Judy Ann Santos shrugs off latest separation rumor with husband Ryan Agoncillo

Isa si Judy Ann Santos sa Kapamilya stars na nakiisa sa solidarity concert ng ABS-CBN na ginanap kagabi, December 10, sa Smart Araneta Coliseum. Pahayag niya tungkol sa pagtitipun-tipon na ito ng Kapamilya stars: "It’s always a good thing na tuwing Pasko, nagkikita-kita kayo and nagkakasama kayo. And now, we’re doing a benefit concert again for the Yolanda victims."


Muli na namang nabubuhay ang isyung “on the rocks” diumano ang pagsasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, dahil sa lumabas na kuwentong nag-away raw ang mag-asawa at nagdesisyong umuwi na sa bahay ng mga Agoncillo ang TV host-actor.

Ngunit mabilis itong pinabulaanan ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa solidarity concert ng ABS-CBN, ang Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon, kagabi, December 10, sa Smart Araneta Coliseum.

Pahayag ng young superstar, “Wala, walang ganun at all.

“Deadma na, wala nang ganyang mga isyu.

“I’ve been hearing that… natatawa na lang kami.

“Wala kaming alam kung saan nanggaling ang issue na ‘yan.

“Pero sabi nga nila, kung may issue, e, di masaya.

“Ibig sabihin, naiisip pa rin kami ng mga tao, so carry lang.

“Merry Christmas!” bulalas pa ni Juday.



CHRISTMAS PLANS. Speaking of Christmas, tinanong namin ang aktres kung ano plano ng kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan.

Sagot niya, “Christmas plans... it will be simpler, pero definitely meaningful.

“Sa bahay lang… Christmas celeb na ginagawa namin sa bahay every year.”

Isa si Juday sa Kapamilya stars na nakilahok sa solidarity concert ng ABS-CBN, kung saan ang kinita sa ticket sales ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sabi niya tungkol dito, “It’s always a good thing na tuwing Pasko, nagkikita-kita kayo and nagkakasama kayo.

“And now, we’re doing a benefit concert again for the Yolanda victims.

“Lahat naman ng pagtitipun-tipon ng mga stars sa ABS-CBN ay makahulugan.

“Mas simple, pero mas may puso, makahulugan.

“At makikita mo naman ang bawat effort ng mga artista ng ABS, hindi naman kailangang piltin pa.

“Basta sa mga Kapamilya, wala naman kailangang pag-effort-an.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN