Alice Dixson almost walked out during her FHM pictorial

Ikinatutuwa ni Alice Dixson ang mga magagandang pangyayari sa kanyang career ngayon. Kabilang na rito ang pagiging blockbuster ng pelikula niyang When The Love Is Gone, pagiging toprater ng primetime series niyang For Love Or Money, at paglabas ng kanyang cover pictorial para sa FHM.


Hindi raw inaasahan ng aktres na si Alice Dixson ang magandang pagtanggap ng mga tao sa kanyang pagpapaseksi bilang pinakabagong cover girl ng men’s magazine na FHM, para sa December 2013 issue nito.

Ayon sa FHM, "breaking records" daw ang dami ng nag-like sa Facebook ng cover ni Alice.

Kaya naman tuwang-tuwa si Alice dahil dito.

“Nagulat ako… nagulat din sila. So, pareho tayong nagulat!” natatawang sabi niya.

“But you know, I had a good time doing it and I’m very happy with the positive response that we got.

"Like I said, buy your copies now, we don’t know if it’s ever gonna happen again.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Alice sa taping ng TV5 primetime series na For Love Or Money kahapon, Disyembre 11, sa North Greenhills, San Juan.

Masusorpresa ba siya kung mapasama siya sa Top 10 ng FHM’s 100 Sexiest Women sa susunod na taon, at papayag ba siyang rumampa?

“So long as I don’t have to parade in a bikini, okay lang,” sagot niya.

FIRST TIME. Anong pagkukumbinsi ang ginawa sa kanya para mapapayag na magpaseksi sa pictorial, lalo na’t inamin niyang first time niyang gawin ito?

Sabi ng 44-year-old actress, “Well, the truth is, a few months ago, a photographer friend of mine and I, we just did a little bit of experiment.

"I asked him to take photographs of me in a bikini on the beach for summer ko this year.

"And then I just posted a few on my Twitter account and IG [Instagram] account, and then I got a lot of positive comments.

“So, when they asked me to do a bikini scene in For Love or Money, actually I knew it that I would have to do it on TV, part of the script yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although they didn’t force me, I knew that it’s something na pag-uusapan, and I didn’t have my problem with doing it.

"So noong.. it was TV5 and FHM that sort of, you know, got together and said, ‘Would you be interested in reconsidering?’

"Kasi before, I kinda said yes, but jokingly said no.

"So, when they approached me again, sabi ko, ‘Why not? But I can chose the people that I work with.’

"And so, I had a really good make-up artist, a really good photographer, and a great stylist, and my publicist was there, so all good.”

ALMOST WALKED OUT. Tawa lang daw siya nang tawa sa photo shoot kaya naging at ease na sa kanya ang mga katrabaho niya.

Pero inamin ni Alice na muntik na palang hindi matuloy ang photo shoot at muntik na siyang mag-walkout.

Kuwento niya, “I wanted to make it light kasi they were kinda nervous working with me because in the beginning yung the set… or the costumes or the clothes that they showed me were not what I have approved.

"So, I was ready to go home.”

So, talagang magwu-walkout siya?

“In a way kasi, we had already agreed on what we were going to do, and it was not anything like we had agreed on.

"So, I said, ‘You know what, if this not gonna look the way… you know, I was hoping it would look the way we discussed, then I don’t wanna be a part.’

"And then they adjusted naman and nag-adjust din ako, sa totoo lang.

"And it came out to my liking because I trusted the photographer, which was really important.”

Ano ang reaksiyon niya sa outcome at finished product?

Hindi agad nakasagot si Alice nung iharap sa kanya ang mismong magazine at tila hindi niya matingnan ito, sa halip ay tumawa na lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit parang ayaw niyang tingnan ang FHM cover niya samantalang maganda naman?

Sabi ni Alice, “Thank you, I mean, I’m just worried kasi it’s not really my image.

"But I’m very happy it came out the way… it came out okay.”

PANTASYA NG KALALAKIHAN. Hindi ba siya ninenerbiyos sa gaganaping autograph signing niya para sa FHM sa Sabado, December 14?

Sagot niya, “Why would I be nervous? Nakakatakot ba?

"I think so long as they’re not rowdy and I don’t think they’re allowed to be rowdy in the mall.”

Okay lang bang kung tawagin siyang "pantasya ng mga kalalakihan"?

“Uhm… basta I’d like to be versatile.

"I’m not getting any younger, so what you see is what I’d like to do right now, and nobody’s forcing me.

"Like I said, I’m glad for the positive feedbacks.

"Kasi it would really be bad if I pose for something and then people will say, ‘Ano ba iyan? What is she doing?’

"So, I’m really happy that I’ve got general good feedback.”

HOLIDAY GIFTS. Sa isang interview, sinabi ni Alice na ginagawa niya ito bilang bahagi ng pag-e-experiment niya sa kanyang career.

Satisfied ba siya sa resulta ng experiment niya?

Tugon niya, “Yeah. I mean, I don’t think I could ask for anything more.

"I had a blockbuster movie, When The Love Is Gone directed by Andoy Ranay with Viva Films.

"I just found out this morning, we have really good following on For Love Or Money.

"The FHM cover came out.

"And also early next year, Lady Next Door [TV5 telesine], ipapalabas na.

"And so, I’m gonna be coming out with an endorsement.

"At the end of the year, I had an offer to do something, and then may movie pa akong gagawin with Boss Vic [del Rosario of Viva Films] next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, all is good and I’m very happy.”

So, maaga pala siyang nakatanggap ng mga regalo para sa Pasko at Bagong Taon?

“Yes. And I wanted to greet all my followers and supporters, you know, it’s December now.

"Happy holidays and thank you sa… I’m very grateful for all the support you’ve shown me throughout the year, throughout my career, and lalo na ngayon.

"Salamat sa mga comments niyo in my Instagram, in my Twitter, all very good and positive, and Facebook.”

Christmas plans?

“We’re taping For Love Or Money until December 20.

"I plan to spend Christmas here.

"Tapos, after Christmas, I’m going to spend New Year naman with my family.

"Kaya lang, early next year, I’m going to start a new show, it’s a comedy sitcom.

"Hindi ko pa puwede sabihin kung sino yung mga kasama ko, pero it will be airing by the end of next month.”

DATING. Samantala, hindi rin nakalimutang itanong kay Alice kung ano na ang development sa guy na sinasabi niyang idine-date niya.

Boyfriend na ba niya ito?

“I said I’m dating… I didn’t say… I said I’m dating,” diin niya.

Di ba, may isang guy na tila mas mataas na ang level sa dating?

“Basta, I’m dating…” tila naiilang at paiwas na sagot ni Alice.

Ano ang sabi ng guy na ito sa paglabas niya sa FHM?

“Ahm… my mom saw the magazine,” todo-iwas na sagot niya sabay tawa.

“And my mom saw the movie. She really enjoyed the movie.”

Idinaan na lang ni Alice sa biro ang pakiusap niya na huwag nang pag-usapan ang lovelife niya.

“Ayoko na… tama na… ayoko na!” natatawa niyang sabi.

“Pinapawisan ako sa inyo. Ano ba iyan? Thank you for coming.”

Tapos ay nagpaalam na si Alice dahil kailangan nang kunan ang susunod niyang eksena sa taping ng For Love Or Money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN