan ang beauty queen, na 23 years old, at ang San Beda Red Lions power forward, na 22 years old, nitong Pebrero 2013.

Ayon kay David, “Oh, yes, technically, we are engaged. It’s just that, I haven’t done a formal proposal yet and got the big rock.”

Ayon naman kay Gwen, “We do wanna get married, and we do see each other spending the rest of our lives together. But like he said, we’re just waiting for the right time.”

Huwebes, December 5, nang kumalat sa social media, partikular na sa Facebook, ang balita ng kanilang napipintong pagpapakasal matapos mag-post si David ng status update na “Got engaged.”

Dagdag pa ni David: “When I saw Gwen for the first time, I really, like, she’s the one! There’s an early connection.”

Dugtong naman ni Gwen, “David is, uhm, the only guy I’ve met that qualifies... Like, I always had all these qualifications for a guy. I wanted him to be taller than me, should be good-looking, have a great personality.”

Magdaraos daw ng formal engagement sina David at Gwen, at imbitado lahat ng mga malalapit sa kanila.

Bilang player ng San Beda, mas inspirado raw ngayon si David na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA), para na rin sa kanyang fiancée.

THREE WEDDINGS IN THREE COUNTRIES. May mga lahing banyaga ang magkasintahan. Half-Pinay at half-French si Gwen, samantalang may lahing Pinoy, Australian, at Czech si David.

May balak din silang magpakasal nang tatlong beses. Pero mas gusto raw nilang sa Pilipinas muna sila unang ikasal. Matapos nito, magpapakasal din daw sila sa Europe at Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa ni Gwen kay David, “You know I love you and I’ll always be there for you.”

Sagot naman ni David, “You know I love you, and I will love you forever—and I will get you that big rock.”

Sa Australia daw magpa-Pasko ang dalawa para maipakilala ni David si Gwen sa kanyang mga magulang at pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN