Senator Lito Lapid on abolition of PDAF: "Kumakain ka ng pork barrel, ngayon, tuyo na lang."

Pagkatapos i-abolish ng Supreme Court ang pork barrel, sinabi ni Senator Lapid na ngayon ay dumudukot na siya sa kanyang sariling bulsa upang makatulong sa mga nangangailangan. Sabi pa ng actor turned politician, "Minsan parang mahihiya ka kapag wala kang matutulungan. Kamukha ng mga ospital, yung mga pinaaaral natin. Wala, pasensiyahan muna."


Inihalintulad ni Senator Lito Lapid sa pagkain ng tuyo ang pagkawala ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.

Sa ulat ng GMA News online ngayong araw, Disyembre 12, sinabi ng actor-politician na nag-a-adjust pa siya ngayong wala na ang kanyang P200-million annual discretionary fund.

Ito ay matapos ideklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang pork barrel noong nakaraang buwan.

Read: Supreme Court abolishes pork barrel fund; Senate eyes unused 2013 PDAF as supplemental budget to boost disaster relief ops

Sabi ni Senator Lapid sa panayam sa kanya ng media ngayong araw, December 12, "Wala kang magagawa talaga, e. Talagang mag-a-adjust ka.

“Kumakain ka ng pork barrel, ngayon, tuyo na lang.”

Sinabi rin ng dating action star na sana ay hindi lahat ng mga senador ay naapektuhan ng kontrobersiyang nilikha ng diumano’y P10-billion pork barrel scam.

"Ewan ko kung mayroong may kasalanan dito o wala. Lahat nadamay. Sana huwag naman lahat.”

Tatlo sa mga kasamahan ni Senator Lapid sa Senado—sina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong Revilla Jr., at Jinggoy Estrada—ang dawit sa isyu ng pork barrel.

Kinasuhan ang tatlo ng plunder dahil sa diumano’y paggamit ng kanilang PDAF sa mga maanomalyang non-government organizations ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong mastermind ng pork barrel scam.

Dagdag pa ni Senator Lapid, ngayon daw ay dumudukot na siya sa kanyang sariling bulsa upang makatulong sa mga lumalapit sa kanya.

"Minsan parang mahihiya ka kapag wala kang matutulungan.

“Kamukha ng mga ospital, yung mga pinaaaral natin.

"Wala, pasensiyahan muna," sabi ng 58-year-old senator.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN