Gabby Eigenmann reveals ultimate dream of starring in a movie with the whole Eigenmann clan

Ayon kay Gabby Eigenmann, sa ngayon ay nag-iisip na ang buo nilang pamilya ng magandang istorya para sa gagawin nilang pelikula o teleserye. Pero ang mas importante raw ngayon ay makahanap sila ng producer na handang gumastos para sa proyektong ito.


Halos lahat ng miyembro ng pamilya Eigenmann ay nasa larangan ng showbiz.

Magmula kina Eddie Mesa at Rosemarie Gil; sa mga anak nilang sina Mark Gil, Cherie Gil, at Michael de Mesa; hanggang sa mga apo nilang sina Gabby Eigenmann, Ryan Eigenmann, Geoff Eigenmann, Sid Lucero, Maxine Eigenmann, at Andi Eigenmann.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby, sinabi nitong isa sa ultimate dream ng kanilang pamilya ay magsama-sama sila sa isang proyekto.

Saad niya, “Actually, isa sa dreams ng buong pamilya, kahit isang indie lang na would be…

“Magkaroon pa ng generous na film producers who are trying to come up with a film.

“Yes, si Tita Cherie, My Own Man, sarili niyang production.

“I think nakaplano, gagawa sila ng dad ko [Mark] ng movie about the family—plano talaga yun.”



FROM OLDEST TO YOUNGEST. Mas "super special" daw ang pelikula na gagawin nila kung kasama rin ang grandparents ni Gabby na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

“The thing is, yun nga, my grandparents are in the States.

“Sabi nga, kapag nagkaroon ng opportunity na magkaroon ng trabaho rito, which nabanggit ko sa lola ko...

"Kasi I call her Mama… ’Mama, come back na!’

"And kulang na kasi ang mga generation niya, e. Like, sina Tita Boots [Anson-Roa], Tita Glo [Gloria Romero].

"Sabi ko nga, ’If you come back, I’m sure, meron.’

“So, excited naman siya kapag merong nag-offer sa kanya.

"And the movie, we’re really trying to work on a story.

“Kasi, unang sinabi ni Daddy na if we do a movie about the Eigenmann, parang manipis lang daw, e.

"So he needs to have parang mas mabigat na istorya."

Ayon kay Gabby, tulung-tulong silang mga Eigenmann para makabuo ng isang magandang istorya.

“Nagbigay kasi ako ng example, e, like yung ginawa yung Tanging Yaman [2001].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"It’s an all-star cast, pero it pulled off kasi bihira lang gumawa ng drama.

“Pero sabi nga ni Daddy, magkakaroon daw... mas magpu-florish daw yung kuwento namin kung gagawing teleserye.”

Anong istorya naman kaya ang gagawin nila?

Sabi ni Gabby, “Ang daming naiisip, puro dreams.

"Ang need, importante siyempre yung magpo-produce.”

Biglang sumulpot ang pangalan ni Dingdong Dantes na nagnanais i-produce ang “kasaysayan” ng mga Eigenmann.

Bunyag ni Gabby, “Pero sabi ko nga... we’re not excluding Dingdong.

“For the longest time, napag-uusapan na namin. He wants to produce slash direct.

“Like something would… a project that we’ll come up with the whole Eigenmann.”



TALENTED EIGENMANNS. Inisa-isa naman ni Gabby ang kakayahan ng kanyang mga pinsan.

“When our generation started, hindi naman kami kilala bilang Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann...

“Kilala kami bilang ’anak ni Mark Gil, Michael de Mesa.’

“Years have passed, kung may na-prove naman kami, minsan they call me ’Geoff.’ Si Geoff, tinatawag na ’Gabby.’

“At least, ganoon na lang—or ’kapatid ni Andi, kapatid ni ganyan,’ whoever is yung name na mas nare-recall.

“At least, nabubura na yung ’anak ni Mark,’ yung mga ganoon.

“So I guess, through the years, when you have done something in the industry—not just to entertain but to make a mark.

“Kasi sabi ko, hindi pa ako Eigenmann, wala pa ako sa pool ng Eigenmann, kasi wala pa akong award.

“So, noong nabigyan ako ng pagkakataon [award], so medyo umano ako... gumanoon na ako, e, ’Eigenmann na ako!’"


ON SID LUCERO. Sino sa palagay ni Gabby ang mas magaling na aktor sa kanilang magkakapatid at magpipinsan?

Sagot niya, “Well, they’re all different, e.

"Si Sid kasi, deep, very deep, intense actor yun, e.

“He’s… kahit huwag mong bayaran yun, magtatrabaho yun, umaarte yun.

"He will do it because of his passion talaga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sid ay kapatid sa ama ni Gabby.

Patuloy niya, “That’s where he started naman, e... well, he started sa TV-TV, but he flourished talaga sa indie.

“Ako, I was surprised, kasi I really never thought that he has it.

"Kasi swimmer siya and he was in Ateneo, talagang varsity sa swimming.

“Ayaw niya talagang mag-artista.

"But then, he saw my life, kasi dumating sa point na happy-go-lucky ako, e.

“I was doing TV, I was acting, I was hosting, I was singing.

"Sabi niya, parang feeling daw niya my life was easy. Sabi niya, ‘I’m tired.’

“Ako kasi, matsika ako, e.

"Siya, opposite, siya, he speaks his mind.

“Hindi naman ‘yan marunong makipag-ano, e, makipag-showbiz—hindi siya showbiz.”



ON GEOFF EIGENMANN. Ikinuwento rin ni Gabby ang pinagdaanan ng pinsan niyang si Geoff para magbawas ng timbang.

“Si Geoff is okay, and I’m happy that he is back.

“For the longest time, he’s been out of work for the last six months.

“The good thing about it, ako kasi talaga ang nagpu-push sa kanya, ‘Tara, gym tayo.’

"Kahit tanungin ninyo siya, alam naman niya yun, e.

“When I was going to the gym, nagba-bike na siya, e, mountain climbing, nagba-basketball.

"Sabi ko, ’I-try mo lang mag-gym.’

“Sumabay naman siya, tapos iniwan na niya ako. Hehehe!

“Kumbaga, mas pumayat na siya.

"Sabi ko, ‘Sige, bigay ko na sa ‘yo ‘yan, it’s your time to shine. Mas nami-miss ka, I’ll take the backseat.’

“Kasi may ginagawa ako noon, e. Sabi ko, ‘Ikaw na muna.’

"It paid off naman, oo.

“Geoff cannot afford na magpataba.

"Yun ang difference namin ni Geoff—he is a matinee idol."



ON RYAN EIGENMANN. Si Ryan naman daw ang pinakatahimik sa kanilang lahat.

“You know, si Ryan kasi ang pinakamatanda sa amin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But Ryan is the quiet one.

“Kumbaga, minsan lang humirit ‘yan, pero kapag humirit ‘yan, lahat kami nakikinig.

“With Ryan, he’s the most mysterious type kasi sa amin, e.

“Ano siya, if they say I’m a scary villain, what more pa si Ryan?

“Kahit hindi na magsalita, nakakatakot talaga.

“That’s why you can’t compare who’s the better actor.

“Kasi, like si Sid, character actor, pero leading-man material din—at yun nga, intense.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN