Shaina Magdayao’s Christmas wish is for typhoon victims to recover

Pag-amin ni Shaina Magdayao, mahirap ang pinagdaanan ng pamilya niya nang masalanta ng bagyong Yolanda ang kanilang mga kamag-anak sa Tacloban, Leyte. Gayunpaman, nagpapasalamat siya na nailigtas ang mga ito.


“Masaya ang Pasko.”

Ito ang deklarasyon ni Shaina Magdayao sa presscon ng Metro Manila Film Festival entry na Pagpag: Siyam na Buhay nang tanungin kung paano niya ipagdiriwang ang Pasko.

Bida rin sa Pagpag sina Daniel Padilla, Paulo Avelino, at Kathryn Bernardo.

Dumaan sa pagsubok ang pamilya ni Shaina dahil ang kanyang lola at iba pang kamag-anak mula sa Tacloban, Leyte ay nasalanta ng super-typhoon Yolanda noong November 8.

Matapos naman ang ilang araw ay muling nakapiling ng kanyang pamilya ang kanyang 92-anyos na lola dahil nag-charter sila ng helicopter upang masundo ito, gayundin ang iba pa nilang kamag-anak.

Kaya naman ito rin ang dahilan kung kaya’t ito ang pinaka-espesyal na Pasko para sa kanya.

“Mahirap po pala ang ganung experience,” pahayag ni Shaina.

“Actually, kahit si Daniel [Padilla] yung lola din niya,” sundot niya. Nasalanta rin kasi ang [bahay ng] lola ni Daniel sa Palo, Leyte, noong panahon ng bagyo pero nailigtas din [siya].

Pagpapatuloy ng Kapamilya actress, “Mahirap pala pag ganun dahil hindi mo alam kung ano ba ang nangyari sa kanila; kung buhay pa o patay na… buhay pero naghihirap.

“So mahirap po both ways sa kanila and para po sa naiwan nila sa Manila.

“So we are very, very grateful, pati ang buong pamilya, na wala pong masamang nangyari sa lola ko and sa uncle ko…”

Kaya naman para sa kanyang Christmas wish, hinihiling ni Shaina na makabangon ang mga nasalanta ng bagyo.

“Sana magtuluy-tuloy ang pagbangon nating lahat.

“Sana maging masaya ang ating Pasko.

“Nawa’y sana ma-treasure natin ‘yon katulad ng pagti-treasure ko sa aking taon ngayon.

“Sana po ay maging mas maliwanag at maging mas masaya ang ating 2014,” pagtatapos ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN