Heart Evangelista is thankful for “life-changing” 2013

Heart Evangelista on the highs and lows of her past year: “It affected my whole life. It affected even my future family’s life. It gave me a dent. I’m scarred for life with what happened then but, definitely, life’s not over. And I feel like it just works for me as a person. I am just totally different from who I was.”


Halos kakasimula pa lang ng taong 2013 nang magulantang ang Kapuso star na si Heart Evangelista dahil sa pagpapa-interview ng kanyang mga magulang at pagsisiwalat ng kanilang disgusto sa kasalukuyang boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero.

Pero hindi naging dahilan ang disgusto ng kanyang magulang para talikuran ni Heart ang nobyo. Sa halip, pinanindigan niya ang kanilang relasyon at, tuloy, naglakas-loob mamuhay mag-isa.

Dahil na rin dito, at sa ilan pang kaganapan sa buhay niya nitong taon, tinatanggap ni Heart na nagbago siya.



LIFE-CHANGING YEAR. Dalawa sa malaking pagbabago kay Heart ay ang pangahasan niya ang isang sexy pictorial para sa May 2013 Esquire Philippines issue, at ang pagtanggap niya ng endorsement job bilang 2014 Tanduay calendar girl.

Ayon nga kay Heart, “life-changing” ang kinalabasan ng 2013 niya.

“My 2013 is life-changing, major.

“It affected my whole life. It affected even my future family’s life. It gave me a dent.

"I’m scarred for life with what happened then, but definitely, life’s not over. And I feel like it just works for me as a person.

“I am just totally different from who I was.

“You know, I went through rebellion, I’ve done stupid things, and I got to the point that I want to live my life—and I did it.

“Now, everything that I decide on, my intuition is, parang, trustworthy kumbaga, because I really know what I want,” pagbabalik-tanaw niya.

Masasabi bang mas okay siya ngayon?

“I’m so good,” pahayag ni Heart nang nakangiti.

NO FAMILY REUNION THIS XMAS? Nabanggit na ni Heart na ngayong Pasko, wala pa siyang konkretong plano.

Isa lang daw ang sigurado: kasama niya ang boyfriend niyang si Chiz ngayong Pasko.

Kumusta naman ang pamilya niya, partikular na ang kanyang mga magulang? Hindi ba niya ito makakasama ngayong Kapaskuhan?

Mabilis na sagot ni Heart, “I’m not sure about that, my mom and I aren’t really okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not going to be pretentious, I’m also not ready. So, ayoko rin namang madaliin because I don’t want it to end up like before.

“So, better na longer, and then, talagang totoo, than we talk and pilitin, and then it’ll just blow up in our face.”

Yung isyu nila ngayon ng mommy niyang si Mrs. Cecille Ongpauco, masasabi ba niyang mas matindi kumpara sa mga nangyari sa kanila dati?

Noong panahon kasi na magkasintahan si Heart at ang aktor na si Jericho Rosales ay nagkaroon din si Heart at ang kanyang mga magulang ng matinding tampuhan.

Sabi naman ni Heart, “Yes, this is a compilation of everything I’ve been through in my life.

“It wasn’t just because of the one guy that I had. It’s... all the great people that I’ve lost in my past because I chose their happiness.

“But, it’s good for us, hopefully.”

BEST XMAS GIFT? Kung may regalo man siyang gustong matanggap ngayong Kapaskuhan, ano kaya yun?

“I don’t think there’s anything material that would make me happy.

"I think, it’s just living a good life, and all the blessings will continue, and my attitude towards the things that are going on my life.

“I hope I’ll be better as a person, and not bitter.

“Because there are times that you also become bitter and question different things. Maybe, more of personal and character building.

“Of course, you know, how can I ask for many things when there’s so many things that are going on in our country? That’s selfish.”

MAGKANO BA ANG PAG-IBIG? Masaya naman si Heart na ang Kapuso afternoon series niyang Magkano Ba Ang Pag-Ibig? ay tumakbo na nang mahigit sa isang season at hanggang February 2014 pa ito mapapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “Mamamatay si Hilaria [Celia Rodriguez] which, I think, happened today. There’s so many things that will happen. Malapit na ang Feb, so I think medyo grabe ang istorya ngayon.”

Ang conflict din ng kuwento ay kung sila na nga ba talaga ng pinakasalan niyang si Dominic Roco na may diperensiya sa pag-iisip o mapupunta pa rin siya sa una niyang minahal na si Sid Lucero.

Kanino nga kaya siya mapupunta sa bandang huli?

“Hindi ko alam—I don’t mind being alone,” nakangiting pangwakas ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN