PEP EXCLUSIVE. Batangas Governor Vilma Santos surprised by Comelec’s order; claims she filed her poll expenses ahead of time

Batangas Governor Vilma Santos insists that she didn’t receive any letter from Commission on Elections, informing her that there’s a problem with the Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) that she submitted.

"In fact, pati Comelec ng Batangas, kung saan kami registered, nagulat. Pero sabihin na natin na baka may problema sa form with their new rules and regulations or maybe sa signature. At least let us know so that we can corre


“I did comply with my SOCE [Statement of Contributions and Expenditure] and I have a certificate of compliance dated June 6. Mas ahead pa kami sa deadline. ”

Ito ang pahayag ni Batangas Governor Vilma Santos kaugnay ng pag-anunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) tungkol sa mga nanalong kandidato na hindi umano nakapaghain ng kanilang nagasta noong May 2013 elections.

Read: Comelec orders governors Vilma Santos, ER Ejercito to vacate posts for failure to submit their election expenses

Nanindigan si Governor Vi na wala siyang nilabag na alituntunin ng Comelec, lalo pa’t inisyuhan siya ng certificate of compliance mula mismo sa naturang tanggapan.

Sabi ng actress-politician, “Nagulat kang kami, kasi when I learned about it and I saw the presscon, I asked my lawyer and he checked all the documents.

"Sa tingin niya, walang mali.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi sa pamamagitan ng telepono ngayong araw, December 12.

NO COMMUNICATION LETTER FROM COMELEC. Ayon pa kay Governor Vi, wala siyang anumang liham na natanggap mula sa Comelec na nagsasabing may kailangang itama sa kanyang naisumiteng SOCE.

Sa tagal ng kanyang panunungkulan sa gobyerno ay ngayon lang daw siya nasangkot sa ganitong gusot sa Comelec.

Siyam na taong nanilbihan si Vilma bilang alkalde ng Lipa, Batangas—mula 1998 hanggang 2007.

Pagkatapos ay naihalal siya bilang gobernador ng Batangas mula 2007 hanggang sa kasalukuyan.

Patuloy na pahayag ni Governor Vi, “But again, kung meron man sigurong pagkakamali, yun lang, we did not get any letter from them.

"Para kung meron mang mali, merong correction na nagawa.

“I mean, every year ginagawa natin ito. It’s only now na meron tayong ganito, na kinukuwestiyon.

“But the thing is, iba yung issue na hindi nag-comply kesa dun sa nag-comply na meron siguro silang problema o gustong gawan ng solusyon.”

Binanggit din ng PEP kay Governor Vi ang sinabi ni Chairman Brillantes na bukod sa mga opisyales na hindi nakapagsumite ng SOCE, ang iba pang sangkot ay maaaring nakapagsumite ng SOCE ngunit mali ang form o kaya ay hindi ito nalagdaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nakipag-ugnayan sa kanya ang Comelec kung sakaling may nakitang mali sa kanyang naisumiteng SOCE?

Sagot niya, “Wala. In fact, pati Comelec ng Batangas, kung saan kami registered, nagulat.

“Pero sabihin na natin na baka may problema sa form with their new rules and regulations, or maybe sa signature, at least let us know so that we can correct it.

“But the thing is, wala. We just saw it sa presscon.

“And since if you have a certificate of compliance, which means walang pagkakamali because you got your certificate already, or kung meron dapat i-correct, [sana] sinulatan kami kung let’s say may problem sa form or sa signature para nai-correct namin.”


OPEN TO TALKS WITH COMELEC. Ganunpaman, handa si Governor Vi na makipag-ugnayan sa Comelec upang agad na maayos ang kung anumang naging problema sa kanyang SOCE.

Sabi niya sa PEP, “Inaasikaso naman ng lawyer [ko].

"Siguro kung may findings sila [Comelec], malaman lang namin, and tomorrow we can correct it.”

Bukod dito ay nakikipag-usap na rin daw ang Comelec officials mula sa Batangas division sa pamunuan ng national Comelec.

“The last report that I got is the Comelec of Batangas went sa national ngayon.

“Kasi nagulat din sila na wala kaming letter coming from Comelec sa Batangas or Comelec sa national. Yun lang.

“I believe na kung nag-file, definitely nandiyan yung dokumento.

“Ang ano na lang natin, kung may problema, madali namang i-correct natin. Dapat lang we were informed,” diin ni Governor Vi.

Kaugnay nito, inamin ni Chairman Brillantes, sa ginanap na press briefing kaninang umaga, na ito ang kauna-unahang pagkakataong ipatutupad nila ang probisiyon sa batas para sa mga isinusumiteng SOCE sa Comelec.

Ipinaliwanag din ng pinuno ng Comelec na ang elected official na nagsumite ng SOCE na lagpas sa deadline ay hindi maituturing na election offense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa ikalawang pagkakataong maulit ito ay posibleng idiskwalipika ang nanalong kandidato sa eleksyon.

Para naman kay Governor Vi, kampante siyang walang parusang ipapataw sa kanya ang Comelec, dahil wala siyang nilabag na alituntunin ng nasabing tanggapan.

Sabi ng gobernadora, “Wala naman siguro.

"And we’re not here to fight with Comelec. Maybe they’re just doing their job.

“We were just waiting for a letter para naman in our defense.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN