MTRCB summons Bubble Gang over sexist gag

Ito ang puto-bumbong gag nina Rufa Mae Quinto at Michael V na nakapag-alarma sa MTRCB.

Sulat ng censors board sa GMA management: “It appears that the segment stereotypically portrayed a woman as an object of rather frivolous, albeit carnal, delight. When women are treated as commodities, they are disrespected and degraded. The ‘commodified’ depiction of a woman in the program is demeaning and derogatory within the context of §16


Matapos patawan ng multa at iba pang karampatang paalala ng censors board ang morning show na Unang Hirit, muli na namang nagpatawag ang ahensiya ng isang “mandatory conference” sa ilang ehekutibo ng GMA Network.

Sa pagkakataong ito, ang mga namumuno ng network, pamunuan ng Bubble Gang, at ilang artista ng gag show ang nakatakdang humarap sa mga members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bukas, December 9, sa ganap na ika-9 ng umaga.

Kabilang sa mga ipinatawag na dapat daw um-attend sa conference ay ang GMA executives na sina Jose Mari Abacan (Vice President-Program Management), Uro dela Cruz (Bubble Gang director), Ceasar Cosme (Bubble Gang headwriter)...

Marivin Arayata (Vice President for Entertainment), Eva Arespacochaga (Program Manager), at Junalyn Navarro (Bubble Gang executive producer).

Bukod sa mga nabanggit, dapat din daw dumalo sina Beethoven Bunagan, o mas kilala sa pangalang Michael V, at Rufa Mae Quinto.

THE CASE. Ayon sa sulat na ipinadala ng MTRCB sa GMA Network noong December 3, nagkaroon ng “discriminatory and derogatory portrayal of a woman” ang Bubble Gang, sa episode na umere noong November 29, 2013.

Nai-post sa Twitter ng MTRCB ang naturang summons kahapon, December 7.

Nag-ugat ang pagka-alarma ng ahensiya nang maisangguni raw sa kanila ng kanilang monitoring agents ang episode ng show, particular na ang segment na “D Adventures of Susie Lualhati.”

Ang segment ay tumatalakay sa pag-apply ni Susie (Rufa Mae) bilang tagapagluto at tagapagbenta ng puto bumbong, sa tindahang pagmamay-ari ni Michael V, na kilala rin sa tawag na Bitoy.

Sexy ang suot ni Rufa Mae sa show, na halos daw lumuluwa na ang dibdib nito. May mga eksena pa raw na “suggestive.”



THE GAG. Umabot sa halos dalawang minuto ang kinukuwestiyong segment na “D Adventures of Susie Lualhati.”

Narito ang buong takbo ng gag:

Abala si Michael V, bilang may-ari ng tindahan ng puto bumbong, sa pagbibenta ng kanyang paninda. Napansin niya si Rufa Mae, bilang si Susie, na nakaantabay lang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sir: "Ikaw ba yung mag-a-apply bilang tindera dito?"

Susie: "Ah, opo, ako nga."

Sir: "May ano ka na ba… experience ka na ba sa paggawa ng puto bumbong?"

Susie: "Wala pa po, pero kaya ko namang subukan."

Sir: "Ay naku, hindi puwedeng ganyan. E, ang kailangan ko ay may experience na sa pagluto ng puto bumbong kasi andami nang nag-apply dito, mga walang experience, hindi ko tinanggap. Mahirap na, kasi wala akong time magturo, e."

Susie: "E, huwag ho kayong mag-alala sir, pakita niyo lang sa akin. Feeling ko, kaya ko talagang gawin ‘yan."

Sir: "O, sige, pero isang beses lang ha? Wala akong time, e."

Susie: "O, sige."

Dito ay nag-demonstrate na si Sir kung paano ang pagluluto ng puto bumbong.

Susie: "Isusuksok lang."

Sir: "Oo, tapos pagkanaluto na, gaya nito o, ganyanin mo lang…"

Susie: "Tapos, ano po yung lalabas?"

Sir: "Itataktak mo na dito."

Susie: "Ah , ’yan na yun."

Sir: "O, kaya mo ba yan?"

Susie: "Parang madali naman. O sige, ita-try ko."

Si Susie naman ang sumubok magluto.

Susie: "So, bubunutin ko na."

Tapos ay dito na nag-muwestra si Susie ng pagtataktak ng puto bumbong. Sa pagkakataong ito, pabilis na nang pabilis ang pagtataktak ni Susie, na nakakuha ng atensiyon ng mga customer ng tindahan.

Susie: "Parang mahirap naman ata ‘to, sir. Parang walang lumalabas… A, a, a… grabe naman, sir… ang hirap naman pala."

Dito ay patuloy sa pagtataktak si Susie, na akmang tumatalun-talon habang umaalog-alog ang hinaharap niya, na nakabalot sa isang sexy sleeveless top. Sumilip-silip ang dibdib nito habang nagtataktak.

Susie: "Di ko na kaya Sir. Ang hirap… sa inyo na lang."

Sir: "Ah, actually… tuloy mo lang yung ginagawa mo. Sige, tanggap ka na."

Dito ay mapapanuod na tumatalun-talon din ang mga customer sa tindahan. Si Susie ay tumatalun-talon din, na lalo pang nagbigay-daan upang mas makita ang kanyang tiyan at lalo pang makita ang pag-alog ng kanyang dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAGNA CARTA OF WOMEN. Ayon sa sulat ng MTRCB sa GMA management:

“It appears that the segment stereotypically portrayed a woman as an object of rather frivolous, albeit carnal, delight. When women are treated as commodities, they are disrespected and degraded. The ‘commodified’ depiction of a woman in the program is demeaning and derogatory within the context of §16, Chapter 4 of Republic Act No. 9710, otherwise known as Magna Carta of Women.”

Dagdag pa sa sulat, “Parenthetically, it cannot be helped for one to surmise that even the name of Ms. Quinto’s character is a spin from the Tagalog word for a woman’s breasts. This arguably magnifies an overall intent on the part of the program to typecast woman as a mere sex object—thus depriving her of dignity.”

Nakasulat din sa kanilang summons ang palitan ng mga linya nina Rufa Mae at Michael V.

Nakasaad pa sa sulat ng board: “The ‘crass’ humor described above palpably gives a bad example to our youth, who have the right to be edified and formed to respect women and not treat them as objects.”

Noong March 28, 2012, nagkaroon ng Memorandum of Understanding on the Portrayal of Women in Media and Film ang MTRCB sa lahat ng mga local TV stations.

Ito raw ang naging basehan ng censors body, na nasa ilalim ng Office of the President, para ipatawag ang mga tagapamahala ng Bubble Gang nang mailahad nila ang kanilang panig.

Bukas ang PEP sa maaaring pahayag ng GMA Network at Bubble Gang production executives sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN