Manny Pacquiao allegedly owes IRS $18 million

Ayon sa ulat na nakalap ng TMZ, ang halaga ng buwis na hindi umano nababayaran ni Manny Pacquiao sa Internal Revenue Service sa Amerika ay umaabot ng $18 million o tinatayang P774 million.


Panibagong hamon na naman ang kinakaharap ni Sarangani Representative Manny “Pacman” Pacquiao dahil diumano sa $18 million (P774 million) na halaga ng buwis na hindi niya nababayaran sa Internal Revenue Service (IRS) sa Amerika.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiyang kasalukuyang kinakaharap ng Pambansang Kamao sa Pilipinas dahil sa paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hindi umano nabayarang buwis nito na nagkakahalaga ng P2.2 billion.

Kasalukuyang naka-freeze ang bank deposits ni Manny alinsunod na rin sa kautusan ng BIR.

Read: Manny Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court



UNPAID TAXES IN THE US? Sa nakalap na mga dokumento ng gossip website na TMZ, lumalabas na hindi raw nakapagbayad ng buwis si Manny sa IRS para sa kanyang kinita sa mga laban niya mula 2006 hanggang 2010.

Narito ang breakdown ng taunang buwis na utang diumano ni Manny sa IRS:

2006: $1,160,324.30
2007: $2,035,992.50
2008: $2,862,437.11
2009: $8,022,915.87
2010: $4,231,999.01

Nagkaroon ng 12 laban si Manny mula 2006 hanggang 2010, at labing-isa rito ay ginanap sa Amerika.

Ayon naman sa bleacherreport.com, tatlo sa mga match na ito ay nangyari sa Texas, na walang state income tax, subalit kinakailangan pa ring magbayad ng federal income tax.

Sa website ng IRS, ang federal income tax ay ang buwis na binabayaran ng mamamayan sa U.S. “regardless of the state or county in which they live.”

Kung naninirahan ang isang tao sa kahit anumang 50 estado sa U.S., obligado siyang magbayad ng buwis sa federal government.

Samantala, ang state income tax naman ay itinatakda ng bawat state government at ang halaga ng buwis ay ibinabatay sa kinikita ng isang residente.

Pito sa 50 estado sa Amerika ang hindi nagtatakda ng income tax: Wyoming, Washington, Texas, South Dakota, Nevada, Florida, at Alaska.


MANNY CLAIMS HE PAID HIS IRS. Samantala, tila taliwas sa pahayag ng kampo ni Manny ang lumabas na ulat na hindi siya nagbabayad ng buwis sa IRS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 26, sinabi ng boksingero na nagbayad ang kanyang kampo sa IRS.

Nakasaad din sa ulat na hindi isinama ni Manny sa kanyang Income Tax Return (ITR) ang remittance galing sa IRS dahil sa bilateral tax treaty sa pagitan ng Manila at Washington.

Sa kasunduan ay nakasaad na ang income tax na binayaran ng isang Pilipino sa U.S. ay maaaring ma-credit sa kanyang income tax liabilities dito sa Pilipinas.

Read: Manny Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court

Inakusahan din ni Manny ang BIR probers ng hindi-pagbibigay pansin sa mga report na isinumite ng Top Rank Promotions (boxing promotion company na humahawak sa mga laban ni Manny), pati na sa iba pang transaction documents na nagpapatunay umano na nagbayad siya ng kanyang IRS.

Sa ulat ng PEP.ph noong December 4, sinabi ng Top Rank na ang certified true copies ng tax returns sa US ni Manny ay naipadala na sa mga abugado ng Pinoy boxer dito sa Pilipinas.

Read: Bob Arum on Manny Pacquiao’s tax issue: “What they’re doing to Manny is absolutely outrageous and it’s politics at its worst.”

Sa nasabing ulat ay kinuwestiyon ni Bob Arum, Top Rank chief executive officer, ang paghahabol ng BIR kay Manny.

Dating tax laywer at empleyado ng Department of Justice tax division sa New York si Arum.

Ani Arum, sa ilalim ng batas ng Amerika ay required ang Top Rank na bayaran ang IRS funds na na-withhold mula sa kinita ni Manny mula sa kanyang mga laban at endorsements sa U.S.

Idinagdag pa ni Arum na ipapadala raw electronically sa BIR ang copy-furnish ng mga nasabing withholdings.

Pero iginiit ng BIR na ang kailangan nila ay certified true copy ng tax returns galing sa IRS.

Iginiit naman ni Arum na naibigay na nila ang lahat ng kailangang dokumento at resibong nagpapatunay ng pagbabayad ng buwis ni Manny sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinimok pa ni Arum si BIR Commissioner Kim Henares na i-audit ang mga kinita ni Manny sa Top Rank.

“Let them come to our office, let them sit down, and we will take them through every single wire transfer.

"Because I can represent here today that for all the time we promoted Manny, 30 percent was taken out of any moneys paid to Manny, and that includes not only his fights but also endorsements in the United States,” ani Arum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN