Dawn Zulueta awaits new material for comeback movie with Richard Gomez

Ipinaliwanag ni Dawn Zulueta kung bakit niya tinanggihan ang comeback movie sana nila ni Richard Gomez. Sabi niya, “Ang feeling ko talaga, yung material, hindi talaga nasa-swak sa aming dalawa as a loveteam for a comeback. This is just a part of me na want to rest a little bit of doing such kind of role.”


Hindi na muna tuloy ang napabalitang comeback movie nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Kinumpirma ito ni Dawn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya bilang endorser ng American Home noong December 6, Biyernes, sa SM Mall of Asia.

Ano ba ang nangyari sa project na yun?

Paliwanag ni Dawn, “Well, tuloy pa rin naman ‘yan, kasi we are under contract.

“It is a wonderful project, a very good story, the casting is perfect, but I just felt that the material itself…

“Parang Richard and I, we’ll have to wait a more bagay na material para sa comeback movie naming dalawa as partners.

“Wala akong problema sa material and, for me, maganda talaga siya.

"Maski na yung role na dapat gagampanan ko talaga, maganda talaga.

“Pero, parang I just feel na after twenty years na magka-comeback ang loveteam namin ni Goma [Richard] in the silver screen, I just felt na, for me, it must be another piece of material na mas mukhang babagay para sa aming dalawa.

"Kaya mag-antay na lang ako."

Huling nagkasama sa pelikula sina Dawn at Richard sa Filipinas (2003), ngunit magkapatid ang roles na ginampanan nila.

Ang huli namang pagtatambal nila sa pelikula ay ang Saan Ka Man Naroroon noong 1993.

Muli silang pinagtambal sa ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan noong 2012.

Hindi kaya nagawa na nila ni Goma ang material noon kung kaya’t tinanggihan ni Dawn ang proyekto?

Sagot ng 44-year-old actress, “Hindi naman sa nagawa ko na.

“Para lang, for me, hindi pa talaga natataon at nababagay para sa comeback vehicle namin ni Goma.

“Ang feeling ko talaga, yung material, e, hindi talaga nasa-swak sa aming dalawa as a loveteam for a comeback.”

Ano naman ang reaksiyon ni Dawn na si Gretchen Barretto daw ang pumalit sa role na tinanggihan niya sa pelikula nila dapat ni Richard?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Well, I heard about it.

"It could be anyone naman and, like I said, it is a very nice project.

“The roles are very good at maganda talaga kahit sinuman, e, magugustuhan talaga ang role na yun.”



NEW TELESERYE. Biglang bawi agad ni Dawn na tuloy pa rin naman ang tambalan nila ni Richard sa isang teleserye pagkatapos ng Walang Hanggan.

Aniya, “Meron naman kaming gagawing teleserye ni Richard.

“Which, I think, magpa-pilot taping pa lang kami dapat this September, na ang title, You’re My Home.

“And then, kasama na nga namin sina Shaina Magdayao, Cherry Pie Picache, Iza Calzado, at marami pa.”

Mas gusto ba niya ang gagawin nilang teleserye ni Goma kaysa sa gagawin sana nilang pelikula?

Sagot ni Dawn, “I don’t want naman to preempt. Kumbaga, ayokong pangunahan ang production.

"But let us put it this way, medyo heavy siya na drama, and I just came from doing Bukas Na Lang Kita Mamahalin na heavy rin.

“And siguro, this is just a part of me na want to rest a little bit of doing such kind of role.”

EPIC MOVIE. Kinumpirma rin ni Dawn na mayroon pa silang ibang pelikulang gagawin ni Richard—ang Sugo.

Kuwento niya, “And there is this kind of movie na I will doing also for INC [Iglesia Ni Cristo].

“But for me, it is the material talaga kung bakit hindi ako natuloy sa movie namin ni Richard.”

Katatapos lang daw nila ng pre-production meeting para sa Sugo.

Ito kaya ang rason kung bakit tinanggihan niya ang Star Cinema movie nila ni Richard?

Paglilinaw ni Dawn, “Well, I won’t consider this as our comeback vehicle because this is bigger than that.

Sugo is for the 100 years of Iglesia Ni Cristo, so this is not about me and Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And for me, this is for the INC.

"It is a big cast at hindi lang kami ni Richard dito.

“This is an epic film.

"I don’t consider this as our comeback as loveteam, hindi po.

"This is about the history of Iglesia Ni Cristo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN