Melanie Marquez survives car accident in Arizona

Kasalukuyang nagpapagaling ang beauty queen-turned-actress na si Melanie Marquez matapos masangkot sa isang car accident sa Arizona noong December 7.


Kasalukuyang nasa ospital ang beauty queen-actress na si Melanie Marquez matapos masangkot sa isang vehicular accident sa Arizona, USA, noong December 7.

Kinumpirma ng actor/hair and make-up stylist na si Fanny Serrano ang balitang ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, December 12.

“Oo, sa isang lugar dun sa… di ba, nasa Utah na siya, di ba?

"Ano daw, nahulog sa isang… twelve meters, e, na lalim, na parang canal, parang dry river, e," paglalarawan niya pa sa nangyaring aksidente.

Kasama rin daw sa naaksidente ang binatilyong anak ni Melanie na si Adam.

Dahil sa aksidente, ayon kay Fanny, nagkaroon ng bali si Melanie sa likod.

Nalaman daw niya ang aksidente sa isa pang anak ni Melanie na si Maxine Bumgardner sa pamamagitan ng Facebook.

Nanghihingi raw ng dasal si Maxine para sa ina at iba pa nitong kasamang naaksidente.

Dagdag pa ni Fanny, "Tapos yung anak niyang lalaki ay may kasama pang kaibigan, pero both naman, yung dalawang bata, ay safe naman.

“Ito ay ayon sa basa ko dun sa sini-send ng anak niya na humihingi ng prayers.

"Yun ang intindi ko."

Ito ang kabuuang Facebook post ni Maxine:

“Please pray for my mom, Arline, and nanay. They were in a car accident a couple days ago and although they are stable and in better condition than before they will need your prayers, love and support. They hit black ice and slid into a cement canal. My brother Adam was with them and walked out with only a couple bruises. We are all so lucky that they are still alive because things could’ve gone so much worst than it did."

Hindi pa raw nakakausap ni Fanny ang 1979 Miss International dahil nasa ospital pa nga ito.



THE ACCIDENT. Hindi nagbigay ng detalye si Maxine sa aksidenteng kinasangkutan ng kanyang ina at kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa ulat ng InterAksyon ngayong araw, nakausap nila ang isang Filipina na naka-base rin sa Amerika at nagngangalang Jullie Lopez.

Ang asawa ni Jullie ay naka-confine sa ospital sa Utah kung saan dinala si Melanie.

Ikinuwento ni Jullie ang nangyari kay Melanie, base na rin sa pakikipag-usap niya mismo sa beauty queen.

“The ravine was 12 feet high, pero nakuha pa ni Melanie na lumabas ng car at gumapang paakyat sa hill na para daw may anghel na bumuhat sa kanya.

"Kailangan niya umakyat kasi walang signal ang cellphone niya, kasi nga parang nasa balon sila.

"Buti nahagilap ni Melanie yung phone niya, kung hindi, walang makakakita sa kanila.

"Nung nakaakyat na siya at nagka-signal na yung phone, tinawagan niya agad si Maxine at, through GPS, na-locate sila ng ambulance.

"Sumigaw nga daw yung parademics ng ‘We found them!’ nung nakita na sila."

Galing daw sa Las Vegas ang grupo nina Melanie at pabalik na sana sa Richfield, Utah, nang mangyari ang aksidente sa Arizona.

Kuwento pa ni Jullie, “Delikado yung nadaanan nila kasi madulas because of the snowy weather.

"Nakapag-break pa daw si Melanie pero, ayun, tuluy-tuloy pa ring nahulog yung sasakyan nila."

Nagtamo raw ng galos ang 13-anyos na anak ni Melanie na si Adam, pero si Melanie ay nabalian ng buto sa kanyang likod.

Sabi pa ni Jullie, “Okey na naman siya, pero maraming X-rays, MRI, tapos kailangan na rin niyang mag-brace at hindi pa siya puwedeng bumangon.

"Medyo maga rin ang face niya kasi tumama sa matigas na bagay nung nahulog sila."

Sinabi rin ni Jullie sa InterAksyon na nasa Pilipinas ngayon ang asawa ni Melanie na si Adam Lawyer, kaya hindi ito makabisita sa kanyang mag-ina.

Naka-base ngayon sa Utah, USA, si Melanie matapos nitong mapangasawa ang American ranch owner na si Adam Lawyer.

Si Melanie ay may anim na anak mula sa apat na beses na pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang panganay niyang si Manuelito ay anak niya kay Senator Lito Lapid.

Ang pangalawa ay si Mazen, na anak niya sa isang Arabong negosyante.

Dalawa naman ang naging anak nila ng pangatlo nitong asawang si Derek Dee—sina Michelle at Maxine.

Dalawa rin ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Adam—sina Adam J. at Abraham.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN