Rocco Nacino says he and Lovi Poe are taking it slow: "Masaya naman kami, so why rush things?"

Bukod sa kanyang personal na buhay ay masaya rin daw si Rocco Nacino sa mga nangyayari sa career niya. Sabi ng Kapuso actor, “Actually, may mga projects akong malamang simulan pagpasok ng 2014. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung anu-ano. Basta… may mga movies. And hopefully, isang teleserye rin na napakaganda na binubuo ngayon ng GMA.”


Wala pa raw naiisip na Christmas gift si Rocco Nacino para sa kanyang leading lady na si Lovi Poe.

Pero biro niya, "Ako naman mismo yung Christmas gift naman para sa kanya! Hindi, loko lang!"

Paliwanag ng Kapuso actor kung bakit hindi pa siya nakakapag-isip ng ireregalo kay Lovi, “Ang hirap kasi lahat na yata meron na siya, e. Pero may balak na rin ako.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi, sinabi nitong pagdating sa mga regalo ay mas naa-appreciate niya kapag pinaghandaan at pinag-isipan ito.

Ano ang masasabi ni Rocco dito?

Natatawang sabi niya, “A, talaga? Naku, ganun pa naman ako pagdating sa pabibigay ng regalo!

“Hindi rin ako mahilig sa mamahaling bagay o gamit, basta yung effort lang at simple lang.”

Anu-ano na ang mga regalong ibinigay nila ni Lovi sa isa’t isa?

Sabi ni Rocco, “Nung birthday niya, kasi kailangan niya ng unan, so binigyan ko siya ng unan.

“At saka mahilig kasi siya sa Friends, yung series.

“So, may pinapunta akong kamag-anak sa Warner Bros. studio, tapos parang nagpalagay ako ng ‘Happy Birthday, Lovi Poe!’

“Ayun, tapos gumawa ako ng AVP [audio-visual presentation].

“Effort!

“Iyon ang gift ko sa kanya.

“Tapos, I also gave her a signed CD nung favorite artist niya—si Sarah Bareilles.”

INSPIRATION. Sa anayam ng PEP kay Lovi, hindi nito itinangging nagiging inspirasyon niya si Rocco nitong mga nakalipas na araw.

Nagbiro pa nga ang aktres na hindi magiging malamig ang Pasko niya dahil sa aktor.

Sagot dito ni Rocco, “Mas lalong hindi malamig ang Pasko ko... same with me.”

Marami ang naghihinalang nagkakamabutihan na sina Rocco at Lovi. Pero ang lagi nilang sinasabi ay “friendship” lang ang nasa likod ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Bakit nga ba ganun?

Sagot ni Rocco, “Because that’s what we are—that’s what we are ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, hindi kami nagmamadali. And we’re happy.

“Well, look at us, masaya naman kami, so why rush things?”

Pero saan kaya papunta ang closeness nilang dalawa ngayon?

“Hindi ko pa alam. Question mark pa,” tugon ng aktor.

Hinahayaan lang nila kung saan sila dadalhin ng special friendship nila?

“Oo, and it will come naman—kung anuman ‘yon.

“Hindi naman dapat ipilit yung mga bagay-bagay, e.”

Dagdag niya, “Katulad ng sinabi ko, kung anuman yung dumating.

“Pero ang importante kasi, masaya ako sa mga nangyayari ngayon.

“Hindi lang sa personal life ko, masaya rin ako sa nagiging takbo ng career ko ngayon.

“Actually, may mga projects akong malamang simulan pagpasok ng 2014. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung anu-ano.

“Basta… may mga movies. And hopefully, isang teleserye rin na napakaganda na binubuo ngayon ng GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN