Wala raw reklamo si Jessy Mendiola kahit pa nagtrabaho siya nitong holidays.
Kasalukuyang umeere ang primetime teleserye niya sa ABS-CBN, ang Maria Mercedes, na nagsimula noong Oktubre.
Kaya nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya ise-selebra ang Pasko, ang sagot ng dalaga, “Birthday plans ko nga nawala dahil naghahabol kami for Maria [Mercedes].
December 3 ang kaarawan ng Kapamilya actress.
Pagpapatuloy ni Jessy, “But if I have to work on my birthday, then fine… it’s a blessing,” lahad niya.
Noong kaarawan niya ay nag-post si Jessy ng larawan sa kanyang Instagram account na @senorita_j kung saan nagwi-wish ito sa harap ng kanyang birthday cake.
Ito ang caption ng larawan: "I must admit this year has been crazy but it was all worth it. Thank you, God. #21 #blessed"
WISHES. Nitong nakaraang Pasko, inilaan niya ang oras para sa kanyang pamilya.
Dahil nakausap namin siya bago mag-New Year, sabi nito sa plano niya para sa Bagong Taon, "I’m not sure yet, pero baka ite-take advantage ko na yung time magpahinga,” pahayag ni Jessy.
At kung may wish siya, ito ay para sa ibang tao.
Una, “Sana makasama ko ang family ko nang mas matagal kasi last year, nagtrabaho rin ako nung Christmas break.”
Pangalawa, “Sana maging masaya lahat tayo at bumangon lahat ng tao from Yolanda.”
Marami ang sinasabing humahanga kay Jessy—kagaya nina Jake Cuenca, Jeric at Jeron Teng, at Sam Milby—pero nilinaw ng aktres na hindi niya prayoridad ang pag-ibig dahil sa kanyang career.
Pero hindi rin daw niya mamasamain kung mayroong magpapakilig sa kanya.
“I’m really happy with my work. Sana man lang kiligin man ako nang konti..."
Nang hiritan siya ng press na parang nagpapahaging itong handa na siyang magkaroon ng lovelife, hirit ni Jessy, “Puwedeng kiligin muna, huwag muna ma-in love?
“Kasi mahirap ma-in love,” sabi ng magandang dalaga.
