Maggie Wilson brushes off “hitting-the-jackpot” talks after marrying construction magnate Victor Consunji

Maggie Wilson on make-up business: “I realized na ang laki ng nagagawa ng make-up. If I teach them, gusto ko may pinag-aralan talaga ako about makeup—love ko siya. I enjoy putting makeup on myself, I enjoy putting makeup on other people.”


Bagamat dalawang taon nang kasal at may anak na, hindi pa rin tinatantanan ng intriga ang actress-beauty queen na si Maggie Wilson.

Sinasabi kasi ng ilan na "naka-jackpot" si Maggie dahil sa pagpapakasal niya sa construction magnate na si Victor Consunji.

Ikinasal sina Maggie at Victor noong December 18, 2011, sa isang beach sa Legazpi, Albay.

Isinilang naman ni Maggie ang una nilang anak noong 2012.

Read: Maggie Wilson on her wedding to Victor Consunji: "It was such a beautiful wedding that even the heavens cried for us."

Tugon ni Maggie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, naka-jackpot naman talaga ako sa husband ko.

“Kasi, you know, he’s hardworking, he’s very driven, he’s so goodlooking.

“Siguro kung money lang ang habol ko, hahanap ako ng mas mayaman, di ba, if that’s the case.

“No, my husband spoils me and treats me like a princess. I’m very lucky.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maggie sa launching ng MAC AID Fund noong December 4, sa Glorietta 3, Makati City.



STILL WORKING. Nasa construction business ang pamilya ni Victor kaya marami ang nagsasabing hindi na raw kailangang magtrabaho ni Maggie.

Pero kontra ni Maggie, “Siyempre, iba pa rin yung perang kinikita mo na sarili mo.

“It’s not fun to ask money from your husband.

"Parang, ’Baby, can I? I need to buy something.’

“There are times na yung perang na-save ko from acting, yun pa rin ang ginagamit kong pang-shopping.

“Kasi, I don’t want my husband to think na siyempre, wala akong ginawa, all I have to do is shop?

“Pag may gusto ako, minsan pera ko pa rin ang ginagamit ko.

“I don’t like… nasanay kasi ako ng work-work and then I had my own money.

“And siyempre, now it’s different and I’m married.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m still not used to that fact na my husband is supposed to provide for me.

“Or he’s supposed to provide everything for me—I don’t like that feeling.”

Hindi ba dapat ganoon talaga ang maging sitwasyon—na ang mister ang magpo-provide ng pangangailangan ng kanyang misis at ng pamilya?

Sagot ni Maggie, “Yeah, obviously, when you get married, your husband is supposed to provide for you—and he does naman.

“When I ask for something, he gives me naman.

"Pero there are times na gusto ko, sarili kong money yung nagagastos ko.

“Masarap yung feeling na ganoon na pinaghirapan mo yung money, kung ano yung binili mo, gift mo na yun para sa sarili mo.”

Binibigyan ba siya ng kung anu-anong regalo ni Victor?

“He does naman, he does. I’m spoiled. I’m very lucky.”

Ibig bang sabihin, hindi niya madalas magalaw ang sarili niyang pera?

Sagot ni Maggie, “Hindi, nagagalaw ko rin.

"Like, if I wanna buy my parents something, siyempre money ko yung gagamitin ko.”


PLAIN HOUSEWIFE. Puwede bang maging plain housewife na lang si Maggie dahil maykaya naman ang kanyang asawa?

Sabi niya, “No, I don’t think so.

"I don’t think there can ever be a time na uupo lang ako sa bahay at wala akong gagawin.

“Hindi ko kaya, mababaliw lang ako. I need to be doing something.

“Oo talaga. Kasi yun nga, ilang years akong nag-work, since fourteen years old lang ako, then I got married at twenty-one.

“So, all that time, I was working every day, workaholic, tapos biglang uupo na lang ako sa bahay?

“So, hindi puwede, sayang naman ang beauty ko!”

Hinahanap pa rin niya ang trabaho?

“Oo, always, always ko nang hahanapin yun,” sabi ng 24-year-old actress-beauty queen.

Paano niya ilalarawan ang kanyang buhay ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Quiet but happy.

"Happy ako na medyo tahimik nang konti ang life.

"Plus, of course, wala nang intriga.

“You know, I really don’t have to care so much about what other people think about me, kasi I’m happy with my life.”



MISSING ACTING. Pero aminado si Maggie na sabik siyang humarap muli sa kamera para umarte.

Ang huling acting project ni Maggie ay ang dating primetime series ng GMA na Beauty Queen (2010).

Pag-amin ng former Bb. Pilipinas-World titleholder, “Nami-miss ko ang acting.

“I don’t mind going back to it actually, pero ang tagal ko ring nawala.

“Three years? Ewan ko kung kilala pa ako ng mga tao.”

Dati nang sinabi ni Maggie na pag malaki na ang anak niya, posibleng bumalik siya uli sa acting. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito natutupad.

Paliwanag niya, “Travel kasi ako nang travel, e.

“I’m out of the country at least once a month.

"Nagkakataon lang na tumatawag yung trabaho pag paalis na ako. So, hindi ko na puwedeng tanggapin.

“I did a lot of travelling these past years.”



SCHOOLING. Ang pagbibiyahe ni Maggie ay may kinalaman sa pinasukan niyang propesyon nitong mga nakaraan taon matapos niyang mag-asawa.

Saad niya, “I just graduated from make-up school and I got a diploma course from MakeUp Designory in Serendra, so medyo I was busy for a while.

“Happy naman ako... slowly, slowly starting to do makeup.

“Love ko siya, kasi I trained beauty queens every year sa Binibini [Binibining Pilipinas] sa camp namin.

“And I realized na ang laki ng nagagawa ng makeup.

“If I teach them, gusto ko may pinag-aralan talaga ako about makeup—love ko siya.

“I enjoyed putting make up on myself, I enjoy putting makeup on other people.

“Masaya siyang tingnan before and after sa photos na nagagawa mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SWIMSUIT LINE. Maliban sa pagme-makeup, nagsimula na rin daw ng kanyang swimsuit line si Maggie.

“I have a business, my own business, and he [Victor] supports me naman.

“Hindi ninyo lang ako nakikita dahil wala ako sa TV, all behind the scenes lang ako.”

Suportado naman daw siya ng kanyang asawa sa bagong propesyong pinasok niya.

Ani Maggie, “Keri lang siya… I’m sure he’s happy that I’m doing something, di ba?

“Saka I’m also blogging now, I have a blog.

"And that’s what keeping me busy, that’s generating a lot of my income now.”

Kahit hindi nag-aartista ngayon si Maggie, hindi naman daw siya pinagbabawalan ni Victor na dumalo sa mga gusto niyang puntahan.

Sabi niya, “He allows me to go to events every now and then.

“He doesn’t mind me doing a guesting.

"Basta kung saan ako happy, doon din naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN