Gardo Versoza helps calamity victims without fanfare: “Pag tumutulong kami, hindi kasi namin gawi yung binu-broadcast yun.”

Aminado ang aktor na nagkaroon na siya ng mga supling sa ibang naka-relasyon noon, pero ang pagiging “daddy” raw ay mas nagagampanan niya ngayon. Deklara niya, “Oo, masarap yung ngayon, kasi siyempre, hands-on—you’re doing it with the one you love.”


Tulad ng marami niyang kasamahan showbiz, may ginagawang pagtulong si Gardo Versoza sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ngunit minabuti ng aktor na hindi na ito idetalye o banggitin ang mga partikular na donasyong naibigay at naipahatid niya sa kinauukulan.

Katuwiran niya, “Kumbaga, kung tutulong ka... pag tumutulong kami, hindi kasi namin gawi yung binu-broadcast yun.

“In our own little way, we give contributions na alam naming sigurado namang makakarating.”

Batid ni Gardo na malaki ang naging epekto ng nagdaang kalamidad sa kanila at sa Pilipino.

Aniya, “Sa tingin ko, kahit hindi pa magpa-Pasko, klarung-klaro kasi yung mensahe [sa Itaas] na marami nang nakakalimot.

“So, para sa akin, kahit na hindi pa Pasko ‘yan, o maaaring kaya napataon ang mga pinsala sa nalalapit na Pasko, para mas masakit tanggapin.

“Bago ka kasi magising, kadalasan sa atin, kinakailangang nasasaktan—yun ang ironic about it.

“Para sa akin yun, ha?

“Sa isang banda, overwhelming yung ginawang mga pagtulong.

“So, mararamdaman mo na maraming tao pa rin ang buhay sa puso nila si Kristo.”


ON FATHERHOOD. Samantala, hindi maitago ni Gardo ang kasiyahan sa bago raw niyang “papel” sa totoong buhay—bilang ama ng one-month old baby niyang si Deity Uziel.

Aminado ang aktor na nagkaroon na siya ng mga supling sa ibang nakarelasyon noon, pero ang pagiging “daddy” raw ay mas nagagampanan niya ngayon.

Sabi niya, “Oo, masarap yung ngayon.

"Kasi siyempre, hands-on, you’re doing it with the one you love.”

Ang tinutukoy ng aktor ay ang partner niya of eight years na si Ivy Vicencio, na siya ring tumatayong professional manager ni Gardo.

Paglalarawan pa ni Gardo tungkol sa pagiging ama ni Uziel: “Parang extension ng pag-aalaga sa akin ni Mommy [Purisima, his mom] ang care namin para kay Uziel.

“Kasi, parang hinahanap-hanap ko yun, e.

"Pero this time, ako naman yung nag-aalaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwang-tuwang naikuwento rin ni Gardo ang mga una niyang karanasan sa pag-aalaga ng baby niya.

“Ang toka ko sa umaga, nagpi-feed ng milk—magkahalong breast milk at sa bote.

"At nagpapa-burp sa baby, at nagpapalit din ng diapers pag may poopoo.”


“LITTLE MACHETE.” Makaraan ang isang buwan, mas nae-enjoy na nina Gardo at Ivy si Uziel, whom he fondly calls “Little Machete,” referring to his movie character.

“Kasi ngayon, marami na siyang mga reactions, cute reactions!” sambit ni Gardo.

“Like, pag sinabi kong, ‘Nandiyan na si Imma...’ tinitingnan niya ang mommy kung nasaan ito.”

"Imma" is a Hebrew term for mother and "abba" means father.

Ito ang nais nilang itawag ng bata sa kanila bilang magulang.

Galing din sa salitang Hebrew ang pangalang Deity Uziel, na ang ibig sabihin ay “God is my strength.”

Patuloy pa ni Gardo tungkol kay Uziel, “Sa gabi, pag naiiwan silang mag-ina sa bahay at ako nasa taping, na mag-isa lang sa tent, nalulungkot ako.

“Feeling ko, para akong naka-bartolina, na every break time, dinadalhan ako ng pagkain.

"‘Napaka-depressing naman ng dating nito,’ naiisip ko.

“Then, biglang magpapadala ng picture ni Uziel [sa iPhone] si manager [Ivy], matutuwa na ako... para kasi siyang clown!

“Mas nakaka-inspire mag-work!”


GOOD AND BAD. Isang ama rin ang papel ni Gardo sa upcoming drama series ng GMA, ang Rhodora X.


Siya ang gaganap na ama nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi; at siGlydel Mercado naman ang gaganap na asawa ni Gardo.

Sabi ni Gardo sa kanyang role, “Mabait na father ako dito.

"Different naman sa role ko sa Mga Basang Sisiw, bilang Efren, na salbaheng foster dad.”

Saan siya mas enjoy gumanap—bilang mabait o salbaheng character?

Sagot ni Gardo, “Most of the time, mas gusto kong pinu-portray ang bad side.

“Kasi you get to do things na hindi mo puwedeng gawin in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if you’re playing a bad guy, dito puwede kang pumatay, puwede kang mangurakot.

“Lahat ng hindi mo puwedeng gawin sa totoong buhay, puwede mo siyang magawa dito.

“And then, may extra challenge, kasi hindi naman ikaw yun sa totoong buhay.”

Challenge din para kay Gardo ang gumanap na ama ng isang mayroong Dissociative Identity Disorder (DID), na gagampanan ni Jennylyn.

Ang DID ay isang personality disorder na ibinunga ng sibling rivalry, tulad ng matinding conflict ng dalawang anak nina Gardo at Glydel sa serye na sina Jennylyn at Yasmien.

Nakatakdang ipalabas ang Rhodora X sa susunod na buwan, sa GMA primetime.

Sabi ni Gardo, “Bukod sa mga blessings sa family, ito ang magandang Christmas gift sa amin, so I’m always looking forward to every taping.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN