Marian Rivera happy for Karylle over reported wedding with Yael Yuzon

Bagamat hindi siya nanalo sa Asian Television Awards, ayon kay Marian Rivera, "Yung experience ko doon, sinasabi nga ni Tatay [Tony Tuviera] at ng Triple A na, ‘Anak, bilang nominado ka, malaking bagay na ‘yan.’ Nakakatuwa na kahit hindi [ako] nanalo, sobrang proud sila sa akin. At ayon din sa survey, ako ang pinakabatang na-nominate as Best Actress."


Ikinuwento ni Marian Rivera sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang naging karanasan niya nang dumalo siya sa 18th Asian Television Awards noong December 5 sa Singapore.

Nominado si Marian bilang Best Actress para sa pagganap niya sa Temptation of Wife, ngunit ang nanalo ay ang Taiwanese actress na si Jade Chou para sa Falling.

Highly Commended naman sa parehong kategorya si Lorna Tolentino para sa pagganap nito sa Pahiram Ng Sandali.

Read: Lorna Tolentino, Michael V, Saksi highly commended in 18th Asian Television Awards

Lahad ni Marian, “Yung sa Asian TV, nakakatuwa.

“Isang group kami ng table—sina Kuya Mike [Enriquez]… as in isang group ng GMA. Mga sampu kaming nandoon.

“Nakakatuwa kasi ang sarap ng experience.

“Tapos, pinag-i-spiel nila ako.

“Sabi ko, nakakahiya, ayoko. Nahihiya talaga ako.

“Pero iba ang feeling!

"Kasabay mo mga taga-China, Taiwan, tapos nag-i-speech sila ng kanya-kanyang language.

“Yung experience ko doon, sinasabi nga ni Tatay [Tony Tuviera] at ng Triple A na, ‘Anak, bilang nominado ka, malaking bagay na ‘yan.’

“Nakakatuwa na kahit hindi [ako] nanalo, sobrang proud sila sa akin.

“At ayon din sa survey, ako ang pinakabatang na-nominate as Best Actress.

“So, okay na ako dun. Masaya na ako dun.”



CHRISTMAS WITH DONG. Ilang araw na lang ay Pasko na. May plano na ba si Marian?

Sagot niya, “Sa Christmas, hindi pa talaga namin napag-uusapan ni Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend].

“Pero siyempre, the usual ‘yan—magtsi-Church kami, sa mga Dantes, tapos punta sa mga Rivera.”

Pero kung may magiging iba raw sa Kapaskuhan nila ngayon, ito ay ang usapan nila ni Dingdong na wala munang magbibigay ng Christmas gift sa isa’t isa.

“Sa ngayon, ang usapan namin, walang magreregalo sa isa’t isa.

“Magpo-focus muna kami ngayon sa mga tao na [nasalanta ng bagyo]… wala munang regaluhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nagpunta ako sa Cebu, nagbigay ako ng relief goods… sa bundok-bundok ang pinuntahan ko.

“Sabi ko, in fairness, nakakataba ng puso.

“Nalulungkot sila, pero noong makita nila ako, parang ‘Marian, Marian!’

“Ang sarap ng pakiramdam kapag pinupuntahan mo ang tao at nakikita mo ang ngiti—kahit na nasalanta sila ng bagyo.

“Iba ang feeling kapag na-touch mo ang isang tao.

“So, para sa akin, doon na muna ako.”



KARYLLE’S WEDDING. Bigla namang may nagtanong kay Marian kung ano ang reaksiyon niya sa nababalitang pagpapakasal ni Karylle sa kasintahan nitong si Yael Yuzon, bokalista ng bandang Spongecola, sa 2014.

“Ikakasal na ba siya? Ay, hindi ko alam!

“E, di mabuti... masaya ako para sa kanya,” nakangiting sabi ng Kapuso actress.

Si Karylle ang ex-girlfriend ng kasintahan ngayon ni Marian na si Dingdong Dantes.

Sila ni Dingdong, kailan naman magpapakasal?

Sagot ni Marian, “Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko sa inyo.

“Yun din ang sinasabi ni Dong na, in time.

“Ang hirap kasing sabihin sa sarili na pareho tayong ready, pero, ‘Ano pa ba ang gusto kong gawin?’

“Marami pa akong gustong gawin, lalo na ngayon.

“Pero hindi ko sinasabi na nire-reject ko siya, na ayaw ko.

“Siyempre, lahat ng babae, pangarap ikasal.

“Pero sabi ko nga, in time.

“Kapag nakapagdesisyon na ako, kapag buung-buo na ang desisyon ko na, ‘Oo naman, magpapakasal na ako,’ magpapaganito rin ako—ia-announce ko sa inyo.

“Ganoon kayo [press] kahalaga. Hindi ko ililihim ‘yan.

“Pero ngayon, wala pa naman.”



2013 FOR MARIAN. Magtatapos na ang taong 2013. Paano ito ia-assess ni Marian base sa mga nangyari sa kanya?

“Maraming nangyari sa 2013 ko.

“Maraming nagbukas na pintuan, marami akong naging kaibigan din. Maraming awards… marami.

“At sa 2014, mas marami pa pong nag-aabang. Mas marami pa po kaming gagawin.”

Ano naman ang wish niya para sa 2014?

“Ang wish ko, sana marami ang mag-donate ng bangka. Yun talaga!” pagtukoy ni Marian sa kanyang Kapuso Adopt-A-Bangka Project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Pero siyempre, ang palagi namang hiling, maging masaya, maging maayos ang lahat—pamilya, relasyon ko, at career ko.

“Gusto ko lang palaging masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN