Ritz Azul thankful for her three primetime shows in 2013: "Bihira mangyari ‘yun sa mga artista."

Ritz Azul will join her family in their yearly tradition of a simple gift-giving program for the people in her hometown in Pampanga during Christmas.


Ang taong 2013 na nga raw ang pinaka-busy para sa TV5 drama princess na si Ritz Azul.

At hindi raw nito inalintana ang pagod dahil naging maganda ang takbo ng kanyang career.

Pahayag ng 19-year-old star sa nararamdaman, “Masaya, kahit medyo stressful dahil sa sunud-sunod na trabaho, na taping.

“Yung physical lang naman yung napapagod.

“Pero yung inner ko, parang lumulutang ako sa saya kasi hindi ako nahinto."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa backstage ng school tour para sa Tropa Mo ’Ko Unli, sa STI College Cainta, na ginanap noong December 6.



FRUITFUL YEAR. Sunud-sunod ang naging primetime drama projects ni Ritz para sa taong ito.

Una siyang lumabas sa fantaserye ng TV5 na Kidlat, kasama si Derek Ramsay.

Ang kanyang second major project sa taong ito ay ang Misibis Bay, kung saan nakasama niya sina Christopher De leon at ang ngayo’y Miss World 2013 na si Megan Young.

At ngayon, kasalukuyang pinapalabas ang kanyang third primetime series, ang For Love Or Money, kung saan nakatambal niyang muli si Derek at nakatrabaho naman si Alice Dixson.

Bukod dito, kasama rin si Ritz sa weekly gag show ng TV5—ang Tropa Mo ‘Ko Unli.

Ipinagpapasalamat ni Ritz na maganda ang takbo ng kanyang career para sa taong ito.

Aniya, “Parang matatawag ko siya na ’siksik-liglig’ ngayon.”

Pasasalamat pa ng young actress, “Bihira mangyari ‘yun sa mga artista, sa dami ng artista.

“Sobrang blessed ako, and I thank TV5, I thank God. Tsaka sa pagtitiwala sa akin.”

Ang TV5 primetime series na Misibis Bay ang isa sa naging highlight ng kanyang 2013. Ito ang unang project ni Ritz kung saan sa karakter niya umiikot ang istorya.

“Kung titingnan, yung Misibis Bay yung [tumatak] sa akin, kasi lead ako doon.

“Pero ang tinitingnan ko kasi sa mga shows ko, kung ano yung nagawa ko nang maayos, na masayang-masaya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa projects, pinasalamatan din ni Ritz ang mga taong walang pagod na tumulong sa kanya upang mas lalo pang humusay ang kanyang pag-arte.

“So far, masaya ako sa lahat, kasi ang daming tumutulong sa akin sa acting.

“From boss hanggang sa mga staff ng sa taping, talagang binabantayan ako.

“Lalo na si Direk Mike [Tuviera], Direk Monti [Parungao], at si Direk Mac [Alejandre].



CHRISTMAS GIFT. Sa darating na Pasko, isang maliit na programa raw ang hinahanda ni Ritz at ng kanyang pamilya na gaganapin sa Pampanga, kung saan mamimigay sila ng mga regalo sa kanilang mga kababayan.

“Yearly, meron kaming ginagawang maliit na program sa ‘min, sa Pampanga.

“Nagpo-promo kami, namimigay kami ng mga isang sakong bigas, mga ganun, mga kitchen utensils.”

Kung siya naman ang bibigyan ng regalo, hindi daw mahalaga kung mamahalin ang mga ito.

“Gusto kong makatanggap ng gift, pero galing sa puso nung tao.

“Kahit ano, kahit maliit na bagay.

“Hindi ako masyadong ano kung mahal yun o mura. Basta yung effort.

Dagdag pa ng Kapatid talent, “Gusto ko makatanggap ng gift, kasi minsan lang ako tumatanggap ng gift.”

Ang sunod na tinanong ng press ay kung nakatanggap ba siya ng regalo mula sa kanyang mga manliligaw.

Sagot ni Ritz, “Oo naman, nakatanggap na ako.”

Sinabi ni Ritz na ang pinakapaboritong regalong natanggap niya ay isang branded na bag. Kalaunan ay sinabi rin nito na Louis Vuitton ang bag na natanggap niya.

Lumabas sa PEP noong October 21 na gustong makatanggap ni Ritz ng isang mamahaling bag ngayong Pasko.

READ MORE: PEP Gift Guide Day 77: Ritz Azul wishes for a signature bag

Hindi naman sinabi ni Ritz kung sino ang nagregalo sa kanya nito.



BACK TO SCHOOL. Samantala, isa sa mga binabalak gawin muli ni Ritz ay ang mag-aral.

Bago ito sumali sa talent search ng TV5, ang Star Factor, kumukuha siya ng Bachelor of Science in Accountancy sa Lyceum of the Philippines University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pansamantala muna siyang tumigil sa pag-aaral upang makapag-focus sa kanyang showbiz career.

Sa pagbisita nila sa mga eskuwelahan para sa Tropa Mo ‘Ko Unli, muling na-miss daw ni Ritz ang mag-aral kaya napaisip siyang tapusin na ang kanyang nasimulan.

“Naisip ko ‘yun, lalo na nung first namin mag-school tour sa CEU [Centro Escholar University].

“Kasi dun nag-aral yung bestfriend ko, so naalala ko dito siya nag-aral. ’Tapos, ‘Sana nag-aaral din ako ngayon.’

“Parang nami-miss ko din yung gumawa ng assignments, gumawa ng projects.

“Yung mga gagawa ka ng mga group study.”

Ngunit nanaig ang panghihinayang ni Ritz sa mga trabahong dumarating sa kanya ngayon, kaya gusto daw niyang tanggapin ang lahat ng offers sa kanya.

“Yung opportunity na kasi, once lang. So, sayang nga kasi yung opportunity sa showbiz.

“’Tsaka gusto ko umarte, masaya ako sa pag-arte.

“Kailangan ko nga lang i-sacrifice yung gusto ko ding mag-aral.”

Tuloy, sinusubukan muli ni Ritz humanap ng paraan upang maipagpatuloy din ang kanyang pag-aaral.

Kuwento ng young star, “Naghahanap na din ako ng mga home schooling o kaya mga short courses.

“Pero, sa nakikita ko sa ngayon, sa taon na ‘to, parang hindi ko siya kaya.

“Siguro malapit na, pero gusto ko rin mag-train sa sarili ko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN