Lovi Poe on chances of having a “cold Christmas” this year: “Mainit ’yan, for sure.”

Lovi Poe on having a meaningful and memorable Christmas this year: “Hindi lang naman dahil sa love magiging mainit ang Pasko.”


Hindi raw totoo na ayaw na ni Lovi Poe makatrabaho si Jake Cuenca.

Nabalita noong nagkakamabutihan ang dalawa, ngunit walang nangyaring pag-amin sa parehong panig, kahit na noong nabalita namang hindi na sila gaanong malapit sa isa’t isa.

“No, I’m willing to work with him. In fact, although hindi kami magka-partner nun, I was part of their movie, Status: It’s Complicated, nag-guest ako dun.

“But I’m willing to work with him.”

Kinumusta rin si Lovi tungkol kay Rocco Nacino na kasama niya sa teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas ng GMA at nabalitang madalas niyang mabarkada. Nakakagimik pa ba sila tulad nang dati?

Ayon kay Lovi, “Hindi e, wala kaming time, e.”

Hindi na rin daw sila nagkakasama sa gym tulad nang dati.

“Hindi na ako makapag-boxing, e.

“I’m very busy sa bahay, I love staying at home, I love my new place,” dagdag pa niya.

Nakapunta na raw si Rocco sa bago niyang tirahan, pati na rin ang iba pang kaibigan niyang artista.

Patuloy niya, “Si Bianca King, she’s my neighbor.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi noong November 15, sa Oasis sa Aurora Boulevard,
sa taping ng pinangungunahan niyang drama series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Nami-miss na raw ni Lovi ang paggawa ng indie movie.

Ang Lihis at Sana Dati ang ilan sa recent movies na nagawa niya.

BONDING WITH HEART, CHIZ, ALEX. Magkakaibigan sina Lovi, Heart Evangelista, at Alessandra de Rossi.

Kaya tinanong namin si Lovi kung totoo ang usap-usapang ayaw ni Senator Chiz Escudero kay Alessandra bilang kaibigan ng girlfriend nitong si Heart.

Kesyo maingay daw si Alessandra, na mas kilala bilang Alex.

Pinabulaanan ito ni Lovi.

“No! Of course not. That’s definitely not true. Hindi talaga. I doubt it! Hindi totoo yun, hindi talaga,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasundo raw sina Alessandra at Senator Chiz.

“Oo. Kumbaga, yung dalawang taong yun, madaling makasama kahit sino, parang madaling makihalubilo sa kahit na sino, so I doubt it talaga.

“’Tsaka, pag magkakasama kaming lahat, yung bonding namin, it’s different!” masaya niyang pagmamalaki.

Malamig ba o mainit ang Pasko ni Lovi?

“Mainit ’yan, for sure. Hindi lang naman dahil sa love magiging mainit ang Pasko,” makabuluhan niyang pahayag.

Masaya raw si Lovi na naging parte ng Akin Pa Rin Ang Bukas ang mahusay na beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Bulalas niya, “It’s a dream come true for me! Lagi kong sinasabi sa mga interviews ko before na I want to work with Miss Jaclyn Jose.

“I got to work with her a long, long time ago. Sobrang tagal na nun, it’s an indie film. I forgot all about it na, it’s that long ago.”

Ang iba pang mahuhusay na senior stars na kasama ni Lovi sa Akin Pa Rin Ang Bukas ay sina Cesar Montano, Gloria Romero, at Liza Lorena.

FEELING HER CHARACTER. May eksena sa Akin Pa Rin Ang Bukas kung saan todo-todo ang pananampal na ginawa ng karakter niyang si Lovelia sa karakter ni Rocco na si Jerry.

Inamin ni Lovi na may pinaghugutan siya noon.

“May ganung pangyayari sa buhay ko. And I’m proud to say na I got through it, sa pagtatraydor ng kapwa kapamilya mo.

“So iyon, yun ang na-feel ko,” prangkang sagot niya.

Hindi raw manliligaw o boyfriend ang nag-traydor sa kanya.

Detalye pa niya, “Hindi—as in, a member of the family, na nag-ano sa akin. Not lovelife.”

Nagkaayos ba sila ng nantraydor sa kanya?

Aniya, “No. Kumbaga, forgiven, but then it’s not fixable.”

Ayaw nang sabihin pa ni Lovi kung sino iyon.

FAMILY’S CHRISTMAS PLANS. Sa darating na Pasko ay pupunta si Lovi sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m going to spend it with my sister in San Francisco. She lives there now. She’s living the independent life, nag-aaral siya doon and working at the same time.

“She’s that independent. Ganun yung turo sa amin ni Mama, na matuto kaming maging independent.

“Hindi ko kaya, kasi it’s gonna be my first Christmas without her. So, me and my mom, we’re gonna go there. So, New Year na lang ako dito [sa Pilipinas],” sabi niya.

Ang tinutukoy ni Lovi ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Mariel. Ang ina ni Lovi ay ang dating commercial model na si Rowena Moran, isang morena beauty na nakilala ng publiko nang naging leading lady ito sa isang San Miguel Beer commercial ng yumaong Action King Fernando Poe Jr..

Mga dalawang linggo lang daw si Lovi sa Amerika.

Unang Pasko raw ito ni Lovi sa Amerika, at unang white Christmas din niya.

Masayang kuwento ni Lovi, “Ang dami na naming plans na gagawin! Pupunta daw kami ng Lake Tahoe, mga ganun.”

Ano naman ang gusto niyang matanggap na materyal na regalo ngayong Pasko?

“Anything for the house! Straight to the point talaga ako, “ sabay tawa ni Lovi.

Ano ba ang mga gamit na wala pa siya sa bago niyang tirahan?

“Specific na wala ako? My Gosh! Ano ba? Gusto ko ng side table!” at tumawa siyang muli.

CHRISTMAS WISH FOR TYPHOON VICTIMS. Ang Christmas wish naman ni Lovi ay may kinalaman sa trahedyang dulot ng bagyong Yolanda.

“Ayun, sana makaahon tayong lahat sa nangyari dun sa iba’t ibang lugar. It’s actually very hard to spend Christmas, like, fully happy, because of what happened.

“So sana, ayun, as much as possible na magtulungan even hanggang Christmas or after Christmas, kasi I think it’s the best way naman to be happy, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ikaw naman mismo nagbibigay, magiging masaya ka rin naman sa part mo na yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN