PEP EXCLUSIVE. Veteran actress Boots Anson-Roa on wedding with Atty. King Rodrigo: “Ang puso ay hindi tumatanda.”

Nagsimula sa pagiging magkaibigan sina Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo, at makalipas ang ilang taon pagkatapos yumao ng kani-kanilang mga asawa ay umusbong ang pagmamahalan sa pagitan nila. Sa June 14, 2014 gaganapin ang pag-iisang dibdib ng 68-year-old actress at 74-year-old lawyer.


“Ang puso ay hindi tumatanda.”

Ito ang may kilig at nakangiting bungad na pananalita ng veteran actress na si Boots Anson-Roa nang mahingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ekslusibong panayam tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Nakausap ng PEP si Boots noong Biyernes, December 6, sa presscon ng Metro Manila Film Festival New Wave Category sa Sequoia Hotel, Quezon City.

Dalawang linggo na ang nakararaan nang ianunsiyo ni Boots, 68, at ng kanyang mapapangasawang si Atty. King Rodrigo, 74, ang nakatakda nilang pagpapakasal sa susunod na taon.

Si Atty. King ay anak ng yumaong senador na si Francisco "Soc" Rodrigo.

A LOVE STORY. Ayon kay Boots, na siya ngayong tumatayong Mowelfund president, matagal na silang magkakilala ni Atty. King.

“Yeah, family friends, family friends yung mga Rodrigo at yung mga Anson at Cristobal.

"Ang barkada ko talaga ay yung dalawang mas batang kapatid niya.

"E, siya yung kuya-kuyahan namin noon.”

Dagdag ni Boots, “And noong nabiyudo siya, nabiyuda ako, three years ago pa, sini-setup na kami ng mga kapatid namin, pero walang nangyari. Clueless kami.

"Hanggang ito na lamang, early this year, noong namatay yung kanyang anak at nag-attend ako ng wake… nung memorial, yun, dun nagsimula ulit.”

Ang unang asawa ni Boots na si Pete Roa ay sumakabilang-buhay noong August 9, 2007 dahil sa stomach cancer.

Read: Pioneer TV host of the ’60s Pete Roa passes away August 9

Patuloy na kuwento ni Boots, “Talagang magkaibigan lang.

"Yung misis niya at siya, at kami ng yumaong asawa ko at ako, family friends kami.

"Tinulungan nila kaming mag-asawa, tinulungan nila kami nung magki-kidney transplant yung anak namin.

"They gave us advice, kasi kidney transplant case din si Mrs. Rodrigo, e, yung yumaong Mrs. Rodrigo.”

Magkaeskuwela rin daw sa Ateneo si Atty. King at ang yumaong mister ni Boots.

THE WEDDING. Wala naman daw pagtutol ang mga anak nina Boots at Atty. King sa kanilang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Boots ay may apat na anak, kabilang ang TV host na si Chiqui Roa-Puno.

Si Atty. King naman ay may limang anak, kabilang na ang isang namatay ngayong taon.

Sa Enero 2014 gaganapin ang tradisyunal na pamamanhikan ng mga Rodrigo sa mga Roa.

Pareho na ring nakapagpaalam sina Boots at Atty. King sa kani-kanilang mga yumaong asawa.

Dumalaw raw sila pareho sa mga puntod nito at humingi ng blessing sa kanilang nakatakdang pag-iisang dibdib.

Kuwento pa ni Boots, “Uhm, well, straightforwardly, nagpasalamat kami for the guidance nila, inspirasyon nila.

"At in-affirm namin na kahit wala na sila, siyempre yung pitak sa puso namin para sa isa’t isa sa kanila ay hindi naman mawawala. Nandun yun.

“We asked them for their blessings, and humingi kami ng intercession nila para sila yung aming lobbyist dun sa langit.

"And for their guidance kahit wala sila dito.

"And para yung future life namin as husband and wife will be blessed.”

Tungkol naman sa kasalan, hindi naman daw naisip ni Boots na maging June bride.

Nagkataon lang daw na June 14 ang 75th birthday ni Atty. King kaya isasabay na rin nila ang kanilang kasal.

Lahad ni Boots, “Actually, puwede kahit anong buwan, kaya lang birthday niya ng June 14, so isasabay na lang sa birthday niya.

“And we want this blessed in church by a wedding.

"Yung mga iba kasi, sabi, ‘O, magtanan na lang kayo, mag-get together na lang kayo.’

"Sabi namin, ‘No, hindi. Dapat merong formality na ina-approve ng God at approved by man.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN