PEP EXCLUSIVE. Glenda Garcia overwhelmed by positive comments after revealing she has breast cancer

Glenda Garcia on battling cancer: “Gusto ko lang iparating sa marami na hindi rason ang sakit na ito para hindi na tayo kumilos at maging masaya. Tuloy lang ang laban dahil sa nakikita ko sa mga taong natutulungan ko, hindi ko sila nakitang nanghina kundi parati silang masaya at patuloy ang pakikipaglaban sa buhay.”


Labis na natuwa ang aktres na si Glenda Garcia sa mga mensahe mula sa readers ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos lumabas ang artikulo tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa breast cancer kahapon, December 8.

Read: Glenda Garcia bravely battles breast cancer that struck eight years after she first volunteered to help patients fighting the disease

Ayon kay Glenda, “overwhelming” ang pakiramdam na marami ang nakaka-relate sa pinagdaraanan niya ngayon at magiging inspirasyon sa iba.

“Nakakagulat ang mga comments mula sa mga nakabasa ng article.

“Puro positive lahat kaya maraming salamat sa mga prayers nila.

“Mas lalo akong lumalakas dahil sa mga magagandang sinasabi nila.

“Kaya from the start, positive na ang outlook ko sa buhay kahit na nalaman kong may ganito akong sakit.

“It only goes to show na hindi natin alam ang mangyayari sa buhay natin.

“Only God knows what will happen.

"At kailangan nating tanggapin ito and just be positive about everything kahit alam nating masakit tanggapin.”

Nakausap muli ng PEP si Glenda, sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook, ngayong araw, December 9.



THE DISCOVERY. Ang pag-post ni Glenda ng mga larawan sa Instagram at Facebook account niya ay isang journal sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Saad niya, “Dyino-journal ko lahat ng nangyayari sa akin through photos dahil gusto kong maging inspirasyon ako sa marami.

“Akala kasi ng iba, kapag may cancer ka na, parang katapusan na.

“Hindi dapat ganun dahil kailangan ay normal pa rin ang takbo ng buhay.

“Tulad ko, nagtatrabaho pa rin ako at yun ang ipinapasalamat ko sa Panginoon.”

Kasalukuyang napapanood si Glenda sa GMA primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Ikinuwento rin ni Glenda sa PEP kung paano niya nadiskubre na mayroon siyang breast cancer.

“It was my usual check-up. Every year naman, ganyan ako.

“Nagulat na lang ako na ganito ang lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-detect nga sa result ng biopsy na invasive carcinoma.

“Kaagad kong tinawagan ang nanay ko at naiyak siya.

“Tinawagan ko rin ang ibang mga kapatid ko, at lahat sila pumunta sa bahay ko at nagyakapan kaming lahat.

“Yung anak kong si Carlo, nasa school pa siya that time at exam week, kaya pinatapos ko muna lahat ‘yon bago ko sabihin sa kanya.

“Noong magpa-early dinner ako sa family ko, dun ko sinabi kay Carlo na yung dinner na iyon ay Thanksgiving dinner dahil kailangang magpasalamat tayo sa Diyos dahil na-diagnose kaagad ang sakit ko.

“Naiyak ang anak ko at di rin makapaniwala, pero I assured him na gagaling ako.

“Kaya ko gusto talagang gumaling... sabi ko sa Diyos, ‘Para kay Carlo ito, kasi 13 years old pa lang siya.’

“Kaya naman matapang akong nakikipaglaban sa cancer ko.”

Sabi pa ni Glenda, “Very positive ako.

“Sabi ko nga, kailangan lang alam mo kung ano talaga ang essence ng buhay, then move forward.

“Hindi ako nahihiya na kalbo ako dahil ito ang naglalarawan ng pagiging matapang ko.

“Cancer should not stop you from doing the things that make you happy—life goes on.

“Lalo mo dapat ma-appreciate ang buhay, ang bawat umaga.

“And if you could make a difference in the life of other people, it would be better.”



CANCER SURVIVOR. Iknuwento rin ni Glenda na may kapatid siyang nagkaroon ng breast cancer, at ngayon ay isa na itong cancer survivor.

“Yung kapatid kong sinundan ko, four years na siyang breast cancer survivor.

“Kaya nga hinihiling ko sa Diyos sana matapos na sa akin at huwag nang magkaroon ang iba kong kapatid at ang mga anak namin, kasi mahirap ang sakit na cancer.”

Payo ni Glenda sa marami na magpa-check up parati, lalo na kung mayroon silang nararamdaman sa kanilang katawan na hindi tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Importante yung ma-detect siya nang maaga para mabilis na magamot.

“Masuwerte lang ako dahil zero stage pa kaya nagawan ng lunas.

“I’m going through my second cycle of chemotherapy and, so far, okey naman ang lahat.

“Kailangan lang na malakas ang ating loob at malakas ang panalangin sa Diyos.

"Through that, we can beat cancer,” saad pa niya.



VOLUNTEER WORK. Kahit may pinagdadaanang sakit ngayon si Glenda, hindi ito naging hadlang para hindi niya ituloy ang pagtulong sa Philippine Foundation for Breast Care Inc.

Isa si Glenda sa tumutulong sa mga breast cancer patients ng East Avenue Medical Center mula pa noong 2005.

Hindi niya in-expect na eight years after, ngayong 2013, ay siya naman ang makakaranas ng naturang sakit.

Noong December 5, Huwebes, ay nagkaroon sila ng Christmas party kunsaan 151 breast cancer patients ang dumalo; kasama na ang ilang staff, volunteers, at guests.

Natuwa si Glenda dahil sa tulong ng co-stars niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Saad niya, “Nakakatuwa dahil nagbigay si Cesar Montano ng P50,000 para sa Christmas party na in-organize namin for the cancer patients. At dumating talaga siya para maki-party sa amin.

“Dumating din sina Charee Pineda, Ina and Ana Feleo, at Selina Sevilla.”

Hindi man nakarating sina Lovi Poe, Gloria Romero, at Liza Lorena, nagpadala raw ang mga ito ng kanilang contribution sa raffle.

“Sobrang pinasaya nila ang mga cancer patients sa araw na iyon at ang laki ng pasasalamat ko sa mga kaibigan natin sa trabahong ito.

“Gusto ko lang iparating sa marami na hindi rason ang sakit na ito para hindi na tayo kumilos at maging masaya.

“Tuloy lang ang laban dahil sa nakikita ko sa mga taong natutulungan ko, hindi ko sila nakitang nanghina kundi parati silang masaya at patuloy ang pakikipaglaban sa buhay,” saad ni Glenda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN