Regine Velasquez continues to lend her voice to relief and rehabiliation efforts for Yolanda victims

Ngayong Pasko ay wala na raw nais pang hilingin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Ang tanging gusto na lang daw niya ay magpasalamat. “Thank you na lang, despite sa lahat ng nangyayari sa atin ngayon, nandito pa rin tayo. We’re still moving on. Siguro ang prayer ko na lang for all of us not to lose hope. Kasi nandiyan lang naman lagi si God watching over all of us.”


Nagpapasalamat si Regine Velasquez sa lahat ng tumangkilik at bumili ng kanyang latest album, ang Hulog Ka Ng Langit, mula sa Universal Records (UR).

Sa loob lamang kasi ng dalawang linggo matapos itong mailabas sa market, humigit-kumulang sa 15,000 copies na ang nabenta, ayon sa UR.

Kaya naman nitong Linggo, December 8, ginawaran na agad ng Platinum Award ang Asia’s Songbird sa Sunday All Stars ng GMA Network.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti ni Regine, bilang pagpapakita ng kanyang kasiyahan sa natamong award, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew ng GMA.

Saad niya, “I’m very happy kasi parang marami naman ang nag-abang. Kasi, maganda rin dahil parang pang-regalo.

“So, maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta ng album.

“It’s not only for mommies like me, I’m putting a lot of love songs, so everyone can enjoy it.”

Tatlong taon na mula nang ginawa ni Regine ang huli niyang album, ang Fantasy, at ngayon lang siya nakabalik sa recording scene.

Paliwanag ng singer-actress, “Kasi nabuntis ako. I rested.

“And then, I had a hard time going back.

“I had a hard time doing the album actually, kasi nahirapan akong kumanta uli.

“Pero it was very personal… yung album sa akin.

“At halos lahat ng mga songs na nandun, dedicated sa aking anak—si Nate.”

Dalawang taon na ngayon ang anak nina Regine at Ogie Alcasid.



SONG FOR YOLANDA VICTIMS. Isa pang bagong kaganapan sa singing career ni Regine ay ang pagre-record niya ng isang kanta, kasama ang singing talents ng GMA, para sa survivors ng super-typhoon Yolanda.

Ang naturang kanta ay ginawa ni Janno Gibbs.

Lahat daw ng mapagbebentahan ng kanta ay mapupunta sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.

Maliban dito, nag-participate din si Regine sa isa pang benefit show na inorganisa naman ng ilang mga kasamahan niya sa industriya, na ginanap noong Linggo ng gabi, December 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita ni Regine sa PEP na magtutuluy-tuloy ang pagsama niya sa benefit shows para makatulong sa mga biktima ng bagyo.

Saad niya, “Kasi matagal ‘yan, e. May rehabilitation pa, may rebuilding.

“Sa ngayon kasi, puro relief goods ang ibinigay natin.

“Actually, they need to start their lives already, kasi hindi naman puwede na ganun na lang sila forever.

“And I’m sure they want already to move on with their lives.

“So, doon natin sila matutulungan—yung rebuilding, yung rehabilitation.”

Tungkol naman sa kanyang isinagawang celebrity auction—kung saan ibinenta niya ang mga personal niyang gamit gaya ng bags, shoes, clothes, and jewelry—ibinalita ni Regine na naumpisahan na nila ang proseso ng pagkukolekta.

Sabi ng Asia’s Songbird, “Right now, nasa collecting na kami, delivering, shifting. Malapit na siyang matapos.

“As of now, ang nalilipon namin, nasa 900,000 [pesos].

“Kasi ang ini-expect ko talaga, I’m hoping for a million sana. At least, ganung amount.

“Thank you, thank you, Lord. Maraming-maraming salamat doon sa nag-participate sa auction.

“Eto, one hundred percent will go to the Yolanda victims—sa kanila lahat yun.”



MUSIC HEALS. May plano rin ba sila ni Ogie at ibang mga kasamahan sa industriya na pumunta ng Tacloban City para bisitahin at alamin ang kalagayan ng mga taon roon, at upang magkaroon na rin ng free concert?

Sabi ni Regine, “Actually, we do have plans.

“Parang we want to put up a show para lang medyo maaliw sila nang konti.

“Kasi right now, medyo shocked pa sila, hindi pa normal ang pamumuhay nila.

“But, we want to… You know, baka isipin ng iba, parang insensitive.

“Pero I think kasi, di ba, music heals?

"So, feeling ko, nangangailangan din sila ng form of entertainment doon.

“Mga next year na ‘yan siguro. We will plan it.

“For sure, wala pa ring kuryente in some parts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin natin alam kung saan puwedeng magpa-show. Siyempre, we want them to be safe.

“And siyempre, everyone else is going to be performing.”



HOLIDAY SEASON. Tatlong linggo na lang at Pasko na, kaya naman naitanong ng PEP kay Regine kung ano ang plano nilang mag-asawa ngayong Holiday season.

Tugon niya, “Well, itong Christmas na ito, kina Cacai kami magki-Christmas.

“Kasi nandun yung parents ko. Nandun si Papa, si Mama.

“Sa New Year naman, for the first time, doon kami sa Australia—maiba lang.

“Dati kasi, every Christmas doon kami, then dito kami nagnu-New Year.

“So, binaliktad lang namin, maiba lang.”

Si Cacai Velasquez-Mitra ang nakababatang kapatid at siya ring tumatayong business manager ni Regine.

Sa Australia naman nakatira ang dalawang anak ni Ogie na sina Leila at Sarah sa una nitong asawang si Michelle Van Eimeren.



MANG GERRY. Nakakangiti naman na ngayon si Regine pagdating sa kanyang amang si Gerry Velasquez.

Masaya nitong ibinalitang bumuti na ang kalagayan ni Mang Gerry.

“He’s doing well, he’s doing good. He’s fine. Magaling na siya.”

Wala na raw ibang Christmas wish si Regine, kundi ang magpasalamat na lang sa Panginoong Diyos.

“Thank you na lang, despite sa lahat ng nangyayari sa atin ngayon, nandito pa rin tayo. We’re still moving on.

“Siguro ang prayer ko na lang for all of us not to lose hope.

“Kasi nandiyan lang naman lagi si God watching over all of us,” saad ng Asia’s Songbird.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN