Metro Manila wins big at British Independent Film Awards

Tatlong tropeyo ang napanalunan ng Philippine-set Metro Manila sa British Independent Film Awards (BIFA), kabilang na ang Best Picture at Best Director para kay Sean Ellis (kaliwa).


Tatlong awards ang napanalunan ng Metro Manila sa British Independent Film Awards (BIFAs), na ginanap noong Linggo ng gabi, December 8 (December 9 ng umaga sa Pilipinas), sa Old Billingsgate Market, London, United Kingdom.

Ang BIFAs ang itinuturing na pangalawang pinakaprestihiyoso at "well-attended awards" sa United Kingdom, kasunod ng British Academy of Film and Television Awards o BAFTA.

Napanalunan ng Metro Manila ang pinakamataas na karangalan—Best British Independent Film.

Ang direktor naman nitong si Sean Ellis ang napiling Best Director.

Nagwagi rin ang pelikula bilang Best Achievement In Production.

Ang Metro Manila, na ang setting ay sa Pilipinas, ay pinagbibidahan ng Filipino actors na sina John Arcilla, Jake Macapagal, at Althea Vega.

Ang Metro Manila ay kuwento ni Oscar Ramirez (Jake Macapagal) na dinala ang kanyang pamilya sa siyudad upang maghanap ng magandang buhay subalit nasangkot siya sa isang krimen.

Nakakuha rin ng nominasyon sa BIFAs sina John (Best Supporting Actor) at Jake (Best Promising Newcomer), ngunit hindi sila nanalo.

Ang nanalong Best Supporting Actor ay si Ben Mendelsohn para sa Starred Up; ang nagwagi namang Best Newcomer ay si Chloe Pirrie para sa Shell.

Ang Metro Manila ang entry ng U.K. sa Best Foreign Language Film category ng Oscars sa 2014.

Dahil sa pagwawagi ng pelikula sa BIFAs, lumaki ang tsansa nitong makapasok sa final list of nominees ng Academy Awards.

Bukod sa Metro Manila, dalawa pang pelikula na tumatalakay sa buhay ng mga Pinoy o may mga karakter na Pilipino ang entries sa Best Foreign Language Film category ng Oscars.

Ito ay ang Ilo Ilo ng Singapore at Transit ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN