Justin Bieber says Tacloban visit is his “most touching trip”

Sa pamamagitan ng social media ay patuloy ang panawagan ni Justin Bieber na magbigay ng tulong at suporta sa typhoon victims sa Pilipinas.


“That was the way to end a tour. We can all make a change and help. Please get involved. #pray4phillipines #GiveBackPhilippines.”

Ito ang isa sa mga mensahe ni Justin Bieber sa Twitter upang ilarawan ang ginawa niyang pagbisita sa Tacloban, Leyte, ngayong araw, Martes, December 10.

Ang tinutukoy na "tour" ni Justin ay ang kanyang Believe Tour concert sa iba’t ibang bansa ng anim na kontinente, na tumagal ng mahigit isang taon.

Sa itinerary ng kanyang concert tour, nagsimula ito noong September 29, 2012, sa Glendale, United States; nagtapos ito kahapon, December 9, 2013, sa Perth, Western Australia.

Wala sa listahan ang Pilipinas sa mga bansang pagtatanghalan niya.

Ngunit hindi gaya ng mga magarbong performance niya sa kanyang concert tour, sinabi ni Justin sa kanyang Twitter, isang oras bago siya dumating ng Tacloban, na itatanghal niya ang pinakaimportanteng bahagi ng kanyang tour dito sa Pilipinas.

Kasunod ng kumpirmasyon ng pagdating ni Justin sa Tacloban ay ang sunud-sunod na posts sa social media ng mga larawan at videos ng international pop sensation.

Base sa mga larawan, kabilang sa mga ginawa ni Justin sa Tacloban ay ang paghahandog ng mini-concert para sa mga residente doon.

Kabilang sa mga kinanta ng 19-year-old singer ay ang “Mistletoe,” na isa sa mga awitin sa kanyang Christmas album.

Sa ibang larawan at videos ay ipinapakita ang pakikisalamuha ni Justin sa mga residente, kagaya ng pakikipaglaro ng basketball, pakikipag-usap at pakikipaglaro sa mga bata.

Read: Justin Bieber holds mini-concert in Tacloban

Ngayong gabi naman ay sunud-sunod ang posts ng Canadian singer sa kanyang Instagram at Twitter accounts para ilarawan ang kanyang naging karanasan sa pagpunta sa Tacloban.

Aniya, ito raw ang “most touching trip” sa kanyang buhay.


Tinawag niya ring “special show” ang ginawa niyang pagtatanghal, at nagkaroon daw ng malaking impact ang karanasang ito sa kanya.

Sa pinakahuli niyang tweet, habang isinusulat ang balitang ito, ay nakiusap si Justin na suportahan ang kanyang kampanya upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay may fundraising drive ang singer para sa Yolanda victims sa pamamagitan ng prizeo.com.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga nagdo-donate na manalo ng papremyo. Ang mananalo ng grand prize ay makakasama si Justin sa isang studio hangout sa 2014.

As of 7:47 p.m. ngayong araw, December 10, umaabot na sa $627,705 ang nalilikom na donasyon ni Justin.

Matatapos ang nasabing online fundraising drive sa loob ng limang araw.

Samantala, narito pa ang isang tweet message ni Justin na may mga salitang Tagalog:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN