Ritz Azul in no rush to have a boyfriend; inspired by Alice Dixson’s cover for FHM

Ritz Azul on Alice Dixson’s December 2013 cover on FHM Philippines: “At 40s ganun ang katawan, naisip ko tuloy, sana pag ganung 40s na ako, maintain!”


Ayon kay Ritz Azul, marami pang aabangan sa kinabibilangan niyang primetime series sa TV5—ang For Love Or Money.

Sa ngayon, nalalapit na raw matapos kunan ang mga huling eksena ng kanilang programa.

Kuwento ni Ritz, “Nasa week 12 na yung kinukunan namin, hanggang week 13 kami.

“So, baka before Christmas, matapos na yung taping.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Ritz sa backstage ng school tour ng weekly gag show na Tropa Mo ‘Ko Unli, na ginanap sa STI College Cainta, noong December 6.



FOR LOVE OR MONEY. Sa nalalapit na pagtatapos ng For Love Or Money, mas nagiging mainit daw ang bangayan ng mga karakter nila ng co-star niyang si Alice Dixson.

Inamin ni Ritz na nahirapan siya sa ilang mabibigat na eksena na kanilang kinunan.

Sabi ng young actress, “Ang dami na! Actually, nahirapan nga kami.

“Pawis na pawis kami sa mga confrontations scenes namin.”

Bukod sa mga sampalan at sabunutan, ang palitan ng matitinding linya raw ang isa sa dapat pakaabangan ng kanilang mga manonood.

Aniya, “Pero ang gusto ko dun, yung mga lines na talagang tatatak sa mga tao.

“Ang daming mga lines na nagugustuhan ko talagang sabihin, kasi ito yung role na talagang palaban ako as Roselle.”

Gumaganap si Ritz bilang si Roselle, ang may bahay ni Edward na ginagampanan naman ni Derek Ramsay.

Si Alice naman ang gumaganap bilang si Kristine, ang third party sa relasyon nina Roselle at Edward.

Sabi pa ni Ritz, ang karakter ni Roselle ang pinakatumatak sa kanya sa lahat ng nagampanan niyang roles ngayong taon.

“Parang ito yung first time ko na yung as in palaban talaga.

“Si Maita [sa Misibis Bay] kasi palaban, pero parang apihin pa rin siya, e.

“Eto, inaapi pa rin siya, pero siya rin yung sumusugod.

“So, natutuwa ako sa role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kahit siya na mismo ang gumaganap dito, hindi pa rin daw napipigilang mainis ni Ritz sa tuwing napapanood niya sa TV ang mga eksenang kinunan nila.

Aniya, “Ayun, pag nga nanonood ako… nakakainis pala.

“Naiinis ako dun sa mga... bakit kailangan magkaroon ng third party yung mag-asawa?”



FIRST BOYFRIEND. Marami raw natutunan si Ritz pagdating sa relasyon sa kanyang pagganap bilang si Roselle.

Kaya naman alam na raw niya ang kanyang mga gagawin kung sakaling dumating siya sa sitwasyon nito.

Saad ni Ritz, “Para akong nag-mature ng mga two levels… ganun.

“Naintindihan ko na agad kung ano’ng feeling ng may asawa.

“So ngayon, alam ko na kung ano ang dapat kong gawin kung dumating ako sa ganun.”

Paano kung magkaroon nga ng third party sa kanyang magiging unang relasyon?

Sagot ng Kapatid star, “Hindi naman, hindi pumasok sa isip ko na ganun.

“Na baka first boyfriend ko, lokohin ako agad.

“Parang gusto ko kasi laging positive vibes, ganun.

“So, kung iisipin kong yung boyfriend ko—first boyfriend ko—may ganun, baka hindi ako maka-move on agad.”

Sa ngayon, hindi pa rin daw nagkakaroon ng boyfriend si Ritz kaya naman paminsan-minsan ay nagbibiruan na lang sila ng kanyang ina sa tuwing napag-uusapan ito.

“Nag-usap na kami ng nanay ko, e, ‘Ano na? Kamusta na yung mga manliligaw mo?’

“Sabi ko, ‘Wala pa rin!’

“Tinatanong na nga ako ng nanay ko kung, yun nga, kung may friend ako, kung may idine-date na ba ako.

“Sabi ko, ‘Wala, Nay!’”

May ilang nagbabalak at nagpaparamdam na manligaw sa kanya ngunit hindi raw niya mapagbigyan ang mga ito dahil na rin sa kanyang trabaho.

Hindi rin naman daw niya minamadali ang pagkakaroon ng boyfriend.

Sabi ni Ritz, “Yung For Love Or Money sabay, tapos yung Tropa Mo ‘Ko Unli.


“Masaya ako ngayon kasi may shows ako, hindi ako natetengga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung boyfriend, dadating din ‘yan. Kung sumabay man siya sa shows mo, dapat alam mong balansehin kung papa’no.

“Hinihintay ko lang talaga. Ayokong manguna ako.”

Sino naman kaya ang mga manliligaw na tinutukoy niya?

Sagot ng young actress, “Ano, mga friends-friends.

"Alam mo naman yung mga friends-friends na nagpaparamdam [pero] dun na rin papunta, ganun.”



ALICE DIXSON’S FHM COVER. Samantala, tinanong din ng press si Ritz tungkol sa magazine cover ng co-star niya na si Alice Dixson para sa FHM Philippines.

Ito ang unang beses na nagpaunlak si Alice na mag-pose nang sexy para sa isang magazine sa loob ng kanyang 30-year showbiz career.

VIEW GALLERY: December Cover Girl Alice Dixson breaks another FHM record

Hindi naman itinanggi ni Ritz na nais din niyang maging katulad ni Alice pagdating niya sa edad nito.

Sabi ng 19-year-old actress, “At 40s, ganun ang katawan, naisip ko tuloy sana pag ganung 40s na ako, maintain!

“Yung nanay ko, 40s na pero iba na yung katawan niya.”

Dahil dito, na-inspire si Ritz na magsimula nang mag-workout upang ma-maintain ang kanyang figure.

“Iniisip ko kailangan ngayon pa lang, i-invest na yung gusto mo in the future.

“Tapos, yun nga din yung sinabi sa akin ni Ms. A, sabi niya mahilig nga daw siyang mag-workout.

“So, na-inspire ako. Parang ina-admire ko na ganun siya. Parang pursigido siya na gawin maganda.

“Kasi pag maganda yung [pang]labas mo, makikita din yung disiplina sa sarili mo.”

Naging cover girl na rin ng FHM si Ritz noong November 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN