Sharon Cuneta disses her Dubai and Milan concert producers on Twitter

Sharon Cuneta turned to Twitter once more, this time to express her frustrations with producers who handled two of her latest concerts, in Dubai and Milan.


Nasa Milan, Italy, ngayon ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion para sa isang concert.

Lumipad ang dalawa nitong nakaraang Huwebes, December 5, mula Pilipinas papuntang Dubai, para sa unang show ng Megastar, ang Sharon Cuneta: Christmas In Dubai, kung saan special guest nito si KC.

Biyernes, December 6, ang concert nila ni KC sa Dubai Wonderland Theme and Water Park, at dito ay tila nagkaroon ng himutok ang Madam Chairman star.

Ayon sa sunud-sunod niyang tweets ngayong araw, December 8, sinabi ni Sharon (@sharon_cuneta12) na hindi raw na-promote nang mahusay ng producer ang kanilang show.

Dalawang araw daw bago maganap ang concert ay nalaman niyang maraming Pinoy sa Dubai ang hindi nakakaalam na may show sila doon.

Sa Milan naman, inalmahan ni Sharon ang naging hakbang ng concert promoter niya.

May inayos daw kasi ang promoter na welcome reception para sa mga Pinoy doon, kung saan dapat mag-appear si Sharon. Subalit hindi raw alam ni Sharon ang tungkol dito, pati na rin ang kanyang mga handlers.

Ang problema raw kasi ay kararating pa lang nila sa Milan mula sa Dubai at magko-concert sila noong araw ding iyon. Iniinda ng Megastar ang pakikisalamuha sa maraming tao kapag ganoon, dahil nga kailangan ng isang singer na ipahinga ang kanyang boses.

Narito ang buong mensahe ni Sharon sa kanyang mga followers sa Twitter:

“Hi, everyone. Hope you’re all doing well. Am in Milan now. After Dubai concert w/c started at 9:30pm & ended late (&wasnt promoted well - when KC, then my people went around 2 days before show & met other kababayan, di nila alam may show kami!"

"So after the Dubai concert, slept a little & woke up early to prepare to leave for airport around noon. Then flew 7+hrs. to Milan & a different time zone na naman. Couldn’t sleep well on flight. Arrived so tired & sleepy, & then found that our promoter had scheduled a welcome reception w/ other kababayan here, which we didn’t know about so weren’t prepared for. I had no more energy & my handlers were upset at "surprises!" No rest for voice, so little sleep. And concert today is at 4pm. Haaaaaayyyyyy naku. Pls pray for us. Thanks.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN