Zsa Zsa Padilla still optimistic about Dolphy being declared National Artist: “Oo naman, marami pa namang pagkakataon.”

Zsa Zsa Padilla on missing Dolphy: “Noong una akong nakarinig ng Christmas song, noong nagsu-Zumba, ‘Ano ito?’ Naramdaman ko masakit pa rin. Ganoon talaga, e, ang hirap maka-recover... madali lang sabihin na we are fine.”


Bilang pagkilala sa kontribusyon ng yumaong Hari ng Komedya sa industriya ng Pelikulang Pilipino, nagpalabas ang Philippine Postal Corporation ng Dolphy commemorative postage stamps noong Nobyembre.

Nagpapasalamat at natutuwa naman ang partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa magandang kinalabasan ng Dolphy commemorative stamps.

Aniya, “Ang ganda-ganda ng stamp kasi yung background niya, pati yung mga poster niya, tapos nakaganyan, yung picture niya, masaya.

“We all would like to remember Dolphy.

“Special edition lang ito so sa mga interesado, available po ito sa post office.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Zsa Zsa noong Linggo, December 8, sa ASAP.


NATIONAL ARTIST. Samantala, noon pa man ay umaapela na ang marami na gawing National Artist si Dolphy pero hindi pa ito natutupad.

Sa parte naman ni Zsa Zsa, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na maibigay ang mataas na karangalang ito kay Dolphy.

Sabi niya, “Oo naman, marami pa namang pagkakataon, hindi ba?

"So, kung talagang para sa kanya, lalong ikatutuwa ng aming pamilya.”

Noong 2010 ay ginawaran ni Pangulong Noynoy Aquino si Dolphy ng Grand Collar of the Order of the Golden Heart.

CHRISTMAS. Ayon kay Zsa Zsa, ramdam pa rin niya ang dalamhati sa pagpanaw ni Dolphy.

Balak nga raw niyang pumunta muna sa Amerika ngayong Kapaskuhan para maibsan ang kanyang kalungkutan.

“I wanna be with my family in Las Vegas.

“Okey naman, pero noong una akong nakarinig ng Chrsitmas song, noong nagsu-Zumba, ‘Ano ito?’

"Naramdaman ko, masakit pa rin.

“Wala pa rin kaming Christmas decors sa bahay, choice pa rin namin na umalis.

“Ganoon talaga, e, ang hirap maka-recover—madali lang sabihin na we are fine.

“Yung mga anak ko, pati mga anak ni Dolphy, sinasabihan to move forward sa buhay, pero siyempre, madaling sabihin, e.”

Dahil sa kanilang pagbabakasyon, wala pang katiyakan ang pagbabalik-serye ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakasyon na muna ako, hopefully next year, makatrabaho na uli sa soap opera,” sabi ng singer-actress.


WEDDING ARRANGEMENTS. Natanong din ng PEP si Zsa Zsa tungkol sa balitang magpapakasal na ang panganay niyang anak na si Karylle sa kasintahan nitong si Yael Yuzon.

Hindi naman ito makumpirma ng Divine Diva dahil wala pa raw sinasabi sa kanya si Karylle.

Sabi niya, “Di ko alam, she’s of age na naman para magdesisyon, nasa sa kanya na yun.

“I mean, he’s [Yael] nice and I see na masaya naman sila together… wala pa naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN